Chapter 11

6 2 0
                                    

Sa ikatlong araw ng intramurals ay hindi na muna ako maagang pumunta. Gustuhin ko man manood ng laban ng chess sa mga elementary, mas gusto ko munang matulog ngayon ng madami.

Alas-diyes ng umaga ng bumangon ako at mag ayos ng sarili. Bumaba din ako kaagad pagkatapos ko para magalmusal saka na ako dumiretso sa school. Patapos na ang labanan nila nung makarating ako. Mas mabilis lang ang sa kanila dahil iilan lang naman ang sumali. Pero Kahit papano ay may naabutan ako.

"Good morning, coach." Bati ko pa sa kanya bago humarap sa mga naglalaro. Nakahawak ang dalawang kamay ni coach sa tagiliran niya habang pinapanood ang mga naglalaban.

"Akala ko ba ay manonood ka?" Tanong niya pa. Napakamot naman ako ng noo. Akala ko din kasi manonood ako, eh. " Patapos na oh."

"Pasensya na, coach. May inasikaso lang." Pagpapalusot ko naman.

"Anong inasikaso mo? Tulog mo?" Tanong niya naman na bahagya kong ikinagulat. Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Magmula ng I-coach kita ay laging ganiyan ang palusot mo sa'kin kaya 'wag ka ng mabigla." Dagdag niya naman. Napakamot naman ako ng ulo saka pilit na tumawa.

"Hehe... Naaalala mo pa pala, coach." Mahinang bulong ko.

"Hindi pa 'ko ganon katanda para makalimutan ang mga pinaggagawa mo, Alcondra."

"Grabe yung tenga mo, coach. May earpiece ka ba?"

"Tigilan mo 'ko, Alicia."

"Hehe."

Pagkatapos non ay iniwan ko muna si coach at dumiretso sa kaibigan ko na naglalaro parin. Ayaw kasi nilang magpatalo. Gusto din daw nilang mapasali sa magrerepresent ng school sa interhigh, kaya eto, ayaw talagang sumuko Kahit pagod na pagod na.

Nag asaran pa kami kahapon pagkatapos ng huling laro nila. Pumunta kami ng mall at don walang sawang pinagtawanan ang namamagang pisngi ni Almira. Solid nga talaga yung pagkakapalo ng bola dahil halos kinabukasan ay namamaga parin ng bahagya.

Maya maya pa ay may biglang tumabi sa akin. Si Paul. Nakangiti pa ito at inabutan ako ng bulaklak. Naiilang na inabot ko naman ito. Hindi naman ako naiilang dahil binigyan niya ko ng bulaklak, naiilang ako dahil ang daming nakakit na binigyan niya ko ng bulaklak. Hindi naman yon nakakahiya, basta nahihiya lang ako.

Pasimple ko pa itong inamoy bago muling itinuon ang paningin sa court. Mabango ang rosas na binigay niya. Malamang! Bibigyan ka ba naman ng bulaklak na mabaho! Napailing nalang ako. Hindi ko na din tinanong kung bakit narito siya dahil alam ko na ang sagot. Na akong ang dahilan ng pagpunta niya o gusto niya lang panoorin ang pinsan niya. Nasa dalawang yon. Pero gusto ko man isipin na ako ang ipinunta niya dito ay pinigilan ko nalang. Malay ko bang si Letixia pala talaga ang ipinunta niya dito, diba?

"Alicia," Maya mayay tawag niya sakin.

"Lunch?" Tnong niya pa.

"Sure." Sagot ko naman. "Libre mo ah." Natatawang dagdag ko pa.

"Yeah, akong bahala." Aniya. Tinapos nalang namin ang laro ng tatlo saka kami dumirestong dalawa sa Mall.

Hindi ko na sila pinasama dahil baka asarin at busitin lang ako ng tatlo. Mabuti naman at ayos lang naman daw iyon kay Paul, kung saan daw ako komportable, doon siya.

Nakangiti siyang bumaba sa sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Napailing nalang ako dahil pakiramdam ko ay maninibago ako sa bawat bagay na gagawin niya. Una ay binigyan niya ako ng bulaklak, ngayon naman ay pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Ganito ba talaga ang ginagawa ng isang manliligaw? Hindi ako sanay. Hindi ko rin naman alam yon dahil hindi naman ako tinrato ng ganito ni Alexander.

Hands to HeavenWhere stories live. Discover now