DAMN, bakit ba nagtry-out ako sa volleyball at hindi sa cheering squad?
They look sexy on their uniform, especially that Isabela girl!
Kumukulo ang dugo ko dahil ang ganda naman palang talaga ng legs niya. Napatingin ako sa uniform ko. I should ask coach to have a short shorts. I'm not comfortable wearing this thing.
Nandito kami sa covered court. Sabay na nagpapractice ang basketball in men and women's division and so the cheering squad. Tuloy, naaagaw ang atensyon ng mga lalaki. Kabilang na roon si Noah at ang dalawang kasama na Stephen at Justin.
Napansin kong tatanga-tanga ang isang kasama ko. Hindi nasalo ang bolang ipinasa ko. "Hoy! Bulag ka ba? Paano tayo mananalo kung ganyan ka?"
Intramurals is aproaching so does the inter-university.
"Sorry," paumanhin niya. Nakayuko pa ang pucha.
I sighed at nilapitan siya. "Look at me," I demanded, she obeyed, though halatang kinakabahan siya. "Distracted ka?" Yumuko ulit siya, hindi sumagot. "Upo ka na muna kesa masigaw-sigawan kita. Hindi lang ako, marami kaming magagalit sayo."
She looked hesitant at first but she obeyed.
Sinalubong ako ni coach. "What happened?"
"Distracted siya, Coach. Nag-iinit dugo ko sa mga tatanga-tanga," I explained, coach nodded. "By the way, wala na bang mas iiksi pa sa uniform ko, coach?"
Umiling si Coach.
"I'm sorry, Ms. Lawrence pero 'yan na lang ang may hindi kaiksian. The rest, maiiksi na." Iba ang interpretasyon ni coach. "You're not comportable wearing it?"
"Perfect!" I clapped na ikinalito ni coach. "Akin na ang isa niyon, coach."
"What? I thought-?" Salubong makapal na kilay ni coach. Sa huli, napatalon na lang ako nang pumito si coach sa harap ko, telling me na umalis na ako sa harap niya.
"Thank you, coach!" I yelled while running back at the court.
"Five minutes break!" Sigaw ng team captain saktong pagbalik ko. Nagkanya-kanyang kuha ng tubig at towel sa kanilang bag ang mga teammates ko.
Bumalik ako sa bleacher para uminon at magpunas ng pawis then someone tapped my shoulder. Si Viyx, teammates ko. "Akala ko type mo si Lincoln?"
"Yes. Problem?" Mataray kong sagot and drunk the remaining water in my bottle.
Maton siya kaya hindi tumalab pagtataray ko.
"Someone's flirting your man. Magigising ka na lang, boyfriend na siya ng Isabela na 'yon. Landiin mo na tang*na at nang mapasaakin na si Isabela."
Nailinga ko ang paningin at sumalubong sa akin ang malawak na ngiti ni Isabela habang binibigyan ng tubig si Noah.
When Isabela left to get Noah's towel, mabilis akong naglakad palapit sa gawi ni Noah dala ang towel kong hindi pa nagagamit. I purposely bumped Isabela's shoulder when she started walking back towards Noah. I raised my middle finger at her when she glared at me.
Nauna ako sa kanya.
Narinig ko pa ang mga bulong-bulungan sa team niya.
"Slut."
BINABASA MO ANG
CHASING NOAH(Bella Series1) Completed
General Fiction"Nothing beats a person with a brave heart. Ako iyon, Noah." -Gabby-