6 : Platonic

39 10 0
                                    

"I think he's just trying to protect you from the rumors."

Napairap ako sa narinig. Again, "Who give a damn about those rumors?"

Monica shook her head in disapproval. "Isang linggo na, gaga. Move on na!"

"After all his baloney he's giving me this bullshit?" I grumble from the bitterness I'm feeling upon remembering how he used to wait for me after class for straight two weeks, then suddenly stop after that last conversation we had.

"'Syadong affected ah?" Pang-asar na ngumisi ang lukaret. "Isa pa, hindi ko alam kung aware ka pero you were too frigid around him, halatang hindi ka pa kumportable eh. Kaya imbes na magmukmok ka riyan, why not give it a chance? Malay mo mas okay pala talaga kayo as friends lang?"

Tinawanan lamang ako ng babaita nang sinamaan ko ng tingin. Naiirita ako sa sinabi niya, hindi ko lang sigurado kung saang parte ro'n.

"Naninibago na 'ko sa 'yo ah. Kailan ka pa nagkaroon ng hang-ups sa isang lalaki? And to think that you haven't even dated him?" aniya, ngayo'y pinanliliitan na ako ng mga mata.

"Pansin ko lang, parang lagi kang nakapanig kay Raf." And with a blank expression, I pointed at myself. "Ako ba talaga ang kaibigan mo rito o siya?"

Parang demonyitang tumawa ang lukaret. Napangiwi na lang ako nang maisip na pareho silang masarap pag-untugin. Parehong mga siraulo.

"Hey girls!"

Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang malalim ngunit malamyos niyang boses. Ang iritasyon ko'y biglang napalitan ng kaba. Lalo na nang maaninag ko ang paglapag niya ng bag sa table. At bago ko pa man siya malingon ay naramdaman ko na ang pag-okupa niya sa upuang nasa tabi ko.

"Hi, Raf!" Mon beamed at him, sunod ay tapon sa akin nang makahulugang tingin.

"Tapos na kayong mag-lunch?" Sumulyap siya sa akin nang manatili akong tahimik. "May dala 'kong taiyaki, gusto n'yo?"

"Uy penge." Walanghiyang inilahad ni Mon ang palad at tinanggap ang binigay ni Raf. "Paborito ni Lew 'to."

Mabilis akong nilingon ng huli at inabutan niyon habang nakangiti. "Here."

Tinanggap ko iyon ngunit hindi kinain agad. Ramdam ko ang pagkakatagal ng tingin sa akin ni Raf habang nakatingin ako sa binigay niya. The fish pastry in wrapping paper stares back at me. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nadismaya. Paulit-ulit kong inisip ang mga sinabi ni Mon kanina. Maybe she has a point. Rafiele wants us to know each other as friends. Wala namang problema 'yon 'di ba?

Pero kasi... hindi ko maiwasang isipin na kung sakali bang makilala niya ako nang lubos... magbabago ba ang isip niya tungkol sa akin? Could that change his mind about pursuing me again? Or... maybe he already made up his mind that we're better off just friends?

"You okay?"

Nahugot lamang ako mula sa animong malalim na pag-iisip dahil sa biglaan niyang pagyuko para lang hanapin ang mga mata ko. Blinking in awareness, I tore my eyes away from his.

"Yeah," kaswal at halos walang emosyon kong tugon. Itinabi ko ang hawak na taiyaki nang nawalan ng gana sa mga naiisip.

"You sure?" he probed, hindi nag-aalis nang maingat at mapang-obserbang tingin sa akin.

Lumunok lamang ako at tumango, hindi makatingin sa kaniya. Nasulyapan ko ang tahimik na si Mon sa harap ko habang kumakain at nanonood sa amin. Pangisi-ngisi lang ang lukaret.

I heard him laugh under his breath. "Ayaw mo?" Sabay turo sa binigay niyang inilapag ko sa lamesa.

"Kainin ko mamaya, medyo busog na 'ko." Malamig akong ngumiti. Nang sumulyap ako sa kaniya'y naabutan ko siyang bahagyang ngumunguso habang nakatitig sa akin. Mabilis ako muling nag-iwas ng tingin.

Every Sunset was Once a SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon