Chapter 12

5 2 0
                                    

Bumaba lang ako nung tinawag na ako ni Paul dahil kakain na daw. Pagbaba ko ay agad sumalubong sa akin ang amoy ng niluto niya. Sinigang at adobong baboy ang mga 'yon. Pagdating ko sa hapag ay may nakahanda na agad na mga pinggan at kanin.

"Dito..." Ipinanghila pa niya ako ng upuan at itinulak ng bahagya para maayos akong makaupo. Pagkatapos ay umupo siya sa katapat na upuan.

Laking pasalamat ko nalang dahil may damit na siya ngayon. Kung sakaling wala parin ay hindi ko na alam paano ko pa iiiwas ang paningin ko. Hindi ko din alam paano siya kakausapin kung sakaling nakahubad pa siya dahil nakakadistract ang katawan niya. Hindi man siya kaputian ay makikita mo na talagang makinis ang balat niya.

"Masarap ba?" Kaagad niyang tanong sa unang tikim ko ng luto niyang sinigang. Tinikman ko pa ulit 'yon saka marahang tumango. "Okay naman." Sabi ko nalang pero ang totoo ay masarap ang luto niya. Hindi ko nga lang maikukumpara sa luto ni Ate Beth kakaiba ang ingredients niya sa sinigang. Si Paul ay gumamit lang ng binibiling pangtimpla samantalang si Ate Beth ay sampalok ang gamit.

Para naman siyang nakahinga ng maluwang dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Tinawag ko din si Ate Beth at ang iba pang mga kasambahay para makakain din sila.

"Masarap kang magluto, Paul." Papuri pa ni Ate Beth. Nagpasalamat naman si Paul dahil ngayon lang daw may pumuri sa luto niya. "Pwede ka na pala kay Alicia, eh. " Kalauna'y sabi niya. Humarap ito sa akin. "Sagutin mo na 'to. Madalang sa mga lalaki ang magaling magluto." Sumulyap pa ito kay Paul at pabalik sakin. "Sige ka, baka maunahan ka pa pag 'di mo pa to sinagot."

"Hayaan mo na yan, Ate Beth." Saad ko naman at uminom ng tubig. "Kung gusto naman talaga ako ni Paul ay hindi naman siya magpapakuha sa iba."

"Sa bagay, tama ka diyan." At Nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos namin ay agad namang niligpit iyon ni Ate Beth. Nakipagkwentuhan pa ako sa kanya tungkol sa nangyari sa intramurals bago ko napansing nawawala ang lalaking si Paul.

Tinawag ko ang pangalan niya ng ilang beses pero hindi sumasagot. Pero nung tignan ko sa labas ay nakaparada pa ang sasakyan niya. Nakatabi pa din sa may pinto ang sapatos niya.

Hindi ko maisip kung saan ba pwedeng magtago ang lalaking 'yon. Tinungo ko ang likod ng bahay dahil may benches do'n. Bukod sa tirik ang araw ay paniguradong mainit ang mga upuan kaya wala siya do'n. Tinungo ko naman ang maliit na gym namin sa bahay at baka napadpad siya do'n pero wala siya.

Nung napagdesisyunan kong bumalik sa kwarto ay halos mapasigaw ako dahil natutulog siya sa higaan ko! Yakap pa niya yung paborito kong unan! At higit sa lahat, wala na naman siyang suot na damit pang itaas!

Hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Kung makahubad ng damit ay akala mo dito siya nakatira. Sobrang lamig din dahil centralized ang bahay pero nakakaya niyang maghubad. Laking pasalamat ko naman dahil nakasuot pa ang pantaloon niya. Hindi ko nalang alam ang gagawin ko kung sakaling pati pang ibaba niya ay nakahubad.

Pabuntong hininga kong pinuntahan ang lamesa ko sa kwarto at umupo. Tatanungin ko lang ang mga teachers ko sa mga ipapagawa nilang projects sa darating na araw para maumpisahan ko na habang hindi pa ako gaanong abala.

May isang ipinagawa si Miss Jacinto na essay na ginawa at tinapos ko din agad. Ang ibang teachers ko naman ay pag iisipan pa daw kung may ipapagawa ba sila para sa sunod na linggo.

Nung tumayo ako ay tulog parin siya! Mukhang puyat na puyat ang lalaking 'to. Dinig ko pa ang mahina niyang paghilik bago ako lumabas. Kukuha ako ng meryenda at manonood ng pelikula mag isa. O kaya naman ay manonood ako ng mga laban ng chess sa international competitions para makakuha ng bagong techniques.

Hands to HeavenWhere stories live. Discover now