"Nag-aayos ako ng papel para makaakyat ng barko. I was asking a favour from a friend's relative for a backer, dahil kailangan ng ganoon bago makasampa. I was in the area when tita called so..." Tamad siyang nagkibit-balikat bilang pagtatapos ng sinabi.
"Oh," tanging tugon ko ng mapagtantong matapos nga naman niyang maka-graduate ay muli siyang sasampa ng barko, dahil iyon naman talaga ang trabaho niya. I've thought about this noong kami pa at hindi ko lubos maisip kung paano ko napaniwala ang sariling kakayanin ko iyon. Gayong halos anim na buwan pa lamang siyang nawawala noon ay halos mabaliw na ako sa lungkot.
"Are you staying here for the summer vacation?" sa kaswal na tinig pa rin niyang tanong. "No grandeur escapades?"
Hindi ko maintindihan kung paano niya nasabi ng normal ang huling pangungusap. Walang kahit kaunting bahid ng kasarkastikuhan o pait ang boses niya. Maybe I'm the only one who still feel guilty here. While he looked really calm and composed. Ni hindi kailanman nawaglit ang diretsong titig niya sa mga mata ko na para bang balewala na sa kaniya ang lahat ng nangyari. Na ganito na lang kadali para sa kaniyang tignan ako ng walang pag-aalinlangan sa kabila ng history namin. Like he's moved on... unlike me who can't even look at him for more than five seconds without feeling the tremors on my knees.
"That's the plan," taas-noo kong turan kahit sa totoo lang ay para nang bibigay ang mga tuhod ko.
"Lewy! You're awake na pala! Good morning!" ani Mommy, malaki ang ngisi habang palapit sa amin. Kasunod niya ang isang kasambahay na may hawak na tray ng fresh juice. "Ang sarap ng tulog mo diyan sa couch kaya hindi na kita ginising."
"Mom." Pikit-mata kong nasapo ang noo at muling nasuklay ng daliri ang buhok.
At least wake me up if we're expecting someone! Lalo na kung si Raf!
"You sure ayaw mong kumain ng brunch, Rafiele?" Mom beamed at him.
"Thanks, Tita, but I already ate on my way here." Ngumiti namang pabalik ni Raf dito pati na kay manang na naglapag ng baso ng fresh juice sa mini table.
"Oh! The tuna you bought looks incredible! Ngayon lang yata ako nakakita ng fresh na gano'n. I mean, with all its parts intact, at least. Ikaw ba ang nakahuli noon?"
Raf nodded, an easy smile plastered on his face. "With the help of some of my mates po."
Mom looked surprised and really amused when she threw me a glance. I just looked back at her with confusion. What's so surprising about that? Seaman si Raf so fishing is just a given.
"You said you're taking care of your papers? How is it going? May date na ba ang alis mo?" Makahulugan pang sumulyap ulit sa akin si Mommy bago naupo sa couch na hinihigaan ko kanina.
I crossed my arms at them and waited for Raf's response.
"There's no definite date pa, Tita, but I guess it'll be in a month or two from now. Inagahan ko ang pag-aayos para after sana ng graduation ceremony makakaalis na ako agad."
Umirap ako sa hangin. At talagang nagmamadali siya ah! 'Di pa 'yan officially nakaka-graduate pero alis na alis na! Hindi ba siya pwedeng mag-stay kahit mga ilang buwan o isang taon bago siya aakyat ulit ng barko? Kung bakit kasi iyan pa ang propesyong gusto niya? Seamen almost lived in the ship! Ngayon ko lang napagtanto dahil ayaw kong isipin ito noon. At sa lungkot na sasapitin naming dalawa'y imposibleng hindi kami titingin sa iba. Kaya rin siguro... tinapos na niya bago pa man kami mahantong sa mas kumplikadong sitwasyon. But still!
Bumagsak ang mga balikat ko sa mga naiisip. Hindi ko na sinulyapan ang dalawang abala na sa pag-uusap nang tinalikuran ko sila, para sana magtungo na sa kwarto ko at ayusin na ang sarili.
BINABASA MO ANG
Every Sunset was Once a Sunrise
General FictionLewis has a strange fascination with death, because of the unexplainable emptiness she's been feeling inside for years. After finding out--on her 29th birthday--that she's sick and finally dying, she rode the bus home, hoping to reconcile broken rel...