“Tila hindi ka si Isabela. Tila ibang tao.”
Natigilan ako at hindi makahinga sa sinabi nya. Napaisip ako kung ano bang kahihinatnat ko kapag nalaman nyang ibang tao ako? Kapag sinabi ko ba, maniniwala sya? Mautulungan nya ba ako? Magkaibigan sila ni Isabela kaya baka matulungan nya ako. Akmang magsasalita na ako nang maagaw ang atensyon naming dalawa.
“Isabela,” tawag ni Isidra. Sa likod nya ay ang matangkad na lalaki na nakita namin noong isang gabi. Tingin ko, kapatid sya ni Estanislao dahil may pagkakahawig sila. Ibinaba ng dalawang lalaki ang mga sumbrero nila, si Isidra naman ay bahagyang yumuko sa harap ni Estanislao. “Narinig kong paparating palang ang Gobernador Heneral, tuloy ba ang inyong plano?”
“Anong plano?” naguguluhan kong tanong.
Napatingin sa akin si Isidra saka bumalik kay Estanislao. “Hindi mo pa nasasabi sa kanya, Estanislao?”
So, kasali ako sa plano nila pero hindi ko alam kung ano ‘yun?
Umiling si Estanislao saka humarap sa kuya nya. “Hindi na muna. Ako na ang haharap sa kanya.” Tango lang ang naging sagot ng kuya nito.
“Huwag kang papadala sa bugso ng damdamin mo, Estanislao,” may diin na sabi ni Isidra. Si Isidra yung leader nyo sa groupings na strict sa hatian ng gawain.
“Binibining Isabela, ang inyo pong ina!” Humahangos pa nga isang guardia personal ng Papa ni Isabela nang lumapit sa akin. Nagulat pa sya ng makitang may mga kasama ako. “Ang inyo hong ina ay nakikipagtalo na naman kay Donya Floresca.”
Nagmamadali kaming pumasok sa mansyon at naabutan doon ang dalawang babaeng nagtatalo. Mabilis akong dumalo sa Mama ni Isabela habang si Isidra naman ay sa kabila.
“Donya Floresca, ipagpaumanhin mo subalit wala akong naaalalang inimbitahan ko ang isang pobreng tulad mo sa tahanan namin. Ano na naman ba ang pakay mo rito? Ibig mo talagang mapahiya nang ilang ulit sa harap ng mga marilag na kababaihan sa aking sosyedad?” Ipinapaypay nya pa ang hawak nyang pamaypay sa tapat ng dibdib.
Umismid naman ang babaeng hawak ni Isidra sa balikat na tingin ko ay si Donya Floresca. “Donya Maria Terina Terrel, nagtungo lamang ako rito para sabihin sa inyong hindi masarap ang pagkakaluto ninyo ng adobo. Nasobrahan yata kayo sa paglagay ng suka kaya ganoon ang lasa. Iyan ba ang pinagmamalaki mong galing sa pagluluto?” Nang-aasar itong tumawa saka sinundan ng, “Kung gayon ay tingin ko, mas mabuti kung maghalaman ka na lang.”
“Por pabor mi amiga de laspatangan, ang iyong suot na payneta ay hindi bagay sa suot mong baro’t saya. Saan mo ba napulot ang mga iyan? Marahil ay ipinagbili mo mula sa mga kaibigan mong kawatan!”
Halos mag-usok ang ilong ni Donya Floresca sa sinabi nyang iyon. Sasagot pa sana ito nang may ibulong sa kanya si Isidra kaya naman napatingin ito sa pintuan. Lahat ng naroon ay napatingin din sa pinto para makita ang lalaking matikas ang katawan, maganda ang tindig, mataas ang balikat at noo, balbas sarado at bilog ang tyan, may katabaan at katandaan na rin ang lalaki. Naghuhumiyaw ng karangyaan ang lalaki sa mga suot nitong alas na talaga namang nakakaakit ng mata sa kinang. Nakasuot ito ng uniporme ng Gobernador (tingin ko).
Nabasag lamang ang katahimikan nang tumikhim ang papa ni Isabel at sinalubong ng nakabukang kamay ang lalaki.
“Gobernador Heneral Solomon de Salazar, maligayang pagdating. Akala ko ay nalimot na ninyo ang kaarawan ko.”
Ngumiti ang tinawag na gobernador. “Hindi ko maaaring kalimutan ang kaarawan ng aking Gobernadorcillo Timoteo Terrel. Pagbati para sa iyong kaarawan.”
Nagtawanan ang dalawa pero halatang tensyonado ang Papa ni Isabela na si gobernadorcillo pala! Nagtawanan din ang iba pang tao na nandoon. Nakitawa na rin ako kahit wala namang nakakatawa. Nang lingunin ko si Isidra ay bakas sa mata nya ang galit ganoon din sa babaeng hawak nya pa rin sa balikat—si Donya Floresca.
BINABASA MO ANG
Meet Me in Cagsawa (1814)
Fiksi SejarahON GOING. Kinailangang manirahan ni Isabel sa Daraga upang takbuhan ang kasalanang nagawa sa Manila. Sa pinakamatandang simbahan ng Daraga sila nanirahan ng kanyang Lola na matagal nang naglilingkod dito. Isang misteryosong pangyayari ang naganap, n...