CHAPTER 38

3 0 0
                                    

AS PLANNED, bumiyahe na naman kami pa-Isabela.

"This view is too good I could cry." Kung pwede ko lang yakapin ang buong lugar at dalhin ko pag-uwi ay ginawa ko na." So beautiful. "


Bawing-bawi ang pagod ng nilakad at inakyat naming ng mahigit apat hanggang limang oras. Naranasan ko pa ang madulas at ma-flat ang puwet sa batuhan. Isipin ko pa lang ay nararamdaman ko na naman agad ang impact no'n sa pwet ko.


"Picture, picture!" Hiyaw ni Juliana, dala-dala ang tripod at camera.


Pumuwesto kami sa gawi kung saan kita ang apat na falls.

Si Matteo ang instant photographer na walang reklamong kinukuhanan kami.


"Insan, isa pa!"

May post kami magkaakbay. May nakaturo sa itaas, may fierce-look, may animo para kaming mga model, may picture kaming nakawackey. Pini-ggyback ko pa nga si Finn na sa gulat ay nagmukhang binaril ang mukha. Akala yata ilalaglag ko.


"Jumpshot." Utos ni Matteo na ikinamulagat namin.

"Para one way ticket to heaven kami, gano'n?" Sarkastiko kong sabi. Aba, maling apak lang namin sa kinatuntungan ay puwede kami maging panandaliang si wonderwoman na wala sa marvels.

"You're brave, you can do it. Isa pa, I'm not saying na riyan kayo sa gilid ng bangin, pwede naman kayong umusog dito, diba?"

Aba, pahiya ang feslak ko ng konti, ah.

Nairita ako nang pinagtawanan nila ako.

"Uso kasi na magtanong muna, ano?" Parinig ni Finn.

Sa huli, nawili kami sa kakajumpshot. Hihikain na lang yata ako'y hindi pa rin ako magsasawa.

We fix our tent nung kinahapunan. Para kaming nasa north pole nang sumapit ang gabi. Ang lamig, grabe.


Ano ang aasahan namin, e December ngayon partida nasa norte kami.

Mabuti na lang at magaling itong si Matteo magpa-apoy kaya hindi na kailangan ang effort ko. Dahil kung si Finn lang, naku, manigas na lang kami sa lamig, wala pa rin apoy na magagawa ang Finn niyo.

We were singing and laughing the entire night. We talked, we share stories like we're never been with each other. Para kaming baguhan na hindi nauubusan ng kuwento.

Nang tumugtog si Matteo ay nagdirty dance ako sa harap ni Finn.

"Come on! Dance with me!" Hila ko ang kamay niya at pinanhawak sa bewang ko pero ang loko, matindi kung makahindi.

"Tse, I'm not asking you to fuck me, sabi ko dance with me."

"Gano'n pa rin iyon! Ang pangit sa pakiramdam. Ewan ko sayo!"


"Arte mo, gapangin kita mamaya,  mo." Napairap ako nang umasta siyang nasusuka. "Eww, I'm just kidding. I'm into, Noah, remember?"


"Bigyan niyo na akong lovelife bago pa man ako ma-trauma kay Gab!" Palahaw ni Finn.


Nung kinagabihan, tabi kaming natulog ni Sky. She's already sleeping like a baby.

I sighed.

CHASING NOAH(Bella Series1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon