"Student athletes, you are all excused for your practice..." Anunsyo ni Miss Jacinto matapos makatanggap ng excuse letter. Inaantok akong tumayo at naunang lumabas. Dumiretso kami sa room na nakalaan para sa amin. Kaklase ko din ang tatlong mag rerepresent ng grade namin sa chess.
Pagdating ay agad akong umupo at inyuko ang ulo ko. Alas-dose na kaming nakauwi kagabi. Pag dating ko ay sermon agad ni Mom ang sumalubong sa'kin. Madalang niya kong sermunan kaya medyo nanibago ako. Ang sabi pa niya ay kung nagbabalak daw ulit kaming mag stay sa ibang ay sa amin nalang daw sila para hindi siya nag aalala.
Na-touch ako ng bahagya doon dahil akala ko hindi na nag aalala sa'kin si Mom.
"Alicia, tara na, magpractice na tayo." Tawag ng kasama ko sa girls category. "Matagal na din nung huli akong mag chess kaya kailangan kong maglaro ng madami para atleast masanay ulit ako."
"Pass muna, Nessa. Tulog lang ako ng isang oras, Puyat ako kagabi eh. Makipag laro kana muna diyan sa mga lalaki diyan habang tulog pa 'ko." Saad ko habang nakayuko. Sana lang ay narinig niya yon. Humina kasi ang boses ko dahil bukod sa antok ay nakayuko pa 'ko, makukulob ang boses ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya lihim nalang akong napangiti. Paggising ko ay naglalaro sila habang ang isa ay nagce-cellphone lang. Naglakad ako palapit sa kanila saka tinignan ang kung sino ang lumalamang.
"Naku, Nessa, 'wag kang papatalo diyan kay Alexander. Mas magaling ka pa diyan, diba?" Pang aasar ko dahil nakikita kong malapit na siyang matalo.
"Wag kang maingay diyan, Alicia. Nakikita mo ng nagigipit na 'ko mang aasar ka pa." INis na sabi niya kaya natawa ako. Nagpatuloy lang sila sa paglalaro hanngang sa dineklara na ni Alexander aang pagkapanalo niya.
"Checkmate! Hahahaha..."Tatawa tawa niya pang tinuro si Nessa, inaasar. "Ano ba yan, akala ko pa naman magaling ka, Nessa." Saka uli siya tumawa.
Inis na umalis si Nessa saka lumabas. Naiwan ang tatawa tawang si Alexander, ako at si Kyle na nagce-cellphone. Lumabas din ako kalaunan dahil breaktime na. Kikitain ko lang sandal ang tatlo dahil matapos ng nangyari kagabi ay hindi pa kami nakakapag usap. Alam na alam ko na may kinalaman silang tatlo sa pag amin sa'kin ni Paul na hanggang ngayon ay hindi ko parin mapaniwalaan.
Hindi ko alam pero hindi talaga ako kumbinsido. Ang alam ko kasi ay hindi basta basta ang pagkagusto sa isang tao. Kailangan no'n ng mahabang oras na kasama ang isang tao para mapagtanto ang nararamdaman. Pero may iba din naman na nagkakagusto lang dahil sa pisikal na anyo, wala iyong basehan maliban sa itsura. Baka ganon ang kay Paul, dahil hindi naman maitatangging maganda ako. Pero bukod don ay wala na, hindi niya pa ko lubos na kilala.
Nakatambay lang ang tatlo sa canteen, sarap na sarap kumain at parang hindi naman nagpractice dahil tuyong tuyo ang mga damit nila. Kung gaya siguro ng sport ko ang sinalihan nila ay hindi ko na pagtatakhan ang malinis at tuyo nilang damit, ang kaso lang ay volleyball ang sinalihan nila.
"Hoy..." Tawag ko saka umupo. "Pakain." Sabi ko lang saka agad dumampot ng makakain. Halos junk foods at street foods ang nasa mesa kaya hindi ako masyadong kumain ng madami.
"Sana all may love life."
"Oo nga, sana all."
"Sana all confession."
"Sana all manliligaw."
"Hoy, kanino buhok naapakan ko."
"Shet, oo nga."
"Kanino buhok tong pakalat-kalat sa sahig, naaapakan ko." Napairap nalang ako dahil sa pagpaparinig nila. Gaya nga ng naisip ko, may kinalaman sila do'n. Halata sila eh, ilang beses na nila kaming pinagsama.
YOU ARE READING
Hands to Heaven
Romance(Book 1 of Awit Series) Alicia Corin Alcondra believes that falling in love at a young age is not good for her. She always wanted to love someone that will take her to the very end. In short, when she love someone, she wanted it to be her first and...