3 months later…
Ang tagal na naming hindi nagkikita. Next week babalik na kami sa Korea pero wala pa ring DOMINIC YHUN na nagpapakita. Ayos lang kaya siya? May iba na ba siya? Namiss—
“What’s bothering you moy?” Tanong ni Sam. Hay, bakit ko ba siya iniisip. WALA na akong pakialam sa kanya as in WALA na talaga.
“Ah, wala lang toh moy. Sige na mag-kwentuhan muna kayo nina mommy at Nico.” Sabi ko. Ngumiti naman siya saka nag nod. Pumunta na ako sa room ko para matulog pero bigla na lang nag ring yung phone ko. I checked it and I saw her name. Ano kayang problema ng Jaztine na toh?
“Sup girl! Ano problema?”
[Bea si Dominic nandito sa bar nina Bianca and he was totally drunk!]
“Ano naman ang pakialam ko sa Dominic na yan ha?”
[Bea sige na. He really needs you now. Tinatawag ka niya kanina pa while saying sorry habang naiyak. Bea alam kong wala ka nang pakialam sa kanya pero please Bea para lang hindi lumala yung sitwasyon.]
“Bakit ba kasi siya nandiyan?”
[I don’t know… JAZ is that BEA?]
“Is that him?”
[Yes! Sige na Bea pumunta ka na dito.]
Call ended.
Ano naman kaya ang problema ng lokong yon!? Hindi man lang nahiya. Hay, lumabas na ako ng room. Papunta na sana ako sa labas ng napansin ako ni Nico.
“Saan ka pupunta Bea?” Wah, anong pwedeng alibi!?
“Sa bar nina Bianca. Simpleng party party lang naman. Alam mo naman yung mga yon. Masyadong namiss ang kagandahan ng kakambal mo. Saka siguro dahil na rin 1 week na lang tayo dito sa Pinas!” Anong klaseng alibi yon? Bahala na. Maniwala ka please!
“Okay, basta umuwi ka ng maaga hah!” Y-E-S buti na lang naniwala! Pero bakit wala si Sam?
“Sige bye!” Saka ako lumabas ng bahay. Sumakay na ako ng kotse at pinaandar ko na iyon. Grabe! Bakit ba kaya kong mag sinungaling para lang sa kanya? Hay, akala ko naka move on na ako. HIINDI pa rin pala. Kahit anong taboy ang gawin ko WALA pa ring nangyayari eh. Bakit ba kasi ang lakas ng dating mo DOMINIC YHUN?
Nandito na ako sa bar nina Bianca. Bilis ko diba. Hahahah! Ganun talaga!
“Bea! Buti na lang dumating ka agad.” Bungad sa akin ni Bianca. Hay, akala ko ba galit silang lahat kay Dominic? Bakit ngayon tinutulungan nila? Hay, ang gulo po PROMISE!
“Nasaan yung lokong yon?” Tanong ko. Agad naman niyang tinuro kung nasaan yung mokong na yon. Lumapit naman agad ako sa kanya. Grabe wala talagang magawa sina Jean!
“Ako na ang bahala sa baliw na toh!” Sabi ko sabay ngiti sa kanila. Agad naman silang lumayo. Hay, lagot ka talaga saakin!
“Hoy, Dominic anong pinag gagagawa mo sa buhay mo!?” Maangas na tanong ko. Grabe toh, masyadong agad agad. Niyakap ba daw ako. Eto na naman po ang baliw kong puso. May karera na naman.
“B-bea! Sorry, na misunderstood mo lang ang lahat. Aaminin ko nung una pustahan lang talaga yon. Pero yung first and second day natin as couple, aaminin ko totoo talaga ang lahat ng pinakita ko. Kaya lang naman ako nag tawag ng meeting kina Jean kasi gusto ko nang tapusin yung pustahan. At alam mo ba nung araw na umalis ka I learned something. Hindi mo kailangan makipag laro nang lihim kung kalaunay ikaw mismo ang kusang susuko sa larong ikaw mismo ang nag simula dahil SA LARO NG PAG-IBIG KUNG SINO ANG UNANG NAGKAGUSTO SIYA ANG TALO. I admit na talo ako sa dare namin. Pero kung ikaw naman ang dahilan ng pagkatalo ko, para sa akin panalo pa rin ako.” Grabe. Nag eexplain lang kailangan may banat pa!
Sam’s P.O.V
Nandito ako ngayon sa bar nina Bianca kasi sabi ni Joyscel ginagawa na raw ni Dom yung plan.Agad ko silang hinanap and gaya ng inaasahan, I saw them hugging. Hay, ayokong mag selos dahil una sa lahat ako ang nagplano ng lahat ng toh. At siguro ng SILA talaga ang para sa isa’t isa.
“Sam, tama ba ang ginagawa ni Dom?” Sabi ni Joyscel. I smiled at her.
“Yeah! Ang galing nga ni Dom eh. Hahaha!” Sabi ko habang nagpipigil ng luha. Ayokong umiyak!
“Sam ang bait mo talaga! Biruin mo, kaya mong isuko yung babaeng mahal mo para lang mapasaya ang kakambal mo! Hay, sana ganyan din si Jean.” Agad naman akong natawa sa sinabi niya. Isumbong ko kaya siya kay Jean?
Ginulo ko yung buhok niya. “Silly!” Sabi ko. Nag pout naman siya. Wah, cute niya! Hahahahah!
Agad naman kaming natigilan ng magsalita si Dominic “B-bea! Sorry, na misunderstood mo lang ang lahat. Aaminin ko nung una pustahan lang talaga yon. Pero yung first and second day natin as couple, aaminin ko totoo talaga ang lahat ng pinakita ko. Kaya lang naman ako nag tawag ng meeting kina Jean kasi gusto ko nang tapusin yung pustahan. At alam mo ba nung araw na umalis ka I learned something. Hindi mo kailangan makipag laro nang lihim kung kalaunay ikaw mismo ang kusang susuko sa larong ikaw mismo ang nag simula dahil SA LARO NG PAG-IBIG KUNG SINO ANG UNANG NAGKAGUSTO SIYA ANG TALO. I admit na talo ako sa dare namin. Pero kung ikaw naman ang dahilan ng pagkatalo ko, para sa akin panalo pa rin ako.” Yun oh! Bilib na talaga ako sa kakambal ko. Hahahah!
Agad naman kumalas sa pagkakayakap si Bea sabay batok kay Dom. Hahahah! Sadista talaga eh! “Baliw ka talagang dragon ka!” Nilibot ko yung paningin ko at nahagip ng paningin ko ang mg aka grupo ni Dom na nagpipigil ng tawa. Hahahah! Galing talaga ng kamba ko! Pwede nang mag-artista!
“Mahal mo naman!” Sabi niya. Babatukan dapat ulit siya ni Bea pero hindi natuloy kasi hinalikan niya ito sa labi. Grabe lang ha! Masyado siyang agad agad! Pero teka, wala yun sa plano ah! Plan Changer talaga ehh!
Nang matapos na sila…
“I miss you Ms. Siga!” Seryosong sabi ni Dominic. Hmmm, mukhang ayaw pa nilang tapusin yung scene ahh! Pati pala tong sina Jean hindi sumunod sa plano!
“I love you too Mr. Yabang!” Nabalot ng tawanan yung bar! Hahahah! I miss you yung sabi tapos ang reply I love you too! Yung totoo lasing ba si Bea!?
“Bea lasing ka ba!?” Tanong ni Dom. Hahahah, halata ng hindi lasing si Dom!
“Hindi! Diba ikaw ang lasing dito? Ikaw ang dapat ang tanungin ko niyan!” Sigaw ni Bea sa kanya. Lagot kang Dominic ka! Hahahah!
Lumapit na silang lahat kina Bea. Hmm, paano ba ako lalabas!? “Bea hindi talaga lasing si Dom. Planado tong lahat!” Sigaw ni Jean. Hay, spoiler talaga! Halata namang naguluhan si Bea, nakakaasar kasi si Jean ehh! Kay Dom kayang line yon.
“Wag kang mag-alala Bea yung mga lines ni Dom kanina totoo lahat yon.” Sabi naman ni Brix. Hindi na nakisabat yung mag babae kasi sigurado akong takot silang mabulyawan. Hahahah!
“And we can’t do this without the help of Sam!” Mas lalong nagulat si Bea nang marinig niya ang pangalan ko. Hahahah! Cute niya!
Pinapunta ako ng mga babae dun sa lugar kung saan naroon sina Bea at ang mas ikinagulat ko ng malapit na ako… She hugged me. “Thank you Moy! Thank you for doing this! Thank you kasi tinulungan mo kaming magka-ayos! Thank you sa lahat!” Bulong niya saakin ramdam ko naman na bahagyang nababasa yung bandang balikat ko. Hala umiiyak siya!
Hinimas ko yung likod niya at hinigpitan ko lalo yung pagkayap sa kanya. “I’m just doing my responsibility Moy! Saka nangako ako kay Reine na gagawin ko ang lahat para mapasaya ka! I love you bestfriend!”
“Mas love kita Moy!” After niyang sabihin yon agad naman kaming pinag-hiwalay ni Dom. Hahahahah! For sure selos tong mokong na toh!
“Ako lang ang love ni babe Sam!” See! Sabi ko sa inyo ehh. Binatukan naman siya ni Bea. Ayan masyado kasing selfish ehh.
“Anong babe ka jan! Hindi pa kita sinasagot kaya wag kang masyadong feelingero!” Bulyaw sa kanya ni Bea. Nabalot ng ulit ng tawanan yung buong bar! Hay, puro inlove ang mga tao rito kawawa tuloy kami ni Brix. Hahahah!
************************************
To be continued…
BINABASA MO ANG
Ms. SIGA meets Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila I'm a PERFECT GIRL slash SIGA daw.... Pero anong magagawa ko... Totoo lahat ng yon... Hahaha Pero don't worry... Harmless Bully ako.. (Sometimes ^^) I'm a total horror in our UNIVERSITY.... Pero syempre FRIENDLY din... Mas gusto kong mag...