Another morning.
Bakit kaya hindi pa si Sean nagte-text or tumatawag, tuwing umaga naman lagi syang nag ge-greet ng good morning sakin pero ngayon wala miski-isa. Nakapagtataka lang ngayon hindi din kasi sya nagtext sakin kagabi kung nakauwi na ba, iniisip ko nalang na baka nakatulog na pero ngayon tanghali na wala padin syang paramdam sakin.
"Ma punta lang po ako kay na sean" napagpasyahan kong puntahan na sya sakanila, tutal lagi naman sya ang pumupunta sa bahay ngayon ay ako naman.
Abala na naman si mama sa garden hays, wala naman akong magagawa kung pipigilan ko sya dahil isa na yon sa libangan nya.
"Bakit anak?" tanong ni mama, nagtaka siguro kung bakit ako pupunta don.
"Titingnan ko lang po hindi pa po kasi sya nagte-text sakin mula pa kagabi" saad ko naman sakanya.
"Oh sya sige anak magpapahatid ka ba sa papa mo?" tanong nya.
"Na'ko hindi na po ma mag kotse nalang po ako" mabilis na saad ko sakanya.
Humalik na ako sa pisngi ni mama at agad akong nagmaneho para agad makapunta sa bahay nila Sean pero sa pagkakataong ito kaba ang nararamdam ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Habang nagmamaneho ako iniisip ko padin kung ano kayang nangyare don at bakit hindi manlang nagte-text saakin, napasarap ba sya sa tulog nya?
"Tao po?" tawag ko sa pinto nila sean ng makarating ako sakanila. Tahimik lang dito at wala din ang kotse nya, pati nadin kotse ng parents nya.
Nang bumukas ang pinto ay isa sa mga katulong nila ang bumungad saakin, napakunot noo pa ako dahil namumula ang mata at ilong nito.
"Ano pong nangyari? umiiyak po ba kayo manang?" Nag aalala kong tanong sakanya.
Lalo akong naguluhan dahil hindi ito sumagot sa tanong ko bagkus ay napaiyak pa sya.
"Asan po si sean?" tanong ko, bakit iba ang kutob ko ngayon. Parang may hindi tama sa nangyayari.
Hindi padin ako sinasagot ni manang at naguguluhan na ako sa nangyayari, bakit ayaw nya'kong sagutin?!
"Manang asan po sina sean?!" paulit kong tanong medyo naiinis na dahil ayaw nya pading magsalita, ayaw nya din sabihin kung bakit sya umiiyak.
"Iha wala sila dito..." humikbi sya ng sabihin nya "nasa hospital sila" dagdag nya.
Sinong nasa hospital? anong ginagawa nila don? biglang bumilis ang tibok ng puso ko sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"Ho? sinong nasa hospital manang?sang hospital manang? please manang sagutin mo agad!" natatarantang tanong ko na umaasang mali lahat ng nasa isip ko.
"Si sean...nabu-ng-g-o sya kagabi iha" umiiyak na saad nya.
" Manang masama hong biro 'yan!" halos pa-sigaw ko ng saad sakanya, ayokong maniwala sakanya! hindi totoo yon!
"Iha totoo ang sinasabi ko" umiiyak na saad nya.
Halos matumba ako ng marinig yon, agad naman akong hinawakan ni manang. Hindi, hindi. Hindi totoo yon, kasama ko lang sya kagabi ih. Parang mahihimatay ako, halos gumuho ang puso ko ng marinig yon.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko, hawak hawak padin ako ni manang. Parang nanghihina ako sa sinabi nya pero agad kong kinuha ang cellphone ko para sagutin.
"Sam where are you!? sam answer it!" taranta ang boses ni Ash ng sagutin ko yon.
"I'm her-e in sean hou-s-e"
"Pupuntahan ka namin dyan wag kang aalis papunta na kami" saad nya hindi na ako nakaimik at agad bumuhos na ang mga luha na kanina ko pang pinipilit pigilan na kumawala.
YOU ARE READING
My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)
RandomMy Boybestfriend is in love with me(Series 1) Paano kung katulad ka den ni samantha na nagtapat sakanya ang mga kaibigan nyang lalaki ng nararamdaman para sakanya,anong gagawin mo kung mangyare sayo ang bagay nato?magbabago kaya ang pagsasamahan nil...