Present
Be honest with myself?
"Okay." Nagtaas ako ng isang kilay bago kumalas ng dantay sa lamesang nasa pagitan namin. Sumandal ako sa sariling upuan at seryoso siyang tinapunan ng tingin sa harap ko matapos. Ang mga braso ko'y nanatiling nakahalukipkip. "Go on."
Umawang ang mga labi niya ngunit hindi agad nakapagsalita. Kinailangan pa niyang magbitiw ng titig sa akin para lang magagap ang mga saloobin.
"Why did we end up like this?" Parang kinurot ang puso ko sa bahagyang pagkakabasag ng boses niya.
I shrugged nonchalantly, making sure my emotions are in check. "Like what exactly, Rafiele? Fucked up adults? Bakit? Hindi ka ba satisfied sa buhay mo ngayon?" I even had the wits to joke around. Kahit pa para na akong guguho anomang oras sa pag-alala pa lang ng nakaraan.
Ibinalik niya ang seryosong tingin sa akin. And when his grim eyes met mine, I unconsciously started to try and search for the nineteen year old Rafiele—the one who used to be my comfort back in the days. But I didn't find him because he's not there anymore—he's gone. He's no longer the boy who brings nothing but calm for me. In front of me here is a man who brings back so many beautifully-ill feelings I thought I succeeded burying a long time ago.
Napainom ako ng tubig para lang makaiwas sa mga titig niya.
"Tell me why you aren't married yet after so many years," matigas niyang sinabi.
Umiigting ang panga niya nang sumulyap ako. Sandaling nagtagal ang tingin ko sa sariling ring finger pagkababa ko ng baso. Sunod akong sumulyap sa magkasalikop niyang mga palad na naroon sa lamesa. At nang makita ko kung ano ang naroon ay hindi ko mawari kung anong unang mararamdaman ko.
Bakit hindi ko napansin agad kanina?
"What is this farce about?" Sarkastiko at halos manliit ang tinig ko. Ang tawang lumabas sa akin ay puno ng pait at galit. Ang pagbabadya ng luha ay ramdam ko na ngunit nanatiling matigas at malamig ang ekspresyon ko.
"Sabihin mo sa 'kin kung bakit, Lewis," he demanded. "Aren't you the one to call it off between us for someone else? Then how come you aren't—"
Naibagsak ko ang nakakuyom kong kamao sa lamesa dahil sa galit na tila nagliyab bigla sa akin gawa ng mga sinabi niya. "What use in it for you to even know why?! You're already married and settled! Ano pang gusto mong sabihin ko ngayon, Rafiele?!"
Natahimik siya sa sigaw ko ngunit ang ekspresyon niya'y hindi nagbago. Sinalubong niya ng seryosong titig ang nanggagalaiti kong mga mata. Marahas ang paghinga ko at ang kalmanteng posturang kanina ko pang pinepeke ay tuluyan nang naglaho.
Galit na galit ako. Sa mga tanong niya. Sa mga naging desisyon ko. Sa sitwasyon. Sa buhay ko.
Kung alam ko lang noon na ganito lang pala kaikli ang buhay ko, sana'y naging makasarili ako. Sana ginawa ko lahat ng gusto ko. Sana hindi ako naging duwag. Sana sumubok ako. Sana... sana nabuhay ako. Sana hindi ako tumigil mangarap. Sana hindi ko tinalikuran ang mga taong mahal ko. Sana nagpatuloy akong tumingin sa kung anong ikinaganda ng mundo at hindi ang ikinapangit nito. Sana hindi ko hinayaang malamangan at nakawin ng masasalimuot na alaala ang magagandang mayroon ako.
"Gusto kong sabihin mo sa 'kin ang totoo, Lewis. Ang totoong dahilan kung bakit tayo nahantong kung nasaan tayo ngayon." There was pain and sorrow in his bloodshot eyes, as mine blurred with the brimming tears I can no longer control and hide.
Nasapo ko ang mga hikbi at pilit sinubukang kalmahin ang sarili sa pag-iyak kahit alam kong imposible. Umiling ako nang paulit-ulit dahil ayaw ko nang balikan ang lahat. Ayaw ko nang buksan muli ang mga sugat. Bakit pa kung huli na naman ang lahat?
"It's been years, Lew... and all I ask of you is to tell me the truth."
I've decided a long time ago that his happiness will also be mine. No matter where he find it, even if it's with someone else. Pero sino bang niloloko ko rito? I let him go to be with someone else. Pero walang araw na hindi ako nadudurog at nagsisisi sa ginawa kong desisyon. Ilang beses kong sinubukang bawiin 'yon pero naduduwag ako. Ayaw kong maging makasarili. Ayaw kong ipagkait sa kaniya ang bagay na nararapat para sa kaniya.
But knowing now that he finally met someone he can be happy with, hindi ko na kailangang magpanggap pa na masaya ako para sa kanila. Because even if he's married or not, it won't change the fact that I'm dying. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pa ba namin kinailangang magkita ulit. Para saan kung wala nang mali ang maitatama pa?
I closed my eyes tightly as I tried to muster all the strength I have left to finally tell him the truth. But with every painful memory, there were always fond memories that precedes it. At kasabay ng pag-alala ko ng mga ito ang pagbalik ko sa malayong kahapon. Sa dating ako at siya. Sa kami na ngayon ay wala na.
![](https://img.wattpad.com/cover/241364578-288-k668457.jpg)
BINABASA MO ANG
Every Sunset was Once a Sunrise
General FictionLewis has a strange fascination with death, because of the unexplainable emptiness she's been feeling inside for years. After finding out--on her 29th birthday--that she's sick and finally dying, she rode the bus home, hoping to reconcile broken rel...