"Pigilan mo ang iyong paghinga kung hindi mo nais na mahuli at pugutan ng ulo, Binibini."
Napakunot ang noo ko. Buwan ng Wika ba ngayon? November na a! Saka anong mapupugutan ng ulo? Pinasok ba ng masamang loob ang simbahan?
Ibigsabihin . . .
Nakita kong hinalughog ng lalaking pumasok ang isang sulok ng kuwarto. Naaninag kong nakasuot sya ng coat, slacks at sombrerong itim. Dinig ko ang pagbagsak ng mga libro sa sahig. Naaaninag ko rin ang pagmamadali nyang mahanap ang kung ano mang hinahanap nya dahil sa anino nya.
Teka! Walang bookshelve sa parte na 'to ng simbahan! Nasaan ba ako?!
Nakarinig kami ng ilan pang kalabog sa labas dahilan para matigil ang lalaki sa ginagawa nya. Nagmamadali itong lumabas ng pinto. Saglit itong napahinto bago tuluyang makalabas. Pinigil ko ang hininga ko sa takot na baka isa syang magnanakaw o masamang loob. Ayoko pang mamatay!
Isang kakaibang bagay ang nakita ko sa kanya. Dahil sa ilaw na tumatama sa kanya mula sa labas ng pinto ay nakita ko ang isang pilat sa kanyang palapulsuhan dahil bahagyang umangat ang suot nyang sleeves.
Ilang segundo lang ang lumipas ay tuluyan siyang lumabas ng kwarto. Hindi sya si Theo!
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng sumara ang pinto at bitawan ng lalaki ang bibig ko.
Akmang haharapin ko na sya at sisigawam nang muling bumukas ang pinto. Isang babaeng may hawak ng ilawan ang pumasok. Inikot nya ang lugar at tinanaw 'yon gamit ang . . . lampara? Lampara ba 'yon? Nakakapagtakang nakasuot sya ng pulang baro't saya.
Yung totoo, nalipat na ba ang Buwan ng Wika sa November?
Napapikit ako nang tumama ang ilaw ng lampara sa mukha ko. Mabilis akong nilapitan ng babae. Lumuhod sya sa harap ko at nilapag ang lampara sa gilid naming dalawa. Naaninag ko ang nag-aalala nyang maliit na mukha. Nakaayos ang buhok nya katulad ng sa sinauna.
"Isabela! Hindi ba't sinabi ko sayong sa dating tagpuan mo ako hintayin? Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Constancia na narito ka!"
"Ha?!"
Dating tagpuan? Constancia? Anong nangyayari?
"Nakita kong may lalaking nanggaling dito. Mabuti ba ang iyong pakiramdam? Nahuli ka ba?"
Sunod-sunod ang tanong sa akin ng babae. E, marami din kaya akong tanong sa isip ko!
"Teka, sino ka ba? Feeling close ka, sis."
ISANG lalaking nakaluhod sa lupa ang nakatalikod sa amin, bahagyang tumataas-baa ang balikat nya. Sa tabi nya ay isa pang lalaki na may malaking pangangatawan, matangkad at matipuno ang tindig nito. Pareho silang nakayuko sa lupa. Umiiyak ang babaeng kasama ko na hindi ko pa rin alam kung sino ba sya.
Nilibot ko ang paningin ko. Isang bagay lang ang pamilyar sa mata ko--ang Bulkang Mayon na tanaw sa kinaroroonan namin.
Alam kong nasa Albay pa rin ako. Ang hindi ko maintindihan ay kung sino 'tong mga kasama ko! At bakit gabi na? Ala una ng hapon ako nagsimulang maglinis ng simbahan! Nakatulog ba ako?
"Excuse me," sabi ko sa babae. Ayoko namang maging rude dahil kilala ang mga Albayanon na mababait. Halos lahat nga yata ng tao dito magkakamag-anak e. Baka kapag nagmaldita ako, isumbong nila ako kay Lola tapos kurutin na naman ako nun. Magsasalita na sana ulit ako pero nakita kong nakakunot ang noo ng babae. Tumaas ang kilay ko.
"Anong lenggwahe ang iyong ginamit?"
"Ha?" Naiwang nakaawang ang labi ko, handa nang pasukan ng lamok.
BINABASA MO ANG
Meet Me in Cagsawa (1814)
Historical FictionON GOING. Kinailangang manirahan ni Isabel sa Daraga upang takbuhan ang kasalanang nagawa sa Manila. Sa pinakamatandang simbahan ng Daraga sila nanirahan ng kanyang Lola na matagal nang naglilingkod dito. Isang misteryosong pangyayari ang naganap, n...