Kabanata 3

23 4 2
                                    

Isang yakap ang sumalubong sa amin pagpasok ng bahay na iyon mula sa babaeng puno ng kolorete ang mukha. Nakaayos ito na para bang dadalo sa handaan. Nakasuot sya ng puting baro't saya at may hawak na pamaypay na sa disenyo pa lang ay halata ng mamahalin. Parang pamaypay na gawa sa balat ng peacock. Masyadong maraming disensyo, sa totoo lang, masakit sa mata. Hindi ba nila alam ang ibigsabihin ng minimalist sa panahong 'to? Nakakaloka.

Hinalikan ako nito sa pisngi saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Pinakatitigan nito ang mukha ko, nang magsalubong ang aming mata ay halos hindi ako huminga. Para kasing nakikita nya ang kaluluwa ko. Para bang malalaman nya na hindi ako si Isabela. Nagulat ako nang ngumiti ito.

"Nais mo na rin bang mag-madre kaya napapadalas ang punta mo sa simbahan?" tanong nya. Pinaypay nya sa sarili ang hawak nyang pamaypay saka taas noong ibinaling sa kaliwa at kanan nya ang ulo. "Matutuwa ang mga amiga ko kapag nalaman nilang may anak akong magmamadre."

Napangiwi ako. Ayoko nga sa simbahan lalo kapag nandito si Fr. Rex na mukhang mangangain!

Nakita kong nagmano si Constancia sa lalaking nakaupo sa isang silya malapit sa balkonahe ng bahay. Matipuno ang katawan nito at balbas-sarado. May kalakihan ang tyan at nagkakaguhit ang noo ng tatlong layer kapag kumukunot. May ka-tandaan na ang lalaki. Tinawag syang "Papa" ni Constancia.

Ngumiti ako dito na parang kinagulat pa nya. Nagmamadali akong lumapit sa matandang lalaki, nilagpasan ang Mama nila Isabela. Niyakap ko ang Papa nila nang mahigpit na para bang sya ang Papa ko. Pinilit kong walang luha na pumatak sa mata ko sa kabila ng pangungulila sa totoo kong mga magulang.

Papa's girl ako kaya gan'on na lang ang pagkamiss ko sa kanya. Lagi kasi nya akong pinagtatanggol noon kay Mama tuwing mahuhuli akong tumatakas para pumunta ng bar.

Iniharap ako ng lalaki sa kanya. "Isabela, may nais ka bang hilingin kaya ka nagkakaganyan?"

Napaismid ako. Hindi nga pala goods si Isabela sa papa nya. Ano ba naman yan!

"Ah, wala. Na-miss ko lang po kayo."

"Na-miss?" naguguluhan nyang tanong.

Napanganga ako. Akmang itatama ang mali nang lumapit ang Mama nila Isabela. Itinaas nito ang nakatiklop na pamaypay. "Ah! Alam ko ang pagpapakahulugan niyon! Natutunan ko iyon sa isa kong amiga." Napapikit sya na para pang may inaalala. Saka dumilat at sinabing, "ibigsabihin niyon ay napupungaw sya sa iyo. Hindi ba, Isabela?"

Napatagilid ako ulo ko. Napupungaw? Ano naman 'yon? "Ah, ganoon na nga po."

Oo na lang.

Bahagyang natawa ang Mama nila Isabela at napatakip ng kamay sa bibig sa maarteng paraan. "Napakahusay ko na sa Ingles," bulong nya.

Ah, I see. Isang matandang babaeng pinipilit ang dila na matutuhan ang lenggwahe ng ibang bansa. Tumango-tango ako.

DUMATING ang kaarawan ng aming ama (ama ni Isabela at Constancia pero nakiki-papa na rin ako). Maraming dumalo na mga kaibigan nila. May ilan na nakaunipormeng Gobernador, may mga naka-Americana na itim, puti, brown at iba pa. Ang mga kababaihan naman ay nakasuot ng magagarbong baro't saya. Kanya kanyang business ang mga tao. May mga kumpol na nag-uusap tungkol sa politika, negosyo, simbahan, at kung ano-ano pa habang may nagtutugtog ng violin sa isang maliit na palapag. Rinig ko ang mahihinang hagikgikan ng ilang mga kadalagahan na hindi ko makilala kahit nakikipag-usap sa akin. Panay lang ang oo ko at tango ko.

"Isabel, aalis lang ako sandali. Kapag hinanap ako ni Papa ay sabihin mong nagpunta lang ako sa palikuran."

"Ayoko nga," sabi ko.

Napakunot ang noo ni Constancia. "Kung ganoon ay sasabihin ko kina Ama ang nangyari sayo sa simbahan. Na tumakas ka ng gabing iyon at nakipagkita kay Isidra at magkapatid na Santiago." Pangba-blackmail nya.

Meet Me in Cagsawa (1814)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon