"Did you sleepy well?" Bungad na tanong ni tita pagbaba ko kinabukasan para mag almusal. Umupo ako sa bakanteng upuan at agad na sumandok ng makakain.
"Sobraaaang haba ng tulog ko, tita." Sarkastikong sabi ko at natawa ang tatlo. Hindi ko alam kung Malabo ba ang mata nila pero halatang halata ang eyebags ko.
Hindi ako nakatulog totally. As in. Nakapikit lang ako pero ang diwa ko ay gising na gising. Busog na busog din ang tenga ko sa mga hilik ni Paul. Wala nga siyang ginawa pero pinerwisyo niya naman ang tulog ko.
"That's nice, then." Nakangiting aniya. Binigyan ko siya ng hindi tingin pero binigyan niya lang ako ng inosenteng tingin. Tumawa naman ang tatlo. Napailing nalang ako at nagsimulang kumain.
Napatingin naman ako sa hagdan ng masilip ko sa gilid ng paningin ko ang bagong gising na si Paul. Kinukusot kusot niya pa ang mata niya at humikab. Pagdating niya sa tapat ng mesa ay inunat niya pa ang mga braso niya bago naupo.
"Siya, tita..." Tinuro ko pa si Paul. Natigilan naman ito at binigyan ako ng nagtatanong na tingin. "Si Paul, tanungin mo, siguradong masarap tulog niyan." Sarkastikong sabi ko. "Humuhilik pa nga." Bulong ko sa huli na hindi nila nadinig.
"How was your sleep?" Nakangiti pang tanong ni tita sa kanya.
Ngumiti naman si Paul at humikab bago sumagot. "It's great, tita. Napanaginipan ko pa nga na may niyayakap daw ako." Tumawa pa siya. "Ang bango pa. Pakiramdam ko tuloy totoo yung panaginip ko."
"Anong klaseng amoy yung sinasabi mong mabango, Paul?" Nakangising tanong ni Almira saka ako nilingon. Napalunok naman ako dahil sa binibigay nilang tingin sakin.
"Parang... Amoy babae na ewan. Basta... amoy babae." Tila naguguluhang sabi niya. Tumingin naman ang tatlo sakin habang nakangisi. Napalunok ako saka sila inirapan at nagsimulang kumain.
"Saan ang punta pala natin ngayon, tita?" Tanong ni Elvira habang ngumunguya. "Ang alam ko ay aalis tayo." Dagdag niya saka uminom ng tubig.
"Yes." Sagot agad ni tita. "Actually, my plan was to go to a resort then swimming, but then, I realized that if that's what we we're doing, it's better to just swim here in the house. So my new plan is we're going to an amusement park. "
"Where, tita?" Excited na tanong ni Almira.
"Star city was my plan." Nakangiting saad ni tita.
"That would be great. Maraming rides don." Nakangiting saad naman ni Letixia saka tumingin sakin at binigyan ako ng ngisi.
Nginisian ko din siya saka tinaas baba ang pareho kong kilay. "Masaya nga yan, tita." Sabi ko ng may nakakalokong ngisi.
"Ahhhhhhh!"
"Tulong! Ibaba niyo ko dito!"
"Ipapakulong ko kayo! Itigil niyo 'to! hindi ko na kaya!"
"Hooooyyy! Ayoko na!"
"Wahahahah!" Malakas na tawa namin ni Letixia habang ang tatlo naman ay nagsisisigaw na ng kung ano ano. Nakasakay kami sa Super Vikings ngayon.
Ang totoo niyan ay alam na ng dalawa na hindi nila kakayanin ang ganitong ride. Habang si Paul ay first time sasakay dito kaya pumayag na siya.
At heto sila ngayon... Sumisigaw ng walang katapusan. Minsan ay napapamura pa sila. Hindi ko nalang alam paano ang gagawin nila pagbaba namin dito. Siguradong mahihiya din sila dahil ang mga taong nakapila ay tinatawanan na din sila.
YOU ARE READING
Hands to Heaven
Romance(Book 1 of Awit Series) Alicia Corin Alcondra believes that falling in love at a young age is not good for her. She always wanted to love someone that will take her to the very end. In short, when she love someone, she wanted it to be her first and...