CHAPTER 27

2 0 0
                                    

"HAPPY birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday ! Happy birthday ! Happy birthday to you! Happy beerday, Finn!" Magkapanabay naming bati sa kanya. Nagpasya kaming dito na lang sa resort nila Noah ganapin ang kaarawan niya total naman ay ito ang plano namin. Nagkataon lang na may extra, sila Noah.

"Thank you, girl." Emosyonal na pasasalamat ni Finn, pumikit siya at hinipan ang cake na minadali naming e-bake. So far, okay naman ang kinalabasan.

Noah and his friends were nice enough to get along with us. Ang gaan tuloy ng pakiramdam ko.

Nagpasya kaming dito sa labas e-celebrate ang birthday niya. Tamang jamming lang ang gagawin, choosy kasi ang isa rito. Si Finn.

"Ano ang wish mo? Syota ba?" Inosenteng tanong ni Juliana na aakalain mo talagang inosenteng-inosente iyon. "Ako na lang, babe."

"Yuck. Tsupe! Doon ka kay, Gab. Hindi ako napatol sa kauri ko 'no!" Nanghihilakbot na bulalas niya, pinagtulakan pa si Juliana sa tabi ko.

"Stephen, babe! Si Finn, oh!" Makaawa ni Juliana kay Stephen pero pinandilatan lang siya ng huli. Napahagalpak kami.

"Ganyan na ganyan talaga kayo ni Gab, 'no?" Asar na sabi ni Finn.

"Justin, si Haven nananahimik. Tabihan mo naman!" Sigaw ko sa patungga-tungga lang na Justin sa tabi nila Noah at Stephen.

"Para dalawa kayong mapanisan ng laway." Dagdag agad ni Juliana na ang tingin ay nasa hiyang-hiya na si Haven.

Nakisabayan ako sa tawanan nila kahit pa ang totoo ay kanina pa ako hindi mapakali. Pilit ko mang baliwalain ay hindi ko kaya.

Ano ang nangyayari kay Noah? Ramdam ng dugo ko na kanina pa niya ako sinusundan ng tingin.

Pakiramdam ko, pinagpawisan ang noo ko kahit ang lamig naman ng hanging panggabi. Napapapunas ako sa noo. Napapaypay ako sa sariling mukha at bahagyang lumayo. Baka dahil sa bonfire? Tama. Gano'n nga siguro.

Dala ang pamaypay at juice ay nagpasya akong umupo malayo sa kanila upang magpahangin at makahinga ng maluwag. Nararamdaman kong nasusuffocate ako. Kasunod ko sila Sky na magninight swimming pero wala akong lakas para lumangoy ngayon. Masyadong napagod ang katawang lupa ko kanina sa habulan namin.

"Here," may nag-abot sa akin ng panyo na ikinalabas ng tubig sa ilong ko.

Tumabi siya sa akin.

"Sila Stephen? Iniwan mo?" Wala sa hulog na tanong ko.

Mula sa pagkakatukod ng dalawang kamay sa buhangin sa likudan niya ay pinagpag niya iyon at pinatong sa tuhod niya at humarap sa akin. "Ano naman kung iiwan ko sila? Ang weird mo ngayon." Mula sa liwanag ng buwan ay kita ko kung paano niya akong sinusuri ng tingin.

Ikaw ang weird.

"Papaanong weird ba? Kita mo ang mga muscle ko?" Pakita ko ng braso ko, "nabugbog 'to kanina ni Finn. Kaya pagod lang ako," kunwa'y iniinda ko ang sakit.

"Ako na," agap niya sa ginagawa kong magmasahe sa braso ko. "Talikod ka sa akin." Tumalima ako sa utos niya. "Dito ba?" Inuna niya ang dalawang balikat ko matapos niyang hawiin ang pagkakatabing ng buhok ko. "Bakit pakiramdam ko ay naninigas ka? Ayos ka lang ba talaga?" Silip niya sa mukha ko.

CHASING NOAH(Bella Series1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon