EXAM WAS DONE.Hindi ako nadisappoint sa result same goes with my bellas. Aba, may pangarap 'to oi kahit malantod.
Buwan ng wika is approaching, pagkatapos niyan ay intramurals naman.
Gumana agad ang pagiging competitive ko nang mag-anunsiyo na maliban sa mga awitin, tula at sayaw ay magkakaroon pa ng palarong-lahi. Bawat department ang labanan. May kanya-kanyang representative sa bawat laro. Ang mapanalunang premyo ay i-dodonate sa Home for the Aged.
Upon hearing, it made my heart ache.
Hindi ko na kailangan pang magvolunteer dahil kinuha na agad ako ng president ng department.
"Mukha ba akong kaladkarin sayo, pres?" Naaasar kong tanong. Hindi ba pwedeng umakto muna siyang nag-aalangan ano? At ako nama'y pakipot muna. Iyong may sapilitan pang magaganap.
He laughed at my remark. By the way, his name is Leon. I don't consider him as one of my fling pero parang gano'n na nga. He's nice, but not in a nice way. May halong landi, e. Hindi ko siya sinasabayan kasi he's not safe to play with. Kakabreak niya lang sa current and long-time girlfriend niya. He's vulnerable at this moment. Isa pa, magpinsan sila ni Noah.
Kung may lalandiin man ako ngayon, si Noah na lang. Si Noah at si Noah na lang. Ngayon pa? Kung kailan nagdidiligan na kami?
"I trusted you. Strong spirited woman. So attractive," he winked at me. I fought the urge to rolled my eyes at him.
Such a flirt.
No wonder na magpinsan nga sila ni Noah.
Papunta kami ngayon sa makakasama ko sa laro. Magkakaroon kami ng briefing sa mga gagawin. Bukas na ang laro, kailangan namin maipanalo iyon.
At sana, wala akong maaarte na makakasama dahil kung meron man, hihilahin ko ang buhok nila pakaladkad palabas ng paggaganapan ng laro.
"Good morning, Pres."
Agad na bati nilang lahat. Ako na lang pala ang hinihintay. Karamihan sa kanila ay mga mga lalaki. May mga kababaihan din naman konti.
"Hi, Gabby." One of them ay nakakakilala sa akin. I smiled back at her. She looks nice. Genuine ng ngiti niya. I think her name is Ysa, I guess. Nakasama namin noong orientation.
"Hi." Nagsipagbatian silang lahat sa amin ni Pres at gano'n din ako sa kanila.
Thank, mother. Wala akong makakaaway sa kanila.
"Ang importante sa larong ito ay ang mag-enjoy tayo. Mag-enjoy kayo at mag-enjoy ang mga nanonood. The point here is to execute the game naturally. Bring the spirit of sports like how we used to be when we were kids." Pahayag ni pres.
"Sounds good and fun. Exciting 'to, pres. " Sang-ayon ng isang kasama namin.
May isang nagsalita."I don't know the mechanics of those game, Pres. Gusto ko lang sumali kasi, hindi ko iyan na-experience noong bata pa ako. "
"Rich kid's problem." I muttered quietly. I may be a bitch but I feel bad for her.
Ako kasi, nakailang kurot ako ni Mamsi Mommy dahil kung ano-anong gasgas ang natatamo ko tuwing uuwi ako ng bahay pero worth it naman. Ang saya, ang pagkabog ng dibdib tuwing tumatakbo huwag lang maabutan ng taya, ang tawa sa tuwing nadadapa ang kalaban mo at ang gasgas tuwing nadadapa, lahat ng iyon ay ang sarap alalalahanin. Parang wala akong panghihinayangan dahil naranasan ko lahat.
BINABASA MO ANG
CHASING NOAH(Bella Series1) Completed
General Fiction"Nothing beats a person with a brave heart. Ako iyon, Noah." -Gabby-