Hindi maalis ang sinabi niyang iyong sa isipan ko hanggang sa sumunod na linggo. Minsan ay hindi pa ako nakakapag-concentrate sa laro dahil iniisip ko siya at ang sinabi niya. Nakakahiya na nga dahil makailang ulit na akong natalo ng mga juniors na kasama namin. Hindi ko naman sinabing hindi nila ako kayang talunin. Hindi ko rin sinabing dapat hindi ako matalo. Ang pinupunoto ko lang ay nakakahiyang matalo lalo na at higit na mas matanda at magaling ako sa kanila.
Sa nagdaang araw ay hindi rin pumalya si Paul para ligawan ako. Binibigyan niya ako ng bulaklak araw-araw. Hinahatid at sinusundo. Minsan ay pinapadalhan niya pa ako ng meryenda sa school namin. Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin lahat ng 'yon.
Tinanong niya ako kung pwede siyang manligaw, at pumayag ako, pero parang iba ang ginagawa niya. Sa mga ikinikilos niya ay para bang pinaglilingkuran niya ako. Yung para bang amo ako at alipin siya na nagtatrabaho kahit walang sweldo, kahit di sigurado kung may mapapala ba siya.
Puspusan ang naging mga practice namin sa natitirang mga araw bago magsimula ang interhigh namin. Ultimong umpisa ng practice ay mas inagahan pa. Pero syempre, bilang ako si Alicia, at si coach ay sanay naman na sakin, late ako lagging dumadating. Hindi na ako tinatanong ni coach kung bakit dahil alam niya na ang paulit ulit kong sinasagot sa kanya magmula pa noon.
Sa nagdaang araw ay hindi rin pumalya si Mom na kailangan kong maipasa ang lahat ng requirements ko at maging class valedictorian. Hindi na ata mawawala sa kaniya 'yon. Hindi niya na din ata malilimutan ang pangarap niyang maging valedictorian ako. Minsan ay napapansin ko din na tuwing kasama ko si Paul ay parang nagbabago ang mood niya. Hindi naman sa masasabi ko talaga na nagbago ang mood niya, pero ramdam ko, nakikita ko din sa mukha niya, na bagaman walang nagbabago sa reaksyon, ay parang umaaliwalas kapag kasama ko si Paul.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang mga nagdaang araw na magkasama kami ni Paul. Sa nagdaang araw na iyon ay lagi siyang nagpaparamdam sa'kin ng mga bagong pakiramdam. Dati ay hindi ako mabilis mainis, ngayon ay kaunting pang aasar niya sa akin ay magsasalubong na ang kilay ko. Kung noon ay napakatahimik kong tao, pwera nalang kapag kasama ko ang tatlong babae, ngayon ay napakadaldal ko na kapag kasama siya.
Para bang sa pagdaan ng araw ay nagiging komportable ako sa presensiya niya. Hindi ko naman sinabing hindi ako komportable noon. Ngayon ay parang unti unti na akong nasasanay sa mga kilos niya, sa mga pambibiro niya sa akin. Natatawa na din ako kaagad sa napakorny niyang mga biro. Napalapit ako sa kanya sa nagdaang araw na dapat ay iniiwasan ko. Dapat ay hindi ako masanay sa presensiya niya. Dapat ay hindi mahulog ang loob ko sa kaniya.
Napapadalas na din ang pagyakap niya sa akin, ang pagtambay niya sa kwarto ko. Napapahaba na din ang oras ng pananatili niya sa bahay. Minsan ay darating siya sa amin ng alas-singko ng hapon, pagkatapos na pagkatapos ng klase niya, tapos uuwi siya ng alas-diyes ng gabi. Hindi ko alam kung anong meron sa kwarto ko at gusting gusto niyang nandoon siya. O kung ano nga bang meron sa kama ko dahil pagdating niya ng alas-singko sa bahay ay didiretso siya sa kama ko at matutulog. Ako pa ang magtatanggal ng sapatos niya.
Mas napapadalas na din ang pagnanakaw niya ng halik. Minsan ay hahawakan niya pa ang mga kamay ko para hindi ako makapalag. Minsan ay nasasampal ko din siya dahil bigla bigla siyang hahalik pero tawa lang ang isusukli niya. Isang malakas at nang aasar na tawa. Madalas siyang matawa dahil pagkatapos niya akong halikan ay sobrang pula ng mukha ko. Magkahalong hiya at kaunting kilig ang dahilan no'n.
Hindi ko man gaanong napansin pero paglipas ng araw ay hinanap hanap ko na ang presensiya niya. Ultimong sa gabi ay gusto ko siyang makatabi. Ang utak ko ay siya lagi ang laman. Lumipas din ang ilaw ang na hindi siya nagpakita sakin dahil busy din sila sa practice. At sa ilang araw na 'yon ay hinanap hanap ko ang amoy niya tuwing yinayakap niya ako. Ang init ng katawan niya din kapa yakap niya ako ay hinanap hanap ko.
YOU ARE READING
Hands to Heaven
Romance(Book 1 of Awit Series) Alicia Corin Alcondra believes that falling in love at a young age is not good for her. She always wanted to love someone that will take her to the very end. In short, when she love someone, she wanted it to be her first and...