chapter 24

313 8 0
                                    

Cee's POV

"Oh??di parin ba kayo nagkakaayos??"
Wala akong imik habang kumakain ng breakfast at umiling nalang sa tanong ni kuya

'Caused you ruined my trust'
Paulit ulit sa pandinig ko ang mga salitang tinuran niya na parang nakatatak na ito at Hindi ko na maiilaalis pa
Naintindihan kong galit siya pero paano naman ako??paano naman yung nararandaman ko??
Wala akong kaedi ediya sa nangyari,pero heto ako't naghihirap na suyuin siya.

Napabuntong hininga nalang ako at ibinaba ang kubyertos na hawak ko
Wala pa ako sa kalahati ng kinakain at halos dalawa o nakakatatlong subo palang ako ng nawalan ng gana..ganito nga talaga pagbroken hearted, di mo mararamdamn ang gutom

"Buti naman at pupunta ka sa laro nila,akala ko magmumukmok ka na naman sa kwarto mo"
Nag aalalang pahayag niya sa tumayo

"May deal kami eh"
Tumayo narin ako at bagot na isinabit ang bag sa kanang balikat

"Ha?? Anong deal??may deal kayo?"

"Oo,pag pumunta ako sa laban niya ngayon,titigilan at lalayuan niya na ako" mahinahong sabi ko na ikinakunot noo niya
.
"Ayy potekk,akala ko ba gusto mong magkaayos kayo??tapos ngayon sasabihin mo nakipagdeal ka para lumayo siya??putcha—ayy ang gulo"
nalilitong sabi niya pero di ko na pinansin at nagpaalam na umalis

Putang*na,di ko pala alam ang school nila,paano ako pupunta??
Akmang sasakay na ako ng sasakyan nang may pumaradang Lamborghini car sa harap ko
Isinara ko ang pinto ng sasakyan ko ng mapagtantong si Rex ang lumabas mula roon
"Good morning"
Bati nito pero nilampasan ko nalang siya at derederetsong pumasok sa loob ng kotse niya
"Walang maganda sa morning"

******
Nakarating kami sa Zhao Ling University kung saan gaganapin ang laro,nang ilibot ko ang mga mata ko,..napakaraming istyudante sa ibat ibang unibersidad agad ang bumungad sakin
Nakasuot ang mga ito ng ibat ibang varsity jacket na may tatak ng mga schools nila

Nakokonsensiya ako dahil imbes na puntahan ko at suyuin si Dee —narito ako't kasama ang taong dahilan ng pagtatalo namin, para lang supurtahan siya maglaro,Hayystt, Nakakaarar naman

"Diyan ka na maupo sa bench namin,..para madali kitang makita"
Napairap nalang ako at sinunod ang sinabi niya.
"Tsh, Whatever"

Ngumiti lang ito at hinubad ang varsity jacket niya
"Suotin mo,..malamig dito sa loob e"
Magpoprotesta na sana ako ng kinuha niya ang mga braso ko at isinuot ito sa akin
"I don't need th—"

O______O
Natigilan ako ng mahagip ng tingin ko ang nagbubulungang kateam mates ni Dee na ngayon ay nasa amin na ang paningin..
"Oyy pare,shota mo oh"

O____O
Nagulat ako ng makita si Dee na may hawak hawak na meneral water sa kamay habang masama ang tingin ng lumingon ito sa amin..bakas ang galit,pagtataka at katanungan ang makikita sa mga mata niya
Wala na sa tabi ko si Rex dahil tinawag na ito ng coach nila

'Fuck,..bakit di ko man lang naisip na pweding nandito tin sila?? '
Napatingin ako sa jacket na suot ko at napasapo ng noo ng makita kung anong tatak nito
'URR'

"ZaDee, lapitan mo na"

"Shut up"
Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kanila pero agad ring natigilan ng mapansin ang mga mata nila'y nasasuot Kong jacket na may pagtatanong

"Hala ka Racee,..kinakalaban mo na ba ngayon ang school natin??bakit ibang team ang sinusuportahan mo??"
Gulat na tanong ng isa sa kateam niya, nahagip ng mata ko ang pag iwas ng tingin ni Dee

"Diyosmiyo.. Mahabagin,Anong nangyari at naging URR na sides mo??Isa kang taksil,..paglalabag sa batas iyang ginawa mo"-Raven

" Ang pagkampi sa kalaban ay Hindi katanggap tanggap" pailing iling na turan ni Arvin

" tsh, .napilitan lang ako,It's a part of our deal" mahinahon Kong saad na nakay Dee ang tingin,nakaupo lang ito pero halatang nakikinig sa sinasabi ko

"Deal??anong deal??"-Leo

" Oo nga,..RaCee bakit ka nakikipagdeal sa kalaban??"-Cleo

"Dahil kailangan... Para sa katahimikan at kapatawaran..gagawin ko..makasama lang ang taong mahal ko," sinasabi ko iyon ng Hindi inaalis ang tingin sa kanya,
Nanunukso naman ang kaibigan niya ng tumalikod siya sa dereksiyon namin

"Oyy..hanep ang lalim nun ah,..wait,di mo pa sinasagot ang tanong ko,anong deal ba yun??"

"Sabi niya kapag pumunta ako rito't nagcheer sa kanya,.. Lalayuan niya na ako"
Natahimik naman ito pero Hindi nagtagal ay bumalatay ang kakaibang ngisi sa mga mukha at Sabay sabay na lumingon Kay Dee
"Oyy,ZaDee,... Narinig mo ba yun??lalayuan na daw si babe mo"

"Luhhh..sana all maylovelife—yieeeee"

"Wala ka nang dapat ipagselos dahil mawawala na sa landas mo ang malaking aso,..yieeeee"

"Oyy tigilan niyo na si Dee,.. Baka maihi pa sa kilig yan..hahaha"

"Shut up"
Natahimik naman ang mga toh sa isang sigaw niya at pasekretong nagtawanan

Dee's POV

"Si RaCee ba yun??"
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig,at nalingon din sa dereksiyon na itinuro ni captain..
"Ayy. Potekk,bakit nasa kabilang bench siya?? Kalaban natin yun diba?"

Nagsalubong ang kilay ko sa nakita ,
'Ang akala ko'y Hindi siya makakarating dahil wala namang nagsabi sa kanya tungkol sa detalye ng laro,..pero imbes na lumapit sa amin at sumuporta,ayun siya't nakaupo kasama ang kabilang team,..

Di ko akalaing magkakaharap kaming muli ng gagong Rex na yun pagkatapos niyang mahospital,..nagtataka lang ako kung bakit magkasama na naman sila

Ang buong akala ko'y lalayo na siya sa lalaking yun,..pero bakit?bakit paulit ulit lang nila akong ginagago?? At ang masaklap pang parte roon ay Hindi siya narito para sakin —kung Hindi dahil sa kanya, napakasaklap isipin ang bagay na yun

******
Inaamin Kong nabuhayan ako ng loob nang sabihin niyang tungkol sa deal nila,..ngayon ay may kung ano sa loob Kong tumatalon sa saya matapos niyang sabihin ang mga salitang masarap sa pandinig ko

Nagsimula ang laro na Hindi ko inaalis ang galit sa mga mata ko tuwing si Rex ang kaharap ko at nagpapaagawan ng bola...
Napuno ng hiyawan ang kabilang school ng makapuntos siya ng sunod sunod na tira na ikinaasar ko,
Lumingon ako sa gawi ni Cee at nahuling nakatitig din ito sa akin,..halatang kabado ang hitsura nito pero umiwas lang ako ng tingin

"Damn it"
Napasabunot ako sa sariling buhok ng makitang 6 puntos ang lamang ng kabilang team sa amin,...
"Haysstt.. Badtrip naman oh, bakit ganun??nakatsamba sila ng 94??hanep"

"Peste,..ang galing" binatukan naman ni siya ni coach matapos papurihan ang kaaway
"Gago,..tumino ka"

"Huling round na toh kaya dapat makahabol agad tayo—o kung kaya niyong lampasan gawin niyo na..kailangan manalo tayo ngayon dahil nakakahiyang dalawang beses mauulit ang pagkapahiya ng skwelahan"

Nagsitanguan naman ang lahatMayodeterminadong nagsitayuan,
"Tol,wag mong ipakita sa shota mong mas magaling ang Rex na yun keysa sayo ah,nakakahiya"
Paalala ni captain habang tinatapik ang balikat ko

"Tsk,..kung Hindi ko man siya matalo sa larong ito,..sisiguraduhin Kong ako ang mananalo sa babaeng gusto ko"
.
.

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon