Kabanata 6

21 3 0
                                    

Naulit ang mga pangyayari. Nandito na ulit ako sa tapat ng bahay ni Isabela. Nakatitig ako sa dalawang palapag na mansion nila habang inaalala ang mga nangyari. Ngayon magkikita si Isabela at ang magulang nya. Akala ng mga ito na galing lang ng simbahan si Isabela para bisitahin ang kaibigan na si Isidra.

Kinabukasan ay dadating ang kaarawan ng gobernadorcillo. Magtatalo ang dalawang Donya. Dadating ang gobernador-heneral. At tatakas ako para hanapin ang daan pabalik pero mababaril ako ng isang guardia bago pa ako makapasok ng simbahan ng Cagsawa.

Napahilamos ako ng mukha. Hinahabol ko ang hininga dahil halos hindi ko na iyon gawin habang pinoproseso ang lahat. Naaalala ko ang mga nangyari sa panahon ko pero kapag babalikan na ako roon ay malilimot ko nangyari dito. Kaya ba gumising ako sa simbahan na mabigat ang katawan?

Bakit nandito na naman ako?!

“Isabela, nais mo na rin bang mag-madre kaya napapadalas ang punta mo sa simbahan? Matutuwa ang mga amiga ko kapag nalaman nilang may anak akong magmamadre.” Naalala kong sinabi din iyon ni Donya Ma. Terina sa akin nang unang nagyari ito.

Napabuntong hininga na lang ako at inulit ang ginawa noong una. Kumain kami ng tanghalian at panay ang pangangamusta nila sa akin. Napag-alaman kong galing ng Maynila si Isabela at doon nanirahan ng ilang buwan sa Tiya nya. Bumalik lang sya dito para sa kaarawan ng Amang si Don Timoteo. At nakaplanong babalik din ng Maynila pagtapos ng bagong taon.

Nang hapong iyon ay nagpaalam akong babalik sa Cagsawa. Kinatwiran kong may naiwan ako kay Isidra at babalikan ko lang.

“Pwede ko bang makausap si Madre Pia?”

Tinitigan ako ni Isidora pagkapasok naming sa loob ng parang dorm sa likod ng simbahan. Kumunot ang noo nya, bumuka ang bibig at muling sumara. Napabuntong hininga sya at saka muling bumuka ang bibig. “Tatawagin ko. Sandali.”

Tumango ako at pinanuod maglakad palayo si Isidra. Tuwid ang katawan nya habang naglalakad palayo para bang sinasabing “humarang giba”. Tumuwid din ako ng tayo at tinaas ang noo. Lakas maka-fierce sa sinaunang panahon!

Maya-maya ay dumating na si Isabela kasama ang matandang Madre Pia. “Madre Pia gusto ko po kayong makausap nang tayong dalawa lang,” bungad ko.

Sabay kaming tumingin kay Isidra na agad naman nakuha ang gusto kong sabihin. Bahagya syang yumukod sa harap ni Madre Pia bago umalis na bitbit ang dulo ng mahaba nyang palda. At least alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa gantong suot.

“Bakit ako nais makausap ng anak ng gobernadorcillo?”

Napabuntong-hininga ako. “Anong nangyari? Bakit nandito ulit ako?”

Kumunot ang noo ng matanda. Luminga sa paligid saka lalong lumapit sa akin. “Ibig mong sabihin ay nakabalik ka na sa panahon mo at bumalik lang ulit dito?”

Tumango-tango ako habang nakakagat labi. “Nung birthday ni Don Timoteo, tumakas ako sa bahay. Papunta sana ako dito kaso may humabol sa akin. Nakarinig ako ng putok ng baril tapos nahimatay. Tapos nagising ako na nasa dating panahong ko na ako. Nandoon si Lola Alice na kamukha ni Constancia at si Fr. Rex na masungit, si Theo na makulit, si—” hindi ko na tinuloy dahil halos mag-isa na ang mga kilay ni Madre Pia.

Napakagat ulit ako sa labi nang hawakan ako ni Madre Pia sa braso. “Bakit mo ginawa iyon? Hindi ba’t sinabi ko na sayo na hindi mo maaaring pakialaman ang nakaraan? Hindi mamamatay sa baril si Isabela.”

“Eh ano ba kasing ikakamatay nya? I-spoil mo na ako!” Napapapadyak kong sabi. “Isa pa, ano pang ginagawa ko dito bawal naman pala akong makialam sa nakaraan?”

Napahilot ng sentido ang madre. “Hindi ko alam kung anong ikakamatay ni Isabela pero malinaw sa akin na hindi ka pa pwedeng mamatay. Maaaring may isang bagay kang kailangan gawin, isang pagkakamali na dapat itama na makakatulong para sa hinaharap.”

Meet Me in Cagsawa (1814)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon