CHAPTER 26

1 0 0
                                    


ANG GANDA.

Refreshing at napaganda ng ambiance ng lugar.

Alam kong maganda na ang lugar na ito pagdating pa lang namin ni Noah kaninang madaling araw, pero hindi ko aakalaing may i-gaganda pa pala ito ngayong maliwanag na.

Karamihan sa mga tanim ay puro mga puno ng niyog. Pero sa gilid, sa kasunod ng buhangin, ay mga palmera trees na nagsisilbing gabay sa daanan na puro bermuda grass. Halatang inaalagaan ng mabuti.

Probinsyang-probinsya ang vibes ang kabuuan ng lugar.

Mahaba ang baybayin na may mapipino at mapuputing buhangin. May iilang jetski rin at ilan pang gamit para sa iba-ibang recreational activities na gagawin.

Mula sa malayo ay natanaw ko ang iilang mangingisda sa laot, may iba namang dumaong na. Masasabi kong payak ang pamumuhay sa lugar na ito. Tahimik at napakasimple ng buhay. Malayong-malayo sa syudad na kinagisnan ko.

"Gabby."


Naningkit ang mga mata ko nang ang papausbong na sinag ng araw ang sumalubong sa akin nang lumingon ako. "Diyan ka lang, huwag kang gagalaw." Kinuha ko ang cellphone mula sa kinalagakan ko sa buhangin.

"Tsh." Pakiwari ko ay tinarayan ako ni Noah pero naki-ayon din naman. "Matagal pa ba 'yan?"

"Okay na, 'lika." Usad ko upang bigyan siya ng espasyo sa sarong na pinansapin ko buhangin. Sabay naming tiningnan ang kuha kong photo sa kanya. "Ganda ng kuha ko 'no?"

Against the light iyon, hindi klaro ang buong mukha niya tanging edges lang ng kanyang mukha ang na-i-emphasize. Lalo na ang kanyang panga at matangos na ilong. Bahagya siyang naka sideview nang kuhanan ko at may dala siyang dalawang mug. May puting bullcap siya na pabaliktad  ang pagkakasuot.

"Kasi, ang gwapo ng subject mo. Choco?" Abot niya sa isang mug.

"Gusto ko iyang ininuman mo, e."

Naiiling niyang iniabot sa akin ang mug niya.

"Thank you." Ininuman ko iyon.

"How was it?"

"Masarap." I ran my lips on my upper lip to licked the remnants there.
"Ikaw ang nagtimpla?"

Napaiwas siya ng tingin at itinuon iyon sa kadagatan. "Yeah."

"Tulog pa sila Sky?"

"Tahimik pa ang loob, so, yeah, tulog pa nga."

"Ang ganda rito, Noah. Madalas kayo rito ng mga kaibigan mo?" Lingon ko sa kanya at hinayaan ko na lang na lumaylay ang strap ng see through na suot ko. Lumabas ang kulay kremang panligong pang-itaas ko.

"Hindi naman masyado."   Inabot ng kamay niya ang strap ng damit ko at siya na ang nag-ayos niyon sa balikat ko. "Hindi ka nilalamig sa suot mo?"

Napalabi ako. "I want to look good in front of you, why?"

Nasa dagat pa rin ang tingin niya nang magsalita, humigop siya sa mug, "maganda ka naman lagi. I bet, kahit sa ibang lalaki, gano'n din ang opinyon nila."

"Ang gwapo mo." Kurot ko sa pisngi niya, nangingiti.

Sa naipikit niya ang isang mata, napapangiwi. "Iyan ba ang thank you mo? You're welcome, ah." Himas niya ang pisngi nang pakawalan ko. Nagkulay rosas ang bahaging iyon ng kanyang mukha. Naningkit ang mga mata kong inasikan ang mukha niya.

CHASING NOAH(Bella Series1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon