Umalis na si ash para kumuha nadin ng pagkain naiwan kaming dalawa ni josh dito nakatayo lang sya sa harap ko habang pinagmamasdan ako.
"Kuha kana din ng food mo"
"Nagkain kana ba?" he asked me.
Oo at sobrang dami non dahil sa inilagay ni sean na kung ano ano, mabuti na lang nga at hindi sumakit ang tyan ko.
"Ah oo"
Gustong gusto ko nang sabihin sakanya na nililigawan na ako ni Sean. Ayoko ng umasa sya sa akin dahil hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sakanya. Ilang weeks na din kasi ng umamin sya sakin, baka mamaya umaasa sya na pwedeng maging kami.
"Josh"
Habang abala pa ang mga kaibigan namin kumuha ng pagkain nila, habang si sean ay kausap na nina mark na may kung anong tinatanong kay sean tungkol sa mga nakikita nilang babae.
Tumingin sya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
"I have something to tell you"
Sasabihin kona ba? baka mamaya umalis sya at magtaka ang mga kaibigan namin kung bakit umalis sya. No! this is not the right time besides ngayon palang naman nanliligaw si sean at ayokong sa birthday pa ni tita sila mabibigla. Siguro kakausapin ko nalang siguro si sean na huwag na munang sabihin sakanila.
Buti nalang ay nilapitan na kami ng mga kaibigan namin kaya hindi kona nasabi sakanya.
Lumapit sakin si sean at tumabi. Kung makatingin ang mukha nya ay nagtataka sa kung ano ang pinag usapan namin ni josh.
"Sinabi mo?" he asked
"Hindi, siguro huwag na muna nating sabihin, okay lang ba?" I started at him.
Alam kong nabasa nya sa akin ang intensyon ko kung bakit ayoko muna ngayon nilang malaman. Birthday ni tita at ayokong masira yon.
Nakatingin lang si josh samin ganun din ang mga kaibigan namin ng biglang nagsalita si mark,ian, at roi. Mukhang pinag uusapan padin nila yong babaeng tinuro nila kanina kay sean. Samantalang si sazh ay nakatingin lang din samin ni sean at pinapaglipat lipat ang tingin, si shai at lite naman ay nag uusap tungkol sa mga ginawa nila kahapon sa school at si ash naman ay makahulugang nakatitig saakin.
Umupo nakaming lahat sa long table nakakuha na din si josh ng pagkain nya, ngayon ay nag uusap usap na ang mga ito na mga iinom daw mamaya pagkatapos ng party ni tita, katabi ko ngayon si ash at sean habang sa tapat ko naman ay si josh at sa tapat naman ni sean ay si sazh.
"Bro anong name nun" turo ni mark sa isang babaeng naka fit blue dress na suot.
"Tricia" saad ni sean "kaibigan sya ng pinsan ko" he added.
"Uhm pakilala moko"
Bigla namang humagalpak ng tawa si Ian na ikinagulat namin.
"Dude! anong ipakilala napaka-weak mo naman" saad ni ian.
Nagtawanan din ang iba naming kaibigan. Napailing nalang ako sa dalawang ito.
"Gagu! panira ka"
Nagsimula ng umalis ang ilang mga bisita ni tita dahil nagsisimula ng lumalim ang gabi.
Bigla namang lumapit sa gawi namin si mama para magpaalam na aalis na din daw sila ni papa.
"Amh tita ihahatid ko po si sam wag po kayong mag alala ako na po ang bahala sakanya" saad ni sean kay mama.
Naalala kong hindi ko pa nga pala nasasabi kay mama at papa na nililigawan na'ko ni sean siguro ay pag uwi ko nalang.
"Sige sean ingatan mo si sam ha" saad ni mama.
YOU ARE READING
My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)
RandomMy Boybestfriend is in love with me(Series 1) Paano kung katulad ka den ni samantha na nagtapat sakanya ang mga kaibigan nyang lalaki ng nararamdaman para sakanya,anong gagawin mo kung mangyare sayo ang bagay nato?magbabago kaya ang pagsasamahan nil...