Kabanata 8

20 3 0
                                    

“Tila may kakaiba sa iyo ngayong araw, Isabela. Masama ba ang iyong pakiramdam?”

Nangkukwestyon ang tingin sa akin ni Donya Ma. Terina nang ilapag ko sa lamesa ang niluto kong almusal na tuyo, tinapa, at sinangag. Nagpapitas din ako ng mangga kanina sa isa sa mga tagasilbi ng mga Terrel. Naupo ako sa harap ni Donya Ma. Terina, katabi ko sa kanan si Constancia. Sa kaliwa ko ay si Don Timoteo na abala sa pagbabasa ng dyaryo.

“May ipapakiusap ka ba, Isabela?” tanong ulit ni Donya Terina.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mukha ba akong parasite? Pambihira naman. Kapag naghanda ng almusal, may kailangan ako? Ganyan ba ang totoong Isabela?

“Wala ho, Donya—a! Ang ibig kong sabihin, wala ho, Ina. Gusto ko lang talaga kayong ipaghanda ng almusal,” nakangiti kong sabi. Gusto ko sanang idagdag na ‘babalik na kasi ako sa future’ pero sa akin na lang ‘yon.

Kukuha na sana ako ng kanin nang pigilan ako ni Donya Terina. “Hindi pa tayo nagdadasal, hija.” Bumaling ito kay Don Timoteo na abala pa rin sa pagbabasa ng dyaryo na para bang mystery ang genre kaya hindi nya mabitawan. “Kumain na muna tayo. Timoteo.”

Napaangat ang ulo ni Don Timoteo at bakas sa mukha nito ang pangamba. “Hindi ako makapaniwala sa balita…” Halata naman na hindi dahil sa hitsura nya. “Patay na ang Kapitan ng Lagazpi. Noong isang araw lang ay maayos pa ang pangangatawan nya.”

Kumunot naman ang noo ko. Seryoso ba? Tsimis muna bago kain? Nakakagutom kaya magluto! Napa-sign of the cross naman si Donya Terina at napasabi ng, "Dyos ko po.”

Kinuha ko nang pagkakataon yun para magdasal. Wala naman silang nagawa kundi sumabay na lang kahit halatang gulat pa sila sa balita. E, ano naman kasi kung namatay nga ang Kapitan—

“Isabela, hinay hinay lang sa pagkain. Alam kong masarap ka magluto subalit magdahan-dahan ka.”

Ah, so mahilig din magluto si Isabela?

Natatarantang inabutan ako ng isang basong tubig ni Contanscia. "Ilang araw ko nang napapansin na tila wala ka sa iyong sarili."

Napairap ako. Umiling iling si Donya Terina. "Kakasama mo iyan sa mga Santiago at sa anak ng pobreng Floresca na iyon."

Sinasabi ba nyang bad influence sila? E, kung alam lang nila kung paano magkaisa ang tatlo para magtulungan. Nako! Kahit asin lalanggamin sa ka-sweet-an nila bilang kaibigan! Pakiramdam ko nga ang swerte ni Isabela dahil kapag nagkaproblema sya may mga kaibigan syang matatakbuhan.

Lumapit ang isang tagapagsilbi at pinunasan ang natapong kape sa lamesa dahil sa kagagawan ko. Bigla ko kasing naibuga ang kape na kulang yata sa asukal dahil sa pait at natapon 'yon nang matanto ko ang balita.

Dumaan tayo ng simbahan. Mag-aalay ako ng barya para sa kaluluwang mamamatay pa lamang.”

Naalala ko ang sinabing ‘yon ni Francisco. Hindi kaya…

Umilinh iling ako. Napainom ulit sa baso ng tubig. Huwag naman sana! Sana ay mali ang iniisip ko.

BAKIT ka naparito, Isabela?”

Abala sa pagbuburda si Madre Pia nang datnan ko sya sa balkonahe ng dormitoryobna katabi ng simbahan ng Cagsawa. Sa harap namin ay ang mga bulaklak ng mirasol at gumamela. May Bermuda grass din sa malawak na hardin ng dormitoryo at benches.

Ginalaw-galaw ko ang balikat ko. “Wala naman, mother. Magpapaalam lang ako sayo dahil malapit na akong makabalik sa panahon ko. Nasisiguro kong sa linggo ay makakabalik na ako.”

Tumigil sa pagbuburda si Madre Pia at hinarap ako. Matalim akong tinignan nito. Napalunok naman ako. Para syang Lector sa simbahan na nagalit dahil namali ako ng basa sa missalette.

Meet Me in Cagsawa (1814)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon