CHRISTMAS SEASONS SEEMS LONG.Gosh.
Bakit kasi umalis pa si Noah. Yup. Umalis si Noah para sa ibang bansa i-celebrate ang remaining days na bakasyon ngayong christmas season. Kasama niya ang pamilya niya. Well, Noah's family is filthy rich so they can celebrate their christmas anywhere in the globe.
We never had a formal talked, I didn't dare ask him about what he said last last time when we were on their resort. It's just that, darating din ang araw na mag-usap kami ng maayos about our status, I mean, about what the heck is wrong with him.
The last time I checked, I'm okay if anything about us ended. I'll gladly accept it, but his actions were so confusing that made me think twice.
It made me want to be selfish and I don't like it. I know, I am capable of doing that, lalo na sa lagay ng puso ko pagdating kay Noah. Nakakaloka. I'm barely holding my sanity to its place kung hindi ay baka matagal ko ng napikot si Noah.
Phew.
Napabalikwas ako ng bangon nang magsi-ingayan na naman ang mga barkada ko sa labas.
Great, may lakad pala kami ngayon.
"Hoy, Gabriela! VIP kang punyeta ka, bilisan mo na riyan at nag-iinit na ang pwet ko rito!" Sa bungangang iyan, sigurado siyang si Juliana iyon. Gosh, wala man lang kaarte-arte ang bunganga. Like, pa-demure naman ng konti, diba?
"Ayan na! Gaga, atat? Atat?" Sigaw ko habang karay-karay ang travel backpack habang sukbit naman sa kanang balikat ko ang maliit na bag na kinalalagyan ng mga essentials kong gamit. Like phone, wallet, powerbank, suklay, pabango, alcohol, lipstick, name it!
Mabilis kong kinandado ang gate at halos talunin ko ang gawi ni Finn.
"I miss you so damn much, Finn Arturo!" Lambitin ko sa leeg niya hindi ko na pinansin ang bag kong kaybigat.
Akala ko papalag pa si Finn natawa na lang ako nang buhatin niya ako.
"I miss you too, gurl." At buhat-buhat niya akong ipinasok sa loob ng van. "Grabe, nanakit muscle ko sayo, 'te. Grabe ba ang kain mo at bakit ang bigat mo?"
"May baby na raw kasi kami ni Noah." Namutla sila. "Joke." Pagbabawi ko, nakahinga sila ng maluwag. "Protected kami lagi, don't worry." Ngisi ko.
"Peste ka, e di ninang na kami niyan sana. Wala pa kaming trabaho." Pinandilatan ako ni Juliana. I just kissed her cheek.
"Mayaman naman na kayo." Binuntunan ko iyon ng tawa. Pagkatapos ay si Sky naman at Haven ang ibi-neso ko. "Blooming ka, Sky. Anong meron? Ilang araw lang kitang hindi nakita may nabago agad sayo." Sinundot ko siya sa tagiliran. "Ano?" I wiggled my eyebrow.
"Wala namang nabago sa akin, ah." Painosente pa siya. Pinaningkitan ko siya. "Okay, fine. Fling lang, I mean, fuck, how should I say this?" Frustrated niyang nasabunot ang buhok.
Natawa naman kami sa kanya. "Arte mo, si Matteo iyan, pupusta ako!" Singit ni Juliana.
"Oo, nga, Sky. Si Matteo ba?" Curious ding tanong ni Haven.
BINABASA MO ANG
CHASING NOAH(Bella Series1) Completed
General Fiction"Nothing beats a person with a brave heart. Ako iyon, Noah." -Gabby-