Unang Salpukan!

3.7K 45 0
                                    

KARYLLE

Unang buwan ng pagpalit ng taon. Sabay nito ang paglipat din namin sa aming bagong bahay. Mayaman ang mga nakatira doon. Mansyon ang mga bahay at pinaka-kaunti na ang limang sasakyan sa kanila. Idagdag mo pa ang dalawa, tatlo o higit pang guwardiya na nagbabantay sa bahay nila. Hindi pa kasali ang mga katulong, hardinero, yaya at iba pang tauhan nila.

"Anyare sa bahay namin? Dalawang palapag na bahay. Second hand na van. Si Aling Sonia ang nag-iisa at bukod tanging katulong namin. Si Cookie(asong labrador) ang guwardiya namin sa aming bagong bahay. Ganun pa man, masaya at kumpleto kami. Yun yun! Lupet!",bulong sa sarili habang ngingiti-ngiting nakadungaw sa may bintana ng sasakyan.

Ako nga pala si Ana Karylle Tatlonghari. Panganay sa tatlong mariang anak ni Daddy Modesto at Mommy Zsazsa. Ang dalawa ko pang kapatid ay sina Zia at Coco. Ngayon ay mababago na buhay namin. Sa awa ni bossing sa taas, nakapag-abroad at nakapag-ipon ang daddy Modesto namin. At dahil dun ay nagkaroon kami ng bagong bahay. Pero ang kinakatakot ko ay ang bagong buhay na haharapin namin. Isa na dyan ang paglipat ko sa isang sosyal at sikat na private school dito sa Manila. Idagdag muna ang bagong mga kapitbahay. Bagong mga kaklase at guro. Iniisip ko kung paano ang magiging kalagayan namin ngayon. Dahil upang makayanan ang pag-aaral ko. Napagpasyahan nilang ako muna ang lilipat sa private school. Haay.. ano pa nga bang magagawa ko. "Keri ko yan!", bulong niya sa sarili habang nakakuyom ang palad.

Maya-maya pa ay dumating na sila sa kanilang bagong bahay.

" Ganda po dito! Daddy sobrang saya ko po! Palagay tayo agad ng wifi ha?"sambit ni Zia habang tinitignan ang buong bahay.

"Oo naman anak! Walang problema. Kailangan din natin yun. Dahil pag bumalik ulit akong abroad magagamit niyo para mag-facetime tayo. Di ba mommy?",aniya sa kanyang asawa.

"Mommy can I go to my room now? I want to rest na eh.", tanging ni Coco sa mommy niya na nanlalata na sa pagod dahil sa biyahe.

"Sige magpahinga na kayo sa mga kwarto ninyo. May mga pangalan na kayo para di kayo mag-agawan ng kwarto. Karylle handa ka na ba bukas? Pupunta tayo sa school mo para sa orientation at baka ilibot kana din sa buong school. Kaya kailangan nating pumunta ng 8am.",sabi ni mommy Zsazsa.

"Opo mommy. Naka-ready na po ako. Sige po punta na po ako sa room ko daddy at mommy.", tugon niya sabay halik sa kanyang mga magulang.

Umakyat na sa kanyang kwarto si Karylle. Nagshower na din ito at nagbihis. Humiga sa kama at tumingin sa kisame na tila malamim ang iniisip.

" Makikita ko na kaya ang soulmate ko dun? Sabagay bata pa naman ako. Haay..nakaka-miss ang mga friends ko. Sana maging maganda ang kahihinatnan ko bukas.",sabi nito sa sarili at saka pumikit para makatulog na.

Hindi niya alam na eto na pala ang simula ng pagbabago sa kanyang mundo.

VICE

"Kuya Mon! Dalian po natin at mali-late ako. Sa dinami dami kasi eh. Ba't kasi naisapan ko pang tumakbong presidente(student body organization)! Duuh!..",utos niya sa kanilang driver sabay sakay sa loob ng sasakyan.

Kinuha niya ang cellphone niya upang tawagan si Buern.

"Hello Buern! On the way na ako. Nakita mo na ba siya? Ikaw na munang mag-entertain. Kilatisin mo nga at super asikaso siya eh. Da nerve! Super high-class ba siya kesa sa atin at puring-puri si Mam Reyes sa kanya. Nakaka-intriga siya! Oh siya! Gora na! Babush!", utos niya kay Buern na napapa-isip sa kanilang kakausapin sa araw na iyon.

Pagdating niya sa school ay agad itong bumaba at dumiretso sa faculty room. Saktong kinakausap ni Mam Reyes ang bagong transfer na walang iba kundi si Ana Karylle Tatlonghari.

" Naku! Mam malaki pong karangalan na nag-transfer ang isang tulad ng anak niyo sa paaralan namin.",sabi nito sa mommy Zsazsa niya sabay ang pagpasok ni Vice.

"Oh! Andito na po pala siya. Mam siya po si Jose Marie Viceral. Siya ang Student President ng school. Anyway, Ms. Ana Karylle Tatlonghari siya ang maglilibot sa'yo dito at mag-discuss na din ng iba pang details about school policies. Okay?", pakilala nito sa kanila kay Vice. Nakipag-shake hands naman ito sa kanila at nagpakilala.

" Good morning po! I'm Jose Marie Viceral po. Nice to meet you po!",pagpapakilala niya habang nakikipagkamay sa kanila.

"Mrs. Tatlonghari hayaan na po natin si Mr. Viceral ang bahala sa kanya. We still have something to discuss Mam. Sige na, Mr. Viceral you can go now together with our new student okay? You know what to do, right?", utos niya kay Vice. Sabay nito ang paalam nila at lumabas na din sa opisina ni Mam Reyes.

Habang naglalakad sila ay lihim pa lang tinitignan ni Karylle si Vice dahil sa kahit may pilantik ang kilos niya ay gwapo ito at lalaking tignan sa uniform na suot. Lingid sa kaalaman niya na napansin pala ito ni Vice at naiirita sa ginagawa niya. Kaya naman hinarap siya nito.

"Ms. Tatlonghari, right! Sorry pero may tv ba mukha ko at ganyan ka makatingin? Sana isinautak mo po lahat ng sinabi ko sa'yo coz I will give you some questions about this and an exam with the school policies. Sana mag-focus ka! Duuhh!..para kang nakakita ng artista. Pero tanggap ko na yan na maganda ako sa'yo. Pero sana alisin mo yang ganyang tingin mo sa akin dahil di tayo talo! Cut that off!", sabi nito sa kanya na iritang-irita sa kanya.

"Aba! Maldita pala ang baklitang hilaw na ito. Kung alam niya lang kung bakit ako nakatingin sa kanya. Pero infairness sa kanya eh pogi siya kahit bakla. Sayang! Hahahaha..",bulong nito sa loob-loob niya habang ngingiti-ngiti. Napansin naman ni Vice ito.

"Aba naman! Talagang tinatawanan mo ako? Ibang klase ka din eh! Grrr..dapat hindi masira aura ko sa'yo! Tara na nga sa canteen at gutom na ako! Humanda ka sa exam! Tawa-tawa ka dyan! Hmp! Sumunod ka!", utos niya at padabog na naglakad papuntang canteen.

Pagdating nila sa canteen ay nagtataka siyang tinitignan at tinatawanan ng mga nakakasalubong niya. Hindi niya alam kung bakit siya tinatawanan hanggang makasalubong niya si Buern na nagpipigil din sa pagtawa.

" Anong nakakatawa? Bakit ganyan kayo makatingin? Nakakainis na ah! Pati yung babaebg bruha sa likod ko ganyan din. Grrr!!!",inis na sabi nito.

"Meme tumingin ka na lang sa salamin. Bilis na!", utos ni Buern sa kanya habang natatawa at itinuturo ang cr sa canteen. Dali-dali itong tumakbo at humarap sa salamin. Nagngitngit ito sa inis at hiya ng makita niyang hindi niya natapos ang make-up niya. Doon lang niya naisip na kanina pa pala siya tinatawanan at tinitignan ni Karylle. Hindi man lang niya ito sinabihan. Kaya lalo itong nainis sa kanya.

"May lahi pa lang impakta ang bruhang yun! Humanda siya sa akin. Kanina ko pa kasama ni wala man lang siyang konsensiyang sabihin sa akin na hindi ko natapos ang make-up ko! Ggggrrrr! Gagantihan ko talaga siya! Gagawin kong masaya ang pagtransfer niya dito! Haay!",nagsisisigaw na sabi nito sa banyo.

Pagkatapos niya sa banyo ay agad itong lumabas at matalim ang tingin na nilapitan si Karylle. Tumayo ito sa harapan niya at matalim ang mga mata sabay ngising nakakatakot.

" Tingin ko magkakasundo tayo, Ms. Ana Karylle Tatlonghari. Mag-eenjoy ka sa paglipat mo sa school na ito. Trust me.", nakangising sabi nito na tila pababanta. Lahat ay nakatingin sa kanila. Na tila gustong marinig ang kanilang usapan.

Samantalang si Karyllen ay ....

"Lagot na! Patay ako kay bakla!",sabi ni Karylle sa sarili habang natatakot at kinabahan sa sinabi ni Vice.

Well, kung may comment o suggestions po kayo sa story ko..please let me know..next part na po..coming up!

Thank you! Enjoy!

....Part Two! part two! part two!

Vicerylle Story: Bet kita Bekz! Bet kita Merlat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon