-2 years later-
Wedding day…
Bea’s P.O.V
2 years na pala ang nakakalipas, hindi ko man lang napansin. Well siguro ganun talaga ang mundo, kung kailan ka nag momove on saka bumabagal ang oras. I’m not sure for now kung nakapag move on na talaga ako pero promise I’m trying. I’m trying everything para makalimutan siya and siguro makakaya ko to dahil sa kanya. A week after I left the Philippines kasi pumunta siya dito.
-FLASHBACK-
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagbabasa ng book ni Nicholas Sparks. Super ganda kasi talaga ng book niya.
-Knock-knock-
“Come in” Pumasok siya sa room ko at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Sam! Paano niya nalaman na nandito ako? Hay, baka sinabi sa kanya ni mommy.
Niyakap niya ako! Grabe siya chumansing hah! “Ang daya mo naman moy! Bakit hindi ka nagsabi! Katampo ka ehh!” Sabi niya habang yakap pa rin ako. Hahahah gusto kong tumawa, grabe para siyang bakla! Hahahah!
“Bigalaan kasi ehh! Saka siguro way ko na rin toh ng pag momove on!” Sabi ko sabay smile. Alam na ni Sam yung tungkol dun sa nangyari 1 week ago. At hindi na ako magtataka kung sinabi yon sa kanya nina Bianca.
“Dapat kasi hindi na ako naging torpe simula pa lang ehh. Edi sana hindi ka na niya nasaktan. Sana ako na lang ang minahal mo Bea, kasi 100% sure ako na hindi kita sasaktan!” Sabi niya. Wow ha! Taas ng selfconfidence ni Moy. Hahahah pero sana nga siya na lang ang minahal ko.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. “Sana nga Sam. Sana ikaw na lang. Sana sayo ko na lang naramdaman yung pagmamahal ko sa kanya.” Ramdam kong hinigpitan niya rin ang pagkakayakap niya sa akin.
“Pwede naman nating subukan diba! Ayos lang sakin maging rebound!” Sabi niya at kumawala na kami sa pagkakayakap. Tiningnan niya ako mata sa mata. “Give me a chance Bea. Give me a chance to bring back the old you! Nakakamiss na kasi yung mga smile mo ehh!” Sabi niya habang naka smile! Ang cute ng best friend ko! Ngumiti na lang rin ako.
“Okay moy! Pero kailangan manligaw ka muna! Hindi ako pwedeng um-OO agad hangga’t hindi ko nakikita yang effort mo!” Sabi ko. Well sige I will give him a chance pero hindi ko alam kung makakalimutan ko siya. Sana ganun na lang kadaling makalimot ang puso.Agad naman lumaki yung smile niya dahil sa narinig niya. Well siguro nga makakalimutan ko siya by starting to fall for another man.
“Thank you Moy! Thank you talaga! Promise you won’t regret this!” Sabi niya sabay yakap saakin.
-END of FLASHBACK-
Ngayon ko siya balak sagutin! Ang astig kasi pakiramdam ko, wala ng Dominic Yhun sa puso ko. Now, I can assure that I already moved on dahil sa lalaking nag buhos ng effort para mabalik sa kasiyahan ang katawan ko. Ang lalaking hindi nagsasawang pasayahin ako! Ang lalaking hindi ko aakalaing mamahalin ko in a short span of time! In short, Ang lalaking nagngangalang Sam Yhun.
“Lalim ng iniisip mo Moy ahh!” Agad akong bumalik sa realidad ng marinig ko ang boses niya.
“Hahaha! Sorry Moy ah, kanina ka pa ba jan?” Tanong ko. Ngumiti naman siya saka umiling.
“Nah, 30 minutes pa lang naman” Sabi niya. Loko talaga tong lalaking toh, hindi pa daw siya kanina pa eh 30 minutes na nga siyang naghintay.
Sinuntok ko siya sa tiyan niya. Mahina lang naman yon pero nasaktan ako. Hahaha, ako ang nag suntok pero ako ang nasaktan. Hahahah astig diba. “Bakit di mo man lang ako inabala dito! Naghintay ka pa ng matagal.” Sabi ko sabay pout.
BINABASA MO ANG
Ms. SIGA meets Mr. Yabang
Novela JuvenilSabi nila I'm a PERFECT GIRL slash SIGA daw.... Pero anong magagawa ko... Totoo lahat ng yon... Hahaha Pero don't worry... Harmless Bully ako.. (Sometimes ^^) I'm a total horror in our UNIVERSITY.... Pero syempre FRIENDLY din... Mas gusto kong mag...