chapter 26

339 12 0
                                    


.
Dee POV

"Tsh, ano yan??"
Kunot noo Kong tanong Kay Cee ng ilahad niya sa harapan ko ang bungkos ng bulaklak na kulay asul,..
Panay pang aasar naman ang mga kasama ko sa likod at tinutukso kaming pareho
Nasa room kaming lahat habang hinihintay ang ikatlong subject teacher, pero ang potekk,..dalhan daw ba ako ng bulaklak?? Nagmamadali ba siyang mamatay ako??

"Flowers for you my loves"
Napairap naman ako ng kumuha ito ng silya sa likod saka inilagay sa harapan ko para upuan niya..
"Yieeeee,..ZaDee, tanggapin mo na oh,.alam mo nagditch pa yan sa klase nila para lang mapuntahan ka rito"

"Oo nga eh,..may quiz pa naman sila ngayon, .kawawa naman kung di mo kakausapin"

"Wag mong sayangin yung 50 points na iniwan niya para sayo.."

"Pare..kung ayaw mo ng bulaklak akin nalang ah,..at nang makatanggap naman ako ng magandang regalo kahit isang beses lang sa buhay ko..hehehe"

Sinamaan ko naman ito ng tingin dahilan para yumuko siya
"Tsk,Ano namang gagawin ko diyan??"

"Ibigay mo sakin"
O______O

"W-What??"
Di makapaniwala Kong saad at pati bibig ng mga kaklase ko ay nakakorting 'O'

"Ibigay mo sakin,..para romantic.. Binili ko ito para ibigay mo sakin,kaya naman tanggapin mo na tapos isurpresa mo ko"
Nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang yun na ikinaling ko

"Are you crazy??"

"Crazy for you?—yes my loves"

"Stupid!"

"Stupidly in loved with you baby"

"Shut up,!!"
Bago pa siya makapagsalita ulit nakapasok na sa room si prof at halata sa mukha nito ang gulat at pagtataka dahil napansing narito si Cee,
Napasapo ako sa noo ng Hindi manlang ito tumayo para umalis —bagkus ay nakuha niya pang ngumiti at nakipagbatian sa guro

"Good morning Sir" magiliw niyang bati na sinabayan ng iba Kong classmates

"Miss RaCee, what are you up to?"
Tumingin ito sa akin pero umiwas lang ako sa ibang dereksiyon
Ayun na naman ang nang aasar na tinig ng kaklase ko na papalakas na papalakas

"I'm here for my baby Dee"
Ramdam Kong nakatitig na siya sakin
At nang magtama ang paningin nami'y tinaasan ko siya ng kilay

"Oh..but you have your quiz with Sir Horan..nakita Kong nagsisimula na ang klase niyo kanina pa ng mapadaan ako roon.. Ano't pinili mong pumunta rito imbes na magtake ng quiz?"

"Tapos na po akong mag take ng quiz Sir,.. Nagpaalam na akong mauuna na dahil may MA's mahalaga pa akong gagawin".
Lalong umugong ang hiyawan at panunukso sa paligid dahil sa sagot niya..
Di ko pa ba nasasabi sa inyo??
Tito niya ang dean sa school natoh kaya naman ganun nalang kalakas ang loob niyang gawin ang bagay na iyon

" kung ganun,..ano't narito ka pa??magsisimula na kami ng klase ija"

"I'm staying... Gusto Kong makitang mag aral ang boyfriend ko prof..."

"Tsk"
Bigla ay may bahagi ng puso Kong tumalon sa tuwa dahil sa narinig at pilit pinipigilang magpakawala ng matamis na ngiti dahil anumang oras ay aasarin lamang ako nito
Sa huli ay wala ng nagawa pa si prof kundi hayaan siya at tulad ng sinabi niya tahimik siyang nanatili sa tabi ko at pinapanood bawat kilos at galaw ko
Dahilan para lalo akong mailang
Di ko maiwasang mag iwas ng tingin sa tuwing magtatama ang mga mata namin..pinilit ko nalang ang sariling wag siyang pansinin at mag concentrate pero ganun nalang ang inis ko ng puro Mali ang naisusulat Kong sagot sa papel
"Can you please stop staring at me??"
Madiin Kong saad

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon