Chapter 8

2 2 0
                                    

Hindi ko na hinintay pa ang araw ng sabado. Pagkauwi ko kanina ay hindi ko na hinintay pa si Mom. Kumain na agad ako at naglinis ng katawan bago ko sinimulan ang mga ipapasa ko. Pawang mga essays, reaction papers, at reportings lang naman ang gagawin. Madali lang iyon para sa akin dahil hilig ko ang magsulat.

Sinimulan ko ng isulat ang essay. Lima lahat ng kailangan kong isulat, apat naman sa reaction paper, at ang isa ay reporting na gagawin sa power point. Hindi ko lahat matatapos ngayong gabi, pero sisimulan ko na ngayon at itutuloy at tatapusin ko lahat bukas hanggang gabi para ang araw ng linggo ay wala akong gagawin.

Mag aalas kwarto ng umaga ko na natapos ang limang essays ko. Bukod sa ingles ang kailangang lenggwaheng gamitin, may limitasyon pa ang mga salitang gagawin. Pinakamaikli na ang isang libong salita sa bawat isa kaya talaga namang nahirapan ako.

Basta ko nalang ibinagsak ang katawan ko sa higaan at hinayaan ang sarili kong makatulog. Hindi ko na inisip pa kung gaano ba katagal ang ginawa kong pagsusulat, ang mahalaga ay kailangan ko talaga ng pahinga.

Nagising ako ng alas dose ng tanghali. Kaagad akong naligo at bumaba para sa tanghalian. May pagkain na sapat lang para sa isa. Hindi na ako nagsayang ng oras at Kaagad ko iyong kinain. Pakiramdam ko tuloy mula kagabi ay hindi ako kumain sa dami ng naubos ko. Pero ang totoo ay nalampasan ko lang naman ang almusal. Nagmeryenda din kasi ako kagabi habang nagsusulat kaya hindi ako ginutom.

"Ang tagal niyo pong nagising, Ma'am." Puna sa akin ng isang kasambahay habang kumakain ako. Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.

"Alas kwarto na kase ako nakatulog, Ate Beth. Inumpisahan ko na kagabi yung mga projects ko para kumonti yung mga pinoproblema ko." Saad ko naman saka pinagpatuloy ang pagkain. Tinanguan niya lang ako saka na umalis at tumango sa kusina.

Pagkatapos kong kumain ay ako na din ang naghugas ng mga pinagkainan ko. Kaunti lang ang mga iyon at ayoko ng abalahin pa ang mga kasambahay namin para lang sa ilang pirasong pinggan.

Kaagad kong tinungo ang kwarto ko pagkatapos maghugas ng pinggan. Tamad akong humiga at isinindi ang tv. Manonood muna ako ng isang pelikula bago magpatuloy. Pahinga na din dahil kakatapos ko lang kumain.

Pinlay ko agad ang pinakaunang nahanap kong pelikula at pinanood. Sa kalagitnaan ay tumunog ang cellphone ko. Inis ko itong inabot at inihinto muna ang pelikula.

"Hello." Bakas ang inis na sabi ko.

[Punta kaming tatlo diyan, no?] Boses iyon ni Almira.

"Ano namang gagawin niyo dito?" Taas kilay na sagot ko Kahit na alam kong hindi nila nakikita.

[Gagawa ng projects.]

"E bat dito pa?"

[Para maraming pagkain.]

"Wala kaming pagkain dito."

[Paalis na kami. Bye.]

Inis kong binitawan sa tabi ko ang cellphone ko at itinuloy ang pelikula. Hindi ko tuloy alam kung bakit bigla akong naiinis. Dahil ba pupunta ang tatlo at manggugulo o baka dahil lang pinause ko ang pinapanood ko? Ewan, basta naiinis ako ngayon.

Hindi pa man lumipas ang isang minutong matapos nilang binaba ang tawag ay heto na sila agad at nagpapaunahan na makapasok sa kwarto ko. May dala dala silang kanya kanyang mga bag.

Hindi makapaniwala ko silang tinignan. Ang bilis nilang nakarating ah? Ang pagkakaalala ko ay hindi fantasy ang buhay ko. Hindi naman siguro sila nagteleport para ganun sila kabilis makarating, diba?

Hands to HeavenWhere stories live. Discover now