"Kuya, sa mall po tayo." Saad ni Almira sa driver habang nagbabyahe saka sila nagtuloy sa kani-kanilang ginagawa.
"Buti pala naisipan niyo tong gawin?" Nakangiti kong tanong sa kanila saka nila ako nilingon. "I mean, bakit parang biglaan?"
"Ahh... Kase uuwi yung pinsan ko this weekend." Saad ni Letixia na nakaupo sa tabi ko sa may bandang kanan. Si Elvira ay nasa kaliwa habang si Almira naman ay nakaupo sa harap.
"Oh, tapos?"
"Ipapakilala kita para naman maranasan mong magka-love life." nanunuksong saad ulit ni Letixia at napanguso nalang ako.
"Alam niyo naman na pag aaral ang focus ko, tapos bibigyan niyo pa 'ko ng lovelife?" Taas kilay na tanong ko sa kanila. "Goodluck nalang sa inyo. Mag la-love life ako kapag sigurado na akong pang habang buhay akong mahal ng lalaki."
"Sus." Nang aasar na tonong saad naman ni Elvira saka pa ako tinusok sa tagiliran. "Nasasabi mo yan ngayon dahil hindi mo pa nararamdaman. Pero sigurado ako, kakainin mo yang sinabi mo pag natamaan ka na ni kupido."
"Basta. Kahit anong mangyari, focus muna ako sa pag aaral. Yun na muna." May paninindigang sabi ko.
"Goodluck nalang talaga, Alicia. Yung pag ibig walang sinasanto yan, Kahit busy kapa sa pag aaral." Si Elvira.
"Tsss. Stress na nga ako sa pag aaral idadagdag pa ang love life na yan? Sus saka na lang kapag valedictorian na 'ko." Saad ko saka magkakrus ang brasong Tumingin nalang sa dinadaanan. Malapit na kami kaya ilang minute lang ay narating namin ang mall.
Agad bumaba ng sasakyan ang tatlo at patakbong pumunta sa entrance. Kung titignan ay parang first time nilang makakapunta at makakapasok sa mall. Kung hindi lang siguro dahil sa uniform na suot nila ay ganun ang iisipin ng mga tao.
Iiling iling akong sumunod sa kanila papasok. Iniwan namin ang mga bag namin dahil para daw mabawas ang bibitbitin namin sabi ni Letixia. Doon palang ay naisip ko na agad na marami ang balak nilang bilhing pagkain.
Pagdating ko sa supermarket ay andun na sila at may dalang kanya kanyang push-carts.
"Kuha ka ng sayo, Alicia. Bilis." Saad ni Elvira saka excited na nag umpisang magtingin ng mga pagkaing gusto niya. Kumuha nalang ako ng cart saka sumunod sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko sa matataas na estante na may mga pagkain. Dumampot ako ng Marshmallows, Junk foods, Soft drinks saka mga candies. Kumuha rin ako ng tinapay saka palaman. May nahagip ang mata kong mga chocolates kaya kumuha rin ako ng mga yon.
Hindi nagtagal ay nagtipon tipon kami malapit sa may entrance. "Kanya kanyang bayad ba?" Tanong ko. Tinanong ko lang iyon para sigurado pero kung sakaling hindi ay kaya ko naman bayaran ang mga kinuha ko.
"Yeah. Kanya kanya nalang tapos pagsama samahin nalang natin pag uwi para madami." Saad naman ni Letixia saka dumampot ng pera sa wallet niya. Kumuha din kaming tatlo ng pera saka sabay sabay na inabot kay Letixia.
"Oh...ano yan?" Nagtataka niyang itinuro ang mga pera naming nakalahad sa harap niya. Isinenyas namin na kunin niya ito kaya agad siyang umangal. "Kanya kanyang pila nalang tayo para patas." Reklamo niya saka nagpamaunang pumila para magbayad. Humarap ako kay Almira saka inabot ang pera ko.
"Baka naman." Pag paparinig ko. Kinuha niya naman ito ng walang reklamo saka naunang tinulak ang cart niya saka ako sumunod.
Pagkatapos mabayaran lahat ay may kanya kanya kaming bitbit. Inabot din kami ng dalawang oras sa pamimili kaya alas-3 na ng hapon. Walang isang oras ang biyahe papunta kina Letixia kaya mabilis lang kaming makakarating don at makakapagpahinga.
YOU ARE READING
Hands to Heaven
Romance(Book 1 of Awit Series) Alicia Corin Alcondra believes that falling in love at a young age is not good for her. She always wanted to love someone that will take her to the very end. In short, when she love someone, she wanted it to be her first and...