Chapter 5

15 5 0
                                    

"Kumusta ka na, Paul?" Nakangiting tanong ni Tita kay Paul saka kami magkakasunod na umupo. "It's been a month since you visited here. I'm glad you visited." Nakangiti pang aniya.

Ngumiti din si Paul kay tita. "Nagkataon lang tita na wala kaming school works kaya nakadalaw ako dito. " Nakangiting aniya. "How I miss this place." Dagdag niya pa saka inilibot ang paningin sa sala at tumigil sakin. Nginitian niya lang ako saka binalik ang tingin kay tita.

Isang simpleng ngiti lang iyon pero parang iba ang dating sakin. Parang may kakaiba sa ngiti niya ngayon kaysa nung una ko siyang nakitang ngumiti. Naiiisip ko na kung bakit pero hindi ko lang sigurado.

Hanggang ngayon ay nakakahinga pa din ako ng maluwag dahil hindi padin nila nababanggit ang nangyari kanina. At ayaw ko na ring banggitin pa 'yon.

Nung mga sandaling iyon, iyong halos isang segundo lang na iyon, parang biglang bumagal ang oras. Basta, parang ganon ang nangyari. Yung sandaling yon ay nagawa pa naming magtitigan sa mata bago tuluyang magdikit ang mga labi namin. Hindi kapani-paniwala pero totoo.

Nagpatuloy lang sila sa kwentuhan habang ako ay patuloy pa din sa pakikinig sa kanila. Naguusap sila ng mga bagay tungkol sa pag aaral. Kung ayos lang daw pa, kung nakakapasa, kung stress at kung ano ano pang ewan.

Bumuntong hininga ako saka tinungo ang kusina para maghanda ulit ng meryenda. Mag aalas singko na ng hapon. 30 minutes na magmula nung dumating si Paul, nasa 30 minutes na din silang nagkukwentuhan kaya malamang ay gutom na ang mga iyon.

Gusto ko din sanang makisali sa kwentuhan nila kaso naaalala ko, hindi pala kami close ni Paul para sumali ako sa usapan nila. Idagdag mo pa ang pagkailang na mararamdaman ko o namin dahil na din sa nangyari kanina lang.

Inilapag ko sa maliit na mesa sa harapan nila ang isang pitsel ng juice at mga tinapay na may palaman na chocolate at cheese. Kaagad na kumuha doon ang tatlo kong kaibigan habang si tita Alexa naman ay nginitian ako at nagpasalamat. Ngumiti lang din si Paul sa akin saka bumalik na naman sa pakikipag kwentuhan.

Bumalik ako sa kwartong inookopahan ko kanina lang saka ulit binaba ang bag ko. Kumuha ako ng bagong damit saka dumiretso sa banyo para maligo. Paglabas ko ay nakasuot na 'ko ng pajama saka isang oversized na putting t-shirt. Alas sais na kaya paniguradong naghahanda na ng makakain ang mga kasambahay nila dito. Bumaba ako at nadatnan sila na hanggang ngayon ay nagkukwentuhan pa rin. Tumatawa pa sila minsan.

Dumiretso ako sa kusina. Nakita ko ang mga kasambahay nila na nagluluto ng makakain namin mamaya.

"Pwede po bang tumulong?" Nakangiting tanong ko sa nasa harapan ng kalan. Nilingon ako nito saka agad na ngumiti. May katandaan na ang itsura niya pero mahahalata mo naman na mabait. Hindi tatagal ang katulong dito kapag masama ang ugali.

"Pwede po, ma'am, pero trabaho ko po ito kaya hindi ko din po kayo papayagan na tumulong." Nakangiting aniya saka hinarap ang niluluto.

"Kung hindi po pwede baka pwedeng turuan niyo nalang po ako." Sabi ko ulit kaya humarap ulit siya sakin ng nakangiti. "Gusto ko po kasing matutong magluto." Dagdag ko pa.

"Kung yun lang naman po ay walang problema sa 'kin." Nakangiting aniya saka nilagay ang baboy sa kumukulong tubig na may bawang, sibuyas at kamatis. "Martha nga pala ang pangalan ko. Tawagin mo nalang akong yaya Marts." Nakangiting aniya matapos takpan ang kalderong pinaglulutuan niya.

"Alicia po ang pangalan ko, yaya Marts. Alicia nalang po ang itawag niyo sa'kin." Nakangiting sabi ko din. "Ano na po niyang gagawin?" Tanong ko saka sinulyapan ang kaldero.

Napatawa siya ng mahina. "Sigang na baboy iyon. Ang ginawa ko kanina ay inilagay ko ang bawang, sibuyas at kamatis. Tapos ay pinakuluan ko ng bahagya tapos idinagdag ko ang baboy." Nakikinig ako ng maayos sa kaniya at nakita niya ang pursigido kong tingin kaya natawa na naman siya ng bahagya. "Maya maya lang ay may lalabas na parang mga bula sa baboy, at kailangan yong tanggalin dahil makakasira yon sa lasa." Paliwanag niya. Nagkwentuhan pa kami ng ilang minute bago niya binuksan ang kaldero. Umusok pa ito saka unti unting naaninag ang kumukulong tubig habang may nakalutang na parang mga bula.

Hands to HeavenWhere stories live. Discover now