Chapter 9

1 2 0
                                    

Dinala niya ako sa isang park. Maaliwalas ang panahon at masarap sa balat ang simoy ng hangin, tamang tama para makapag relax. Hindi din ganon kainit ang sikat ng araw kaya madaming mga bata ang naglalaro. Nakangiti kong sinulyapan si Paul na ngayon ay inaayos ang mga dala niya.

Isang pang sapin at mga pagkain. First time kong magpicnic kaya excited ako sa mga gagawin namin. Nakangiti niyang tinapos ang ginagawa niya saka lumapit sa 'kin. Nakangiti niya akong inayang umupo.

"Do you like it here?" Tanong niya pagkaupo namin. Nilingon ko siya saka ngumiti.

"Yes, I like it here." Nakangiti kong sabi. "Magandang pagkakataon para magrelax bago ang intramurals namin bukas."

"Then, great. Let's enjoy this day."

"Yeah."

Inilabas niya ang mga dalang niyang raketa at nagsimula kaming maglaro ng badminton. Tatawa tawa pa kami dahil kung saan saan pumunta ang shuttle cock. Sunod naman ay inilabas niya ang dala niyang bola ng volleyball. Napailing nalang ako dahil ang mga dala niyang gamit ay hindi ko alam laruin.

Naghabulan pa kami do'n. Pati mga batang hindi namin kilala ay nakapag laro kami. Kakaiba pa nga makatingin ang mga magulang nila sa amin na parang may gagawin kaming masama sa mga anak nila.

Tsss!

Kinatanghalian ay magkasama naming pinagsaluhan ang mga dala niyang pagkain. Nakakatawa dahil may dala pa siyang kaldero na may lamang kanin. Habang ang mga ulam ay nasa mga tupper ware. Dalawa din ang dala niyang pinggan. Pagkatapos kumain ay tahimik lang kaming umupo, ninanamnam ang katahimikan at sarap sa pakiramdam ng paligid.

Nakakatuwang hindi siya nagtangkang magsalita. Hindi naman sa ayaw ko siyang magsalita, ang ikinasasaya ko ay ang pagbibigay niya sa'kin ng katahimikan. Kailangan yun ng utak ko ngayon dahil sa susunod na araw ay mapapasabak ako sa matinding pagiisip.

"Goodluck." Maya maya'y sabi niya. Nilingon ko naman siya, nakatingin lang siya sa kawalan. Nakaupo kami sa sapin na nilatag niya, nakapwesto ito sa ilalim ng isang mayabong na puno kaya hindi kami naaabutan ng sinag ng araw.

"Ikaw din."

"Well, yeah. Good luck to me. Magagaling ang representatives ng school niyo."

"Yeah, but we are not yet the representatives. We will just have the intramurals next week, so yeah, things might change."

"Good luck pa din sa akin. Hindi ko alam kung sinong makakatapat ko I can't prepare. Maninibago ako, syempre. And... what do I know na may mas magaling pa pala dun sa tahimik na kasama niyo..."

"Wala ng mas magaling do'n."

"I don't believe."

"Well..." Nag kunwari pa 'kong nag iisip. "Kung meron man, ako yun Sa amin ng mga kasama ko ay ako lang ang nakakatalo sa kanya So, yeah."

"Good luck din sa mga kasama ko, kung gano'n."

Natawa pa ko ng bahagya. "Magaling din naman ang mga kasama mong babae... Masyado ngang ginalingan nung practice... Paminsan minsan lang ako manalo"

"Gano'n talaga sila... Ayaw nagpapatalo. Ang sabi ko nga ay 'wag nilang galingan"

"Bakit naman?"

Alam ko ang dahilan kung bakit pero tinanong ko padin. Gusto ko lang malamang kung sasabihin niya ba o hindi.

"Wala..."

Sagot niya pa. Kalauna'y tumayo siya at tinungo ang sasakyan niya. Binuksan niya ang likod at may kinuha do'n. Pag balik niya ay dala niya ang isang tournament size na chess board at isang chess clock. Inilapag niya ito sa tapat ko at binuksan. Tinulungan ko siyang mag ayos at agad kaming nag umpisa.

Hands to HeavenWhere stories live. Discover now