Muli, sa maliit at masikip na cubicle na iyon ay nagtagpo ang aking bulaklak at ang kanyang tinik nang walang kasawaan.
Nang mahimasmasan kaming pareho ay pawisan akong kumuha ng tissue na iniabot ni Noah saka ko ibinalik pagsuot sa nakababa kong pang-ibaba. Inayos ni Noah ang sarili at lumapit sa akin para tulungan ako.
"Lumaki lalo 'to." Pabulong na saad niya sa leeg ko. Hawak ang magkabila kong bundok. Pinakatitigan talaga niya iyon. Namula ako sa hiya. Nang tumaas sa akin ang tingin niya nagpakawala siya ng matunog na ngisi. Ikinawit ang strap ng bra ko sa ilalim ng shirt.
"Ikaw ang may gawa niyan." Maarteng sabi ko which made him chuckled. Pinunasan niya ang pawis ko sa leeg at noo. Iniumang ko naman sa kanya lalo ang mukha ko.
"Wala bang tao sa labas?" Napahawak ako sa kamay niyang nagpupunas, nababahala akong baka may nakarinig sa amin.
"Meron. Kanina." Nananadya ang tono ng boses niya. "Hindi mo napansin kasi ang ingay mo."
Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Bakit hindi mo tinakpan ang bibig ko?"
Nang matapos siya sa pagpunas ng mukha ko ay ang buhok ko naman ang sinuklay niya gamit ang kanyang daliri. "Kasi ang sarap mong pakinggan."
Umapoy ang mukha ko.
"Paano tayo lalabas niyan?"
Kumibit-balikat siya. "Eh, di bubuksan lang natin ang pinto at lalabas tayo."
Namamangha ko siyang tiningnan. "Nagbibiro ka ba?" Ang seryoso niya kasi, e.
Umiling siya kapagkuwa'y inipit ang ilang hibla ng buhok kong tumakas. "Come on, gutom na. Nakakadrain pala ang gano'n." Makahulugan niyang sabi sinamahan pa ng pagpasada ng tingin sa labi ko.
"Ang landi mo na ngayon, ah."
"Dati pa." Ipinagbukas niya ako ng pinto.
"Umextra ngayon." Ingos ko.
Natawa siya.
Ipinagpasalamat kong walang tao sa labas ng banyo.
Dumeretso kaming cafeteria. Maraming pagkain ang inorder ni Noah na ipinagtaka ko.
"Mauubos natin 'to?" Ekseheradong tanong ko. "Sobrang mo gutom mo talaga, ah."
"Sobra." Inilahad niya ang mga pagkain. "Kain na, gusto ko malusog ka lagi. Kailangan mo 'yan." Siya na naglagay ng kanin at ulam sa pinggan ko. Pinigilan ko ang kamay niya nang mapansin kong ang dami niyang inilagay doon.
Nagsimula na akong sumubo. Malalaki. "Mukha ba akong sakitin minsan?" Tiningnan ko pa ang braso ko.
"Wala akong sinabing sakitin ka. Sa pagkakaalam ko kasi, kailangan mo 'yan lalo pa at palagi tayong..." Malalaki rin ang subo niya. Malalaki pero hindi naman swapang tingnan, in fact napaka-manly nga. Napansin niyang natulala ako sa kanya, pinagtaasan niya ako ng kilay. "Sabihin mong hindi."
BINABASA MO ANG
CHASING NOAH(Bella Series1) Completed
General Fiction"Nothing beats a person with a brave heart. Ako iyon, Noah." -Gabby-