"Why are you watching me sleep? You creep." Pagkangiwi ay nag-iwas ako ng tingin at itinawa na lamang ang hiyang nadama.
"You fell asleep easily whenever you're comfortable... it's cute," aniya, ang ngiti ay hindi kailanman nawaglit. Gayundin ang paninitig sa akin.
"What time is it?" pag-iiba ko na lamang ng usapan.
"Five minutes before nine."
Namilog ang mga mata ko roon. "Bakit hindi mo ako ginising?"
"Bakit kita gigisingin? Sarap ng tulog mo..."
"Creep," I said it with a straight face.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa sahig at mabilis na naupo. Ramdam ko agad ang paglapat ng braso at hita niya sa akin nang tinabihan ako sa couch, dahil sa bahagyang paglubog ng foam sa side niya gawa ng dagdag na timbang.
"What?" natatawa kong turan nang manatili ang mariing titig niya sa akin. Ngayon ay seryoso na at wala nang kahit anong bahid ng ngiti.
"What?" he echoed.
"Go home."
Umirap ako rito at tumayo para sana maghanap ng makakain nang makaramdam ako ng gutom. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay natigilan ako dahil sa pagsapo at bahagyang paghila niya pabalik sa braso ko.
"Raf, what?" I looked down at him while his eyes linger on my hand that he's now holding.
"I cooked your favourite. Care to eat dinner with me?"
I was taken quite aback. "Hindi ka pa kumakain?" And again, "Why didn't you wake me?"
He chuckled under his breath before lifting his head up to meet my gaze. "Tara?"
I nodded curtly. Muli sana akong maglalakad patungong kusina ngunit muli lamang niyang hinigit ang kamay ko.
"What?" lito ko nang tanong.
Ilang sandali pa siyang tumitig nang mariin at seryoso diretso sa mga mata ko bago nagsalita. "Let's eat at my unit. Do'n ako nagluto."
Kumurap-kurap ako roon at wala sa sariling napatango. Nang may mapansin at tuluyang mapagtanto ay may kakaibang kabang bumangga sa akin. Magsasalita pa lang sana ako ngunit mabilis nang nakatayo si Raf. And the next thing I know, hila na niya nang marahan ang kamay ko palabas ng apartment namin at papasok sa tabing unit nito.
"Bakit ang sarap ng mga luto mo? May nilalagay ka sigurong kakaibang ingredients dito," kumento ko.
"Mahal mo lang ako."
Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Ang lakas naman ng tawa niya sa sariling kakornihan. 'Kala mo naman nakakatawa.
"Yuck! Anong banat 'yan, Raf? High school lang? Yuck talaga! Nawalan ako ng gana!" inis kong reklamo sabay bagsak pa ng kutsara sa pinggan.
Tatawa-tawa pa rin ang ungas nang pinandilatan ako. Sa matigas at nang-aakusang baritono ay sinabi niyang, "Bakit hindi ba totoo?"
"Nakakakilabot!" buong puso kong deklara.
Tumalim agad ang tingin niya sa akin. Sabay pang-asar na ngumisi. "Nakakakilabot pala ah. Tignan natin kung makatikim ka pa ng luto ko ulit."
Ako naman ang nandilat sa kaniya. "Hoy ang pikon! Sinabi ko bang may problema ako sa luto mo? Corny ka bumanat pero ibang usapan ang pagkain!"
"Ako bang mahal mo rito o 'yung pagkaing luto ko?" A carefree laugh escaped his lips.
Maiinis pa sana ako, ngunit nang makita ko na naman ang pagliwanag ng mukha niya ay natagpuan ko na lamang rin ang sarili kong nakangiti. Sabay irap. "Dumbass. Kailangan bang pagpilian pa? O 'di syempre pareho!"
BINABASA MO ANG
Every Sunset was Once a Sunrise
General FictionLewis has a strange fascination with death, because of the unexplainable emptiness she's been feeling inside for years. After finding out--on her 29th birthday--that she's sick and finally dying, she rode the bus home, hoping to reconcile broken rel...