CHAPTER 25

3 0 0
                                    

AlAS DOS na ng madaling araw kami nakarating sa sinasabing beach ni Noah.

"Noah." Sunod ko sa kanya, mahigpit ang kapit ko sa jacket sa sobrang lamig. "Bakit walang tao?" Maliban sa mga ilaw ay wala na akong nakikitang mga nakatambay sa labas o nagna-night swimming maging bonfire.

"Walang tao kasi pribado 'to." Inilipat niya sa kabilang kamay ang mga dala at hinawakan niya ang kamay ko."Ang lamig ng kamay mo."

Ginagap ko ang kamay niya at sinabayan siya sa paglalakad. "Sa kakilala mo?"

"Sa amin." Simpleng sagot niya.

Right. May sinasabi pala sa buhay 'tong si Noah.

"Alam ba 'to nila Stephen? Teka, paano makarating sila Sky rito?" Natanaw ko na ang bungalow-type na bahay sa harap ng dagat. Hindi ko maaninag ang paligid dahil gabi at hindi rin nakakatulong ang ilaw. Tanging pasilip lang ng lugar ang nakikita ko.

"Tinext ko na sila Stephen. Baka alas kwatro pa ng umaga sila makarating dito."

Nang makarating kami ay agad akong umupo sa malawak na resthouse na kaharap lang din ng bahay. Inilagak naman ni Noah ang gamit doon.

"Dito ka muna, bubuksan ko lang ang pinto. Ayos lang ba?"

"Basta ba walang masasamang elemento rito, ayos na ayos." Pinagkiskis ko ang parehong palad at napansin niya iyon.

"Sama ka na lang sa akin sa loob. Come on," lahad niya sa kamay, tinanggap ko naman iyon. Mamaya niyan may kakalabit nalang pala sa akin bigla. Naku, lagot. Sabay naming tinalunton ang daan papasok.

"May nag-aalaga rito?" Ang linis kasi. Walang masyadong gamit doon, tanging gray sofa lang sa malawak nilang living room at parihabang lamesa sa gitna niyon. White and gray ang combination ang kulay ng kabuuan ng bahay.

"Meron. Araw-araw si Nanay Leng naglilinis dito. Nasa unahan lang ang bahay nila ng pamilya niya." Lumapit siya sa kusina at nagpakulo ng tubig matapos basta na lang inilagay sa lapag ang dalang gamit niya. Hinubad niya ang kanyang hood at isinampay sa sofa, tanging puting tee na lang ang natira.
"Coffee?"

"Hindi ako mahilig sa coffee pero sige na. Baka kabagin ako kapag hindi ako magpainit ng tiyan."

"Yes, Ma'am." Pasaludo siyang tumalikod.

Naupo ako sa sofa at inilagak ang buong bigat sa sandalan niyon. Pakiwari ko'y ako ang napagod kahit hindi naman ako ang nagdrive.


"Tired?" Tanong niya nang makalapit at inilapag sa center table ang kape at tumabi sa akin.

Idinilat ko ang mga mata, "sakto lang."

"Gusto mong matulog muna?" Tunghay niya sa akin. Hinahawi ang ilang hibla ng buhok kong nasa pisngi. Inaamoy niya iyon.

CHASING NOAH(Bella Series1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon