"What are you doing here?!" Naitanong ko dahil sa biglang presensiya ni Paul sa school.
"I am going to watch you." Simpleng sagot niya habang may matamis na ngiti sa mga labi.
Napalinga ako sa paligid. May mga estudyanteng sumusulyap sa pwesto namin, iilan, marahil ay nagtataka sa presensiya ni Paul. Napapansin siya ng iilang kababaihan hindi dahil nakauniporme siya ng paaralan nila, napapansin siya dahil gwapo siya, matangkad din siya kaya madali siyang makita. Nakakaakit din ang ganda ng katawan niya.
"Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko ulit sa Mahinang boses, halos pabulong.
"Surprise?" Nakangiti, parang namimilosopo pang sabi niya habang itinaas pa ang kamay niya na animo'y sinorpresa nga ako.
Napailing nalang ako.
"Sabi mo papanoorin mo ko?" Tanong ko ulit.
"Oo nga."
"Tapos na yung laro ko ngayon..." Sabi ko naman, Natatawa. "Bukas naman daw ulit." Dagdag ko pa at nakita ang pagkadismaya sa mukha niya.
"Ganun ba?" Tanong niya pa, tumango ako. "May ginawa pa kasi ako eh, busit, nalate tuloy ako." Bakas ang tono ng pagka-dismayang sabi niya.
"May bukas pa naman, kung gusto mo lang naman manood." Nagkikibit balikat na sabi ko.
Hindi naman nagbago ang reaksyon sa mukha niya sa sinabi ko.
"May quiz kami sa iba't ibang subjects bukas eh." Nanlulumong sabi niya.
"Kung gano'n pala ay 'wag mo na 'kong panoorin, I-take mo yung quizzes mo, mas mahalag yon."
"Gusto talaga kitang panoorin, eh." Nanlulumo pang sabi niya.
Napabuntong hininga ako.
"Look, kung ginagawa mo 'to dahil lang sa nanliligaw ka sa 'kin, tigilan mo na. Hindi ka magbebenipisyo sa panonood mo saking mag-laro. Isipin mo... Anong mapapala mo sa panonood sakin kung mamimiss mo naman ang quizzes mo? Wala! Ako pa ang magiging dahilan ng pagbagsak mo." Iiling iling pang sabi ko, nadidismaya.
"Hindi naman sa gan'on. Gusto lang talaga kitang panoorin." Nakangusong sabi niya. "Hindi naman kita pinapanood dahil lang sa nanliligaw ako. Gusto ko sinusuportahan kita, oo, pero hindi ko naman idadahilan ang panliligaw ko sa'yo."
"Basta, 'wag ka nang manood bukas. Utos ko 'yon."
"Bakit mo naman ako inuutusan?" Taas ang kilay na tanong niya.
"Dahil nililigawan mo ko." Taas-noong sagot ko pa."
Natawa naman siya ng malakas.
"Ano naman ngayon kung nililigawan kita? Responsibilidad ko bang sumunod sa utos mo?" Tatawa tawang sabi tanong niya pa.
"Edi 'wag." Kunwaring naiinis pang sabi ko. "Sasagutin ko nalang yung isa ko pang manliligaw. Buti pa yon, sumusunod sa mga sinasabi ko na makakabuti din naman sa kanya." Diniinan ko pa ang mga huiling salita.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Joke lang, hindi ka naman mabiro." Sagot naman niya agad, natawa ako. "Diba sabi mo wala ka ng laro ngayon?" Tanong naman niya na tinanguan ko. "Date tayo? Kain tayo sa labas." Nakangiti pang aniya.
"Ano, eh..."
"Ano?"
"Manonood pa sana ako ng laro nila Letixia."
YOU ARE READING
Hands to Heaven
Romance(Book 1 of Awit Series) Alicia Corin Alcondra believes that falling in love at a young age is not good for her. She always wanted to love someone that will take her to the very end. In short, when she love someone, she wanted it to be her first and...