22 : Flown away

35 5 0
                                    

I was not myself for days. I stayed at our apartment, locked inside our spare room. Ayaw kong kumausap ng kahit na sino lalo nang ayaw kong gawin ang kahit na ano. I just want to lay here alone and do nothing... to feel nothing.

Until there's a sudden knock on the door.

"Lew... it's me... I'm home."

Mula sa pag-upo at pagdungaw mula sa bintana ay napakurap ako pagkarinig sa boses niya.

"I'm coming in."

Nanatili ako sa pag-upo at ni hindi nagtangkang gumalaw, tumayo o salubungin ang pagbabalik niya.

I heard the door creak open. Kasunod nito ang magkakasunod at maingat na yabag niyang papasok, palapit sa inuupuan ko.

"Lew... I'm here, I'm home."

Binalingan ko siya ng tingin nang manuhod siya sa harap ng inuupuan ko. Sinapo niya ang kamay kong walang buhay na nakapatong sa kandungan ko at nanatiling bagsak doon ang mga mata niya.

"You're back..." I tried to smile at him but I just couldn't force it out on me. Ayaw ko siyang salubungin nang ganito. Ayaw ko pero hindi ko rin kayang ngumiti at magkunyaring masaya sa harap niya.

"Lew..." Mas humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

"Hmn?"

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin at nagkasalubong ang linya ng mga mata namin, ay para akong mauupos sa nakitang ekspresyon niya. His eyes are bloodshot with pain, regret, sorrow and devastation all together, all at once.

"I'm sorry..." Ang pagkakabasag ng boses niya ay siya ring pagkawala ng mga emosyong pilit kong itinago at isinantabi sa mga nakalipas na araw.

Ni walang emosyon ang mukha ko nang maramdaman ko ang pag-init ng mga mata, at ang sunod-sunod at tila pag-uunahan sa pagtulo ng mga luha mula roon.

"We lost her..." tanging nasabi ko sa boses na tila nagdaan lamang sa hangin dahil sa hina. "Our little pumpkin... she's gone, Raf..."

He wrapped his arms around me and pressed his face on my belly, where our angel used to be. Nanginginig ang mga balikat niya dahil sa paghikbi gayundin ang boses habang sinasabing, "I'm sorry, Lew, I'm so sorry, dapat nandoon ako para sa 'yo, dapat hindi ko kayo hinayaang mag-isa... I should've protected you two... I should've been there... I'm sorry... I'm so sorry..."

Gamit ang nanlalamig na mga kamay ay nasapo ko ang mga hikbi at umiyak nang umiyak hanggang sa maubos ako. Hanggang sa mamanhid ako sa sakit at pagkakawasak. Hanggang sa matapos ang pagguho ng mundo sa harapan ko.

I was a wreck for months that I needed to drop my subjects and took a break on my studies for a while. Raf stayed with me all the while. Kung malala si Mon pati nang mga block mates ko noon sa pagbabantay sa akin ay mas malala siya. Minsan kahit sa CR ay ayaw niya akong iwang mag-isa.

"Raf! Magsha-shower ako, lumayas ka rito! For fuck's sake!" sigaw ko ng isang beses ay mapika na ako.

Namilog sa gulat ang mga mata niya sa biglaang iritasyon ko.

"Bakit ka nagagalit, kukunin ko lang naman 'tong razor!" mabilis niyang palusot sabay hanap ng razor kuno sa sink.

I just looked at him flatly with crossed arms.

Tumigil siya sandali sa ginagawa at mabagal akong nilingon. And with an impish smile he said, "Sabay ako?"

Pinandilatan ko na. Sabay gigil na itinuro ang pinto. "Out!"

The fiend even had the guts to laugh humorously at my aggravation.

"Okay, okay! Ito na, lalabas na! Calm your horses!" aniya habang nakataas ang magkabilang braso sa ere bilang pagsuko, hawak pa ng isang kamay niya ang razor na kinuha kanina.

Every Sunset was Once a SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon