Chapter 3

15 6 33
                                    

"May assignment ka na ba, Alicia?" Napalingon ako sa nagtanong. Alexander, nanliligaw sa'kin.

"Yeah, meron na 'ko." I answered politely saka inalis ang tingin sa kanya. Mahirap na, baka isipin niya na may gusto na din ako sa kanya.

"Akala ko wala pa." Bulong niya na nadinig ko. Kalmado ko siyang nilingon kahit medyo nainis ako sa narinig ko.

"I'm running for the valedictorian position, Alexander." Paalis na sana siya ng sabihin ko iyon kaya napatigil siya saka ako nilingon. "Don't expect that I'll miss a single activity or assignment." Sabi ko saka na ulit nanahimik. tahimik siyang umalis kaya di ko na siya pinansin. Ayoko sa mga ganoong lalaki. Iyong tipong balak ka lang alukin ng isang bagay para makapagpasikat. Iyong tipong gagawin niya iyon hindi upang tulungan ka lang, kundi para na rin makapagpaimpress.

tsss.

"Pass your assignments." pambungad ni Miss Jacinto. "Put them here." Sabay turo sa lamesa. Kaagad akong tumayo at inilapag ang gawa ko doon. Tahimik akong bumalik sa upuan ko. Pagtingin ko kay Miss Jacinto ay hawak niya na ang gawa ko at nakangiting nakatingin sa akin.

Oh no!

"Will you read your work, Miss Alcondra?" Nakangiting tanong niya. Napapalunok akong tumayo saka marahang tumayo, pumunta ako sa harap niya at kinuha ang gawa ko. Kinakabahan akong humarap sa mga kaklase ko na pawang naghihintay akong magsimula. Tumihkim ako para maalis ang bumarang laway sa lalamunan ko bago huminga ng malalim at basahin ang gawa ko.

If loving someone would hurt, why would we try it in the first place?

Why does lovers walk away from each other if they will end up hurting each other?

Why does someone always say goodbye?

Why do people start a relationship if it won't even last?

Why do people enter a relationship if they don't plan on staying on it till the end?

why do people leave us when they said they love us?

That is love. Love makes people a big fool. They know that a certain decision will hurt them, but end up doing it anyway.

That's love, we take risks. We go for it even if it's in the middle of uncertainty.

Loving someone is like in science, for every action, there is an equal and opposite reaction. For every decision there is an equal and opposite consequence.

That is Love. Love makes people crazy, insane, out of their minds.

That's why I don't want to fall in Love.

Not yet if it's not sure.

Not yet if it's complicated.

Not yet if it's uncertain that it will reach the end.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko pagkatapos kong magbasa. Napapabuntong hininga kong ibinalik ang papel kay Miss Jacinto saka bumalik sa upuan ko.

"I love the way you think, Miss Alcondra." Nakangiting sabi niya na sinuklian ko ng ngiti. "No falling in love when everything is not in place. Nice." nakangiting dagdag niya saka inalis ang tingin niya sa akin at bumaling sa mga kaklase ko. Nagsimula na din siyang magtawag ng ibang pangalan na magbabasa ng mga gawa nila sa harapan. Tinatamad akong yumuko sa lamesa ko ngunit hindi ko binabalak na matulog. Sadyang nakakaboring lang kaya gano'n.

Pagkatapos nilang lahat ay saka palang nagdiscuss si Miss Jacinto. Tungkol sa pagsusulat ng mga kung ano-ano ang topic namin ngayon kaya ganon ang nirecite ko. Iba iba din ang sa mga kaklase ko dahil choice din namin kung anong isusulat namin, at natagpuan ko nalang ang sarili ko na sinusulat ang nirecite ko kanina.

Hands to HeavenWhere stories live. Discover now