chapter 40

367 10 5
                                    


Chapter 40

Cee's POV

Rinig na rinig ko ang usapan sa pagitan ng mga pulis at ng kapatid ko pero ayaw pang magmulat ng mga mata ko...di ko pa kayang harapin ang lahat,ayaw kong marinig sa ikalawang pagkakataon na ipaalam nilang muli na wala na ang dady ko,ayaw Kong harapin ang katotohanang kaming dawa nalang ng kapatid ko ang natitira sa pamilyang kinamulatan ko—hindi ko napaghandaang masaktan ng ganito

Ayaw tanggapin ng isip Kong kagagawan iyong lahat ni Dee, ng pinakamamahal at pinagkalatiwalaan Kong tao sa lahat,
Noon akala ko ako lang yung kayang makasakit sa aming dalawa gaya ng nagawa ko ng nakaraan pero heto't tripling sakit ang pinaranas niya sakin

"RaCee?? I know you're awake,tell me may masakit ba sayo?? Cee please stop crying... Di ko kayang makita kang ganyan..may dapat pa akong sabihin sayo kaya kailangan tibayan mo yang loob mo—"

Kahit mabigat sa dibdib ay kinaya Kong tignan siya sa mga mata at dumagdag pa yung malamang puno ng luha ang mga mata niya,ngayon ko lang ulit nakitang namumugto,at pulang pula ang mga mata niya sa kakaiyak,
Kahit di ko siya tanungin alam Kong sobra ang sakit na nararamdaman niya ngayon pero pinipilit na maging malakas dahil sakin-dahil nandito pa ako't kasalukuyang nagpapagaling

"K-kuya"
Puno ng emosyon Kong sambit at dinamba siya ng yakap habang patuloy ang walang tigil na hagulgol

"RaCee,s-si Dady.... Wala na si dady"
Ramdam ko ang matinding lungkot at hirap sa bawat salitang sinasambit niya

Tanging hagulgol at pagtatangis lang naming dalawa ang maririnig sa kabuuan ng kwarto,..ni Hindi niya na nagawang tawagin pa ang doktor para ipaalam na gising na ako,pero wala na akong pakialam sa sugat ko

'Dadyyyyy,I-I love you dad,kahit di kita nakasama ng matagal,kahit di mo ako nagawang samahan sa graduation ko,kahit di mo man mapanood ang bawat tangumpay ko,kahit di mo man ako makitang lumalakad sa altar,kahit di man kita makasama sa kasal ko dad— I love you!! Di ako naniniwalang magagawa mong manakit ng ibang tao—naniniwala ako sayo dahil ama kita at buo ang tiwala Kong mabuti kang tao,dadyyyyy,,,..kababalik mo nga lang bakit umalis ka na naman??okay lang saking sa ibang bansa ka magstay dahil tanggap ko—pero dad naman!! Yung tuluyan kang mawala sa buhay namin ang pinakaayukong tanggapin'

"Tahan na,RaCee,.. Isipin nalang natin na masaya na sila ni momy kung saan man sila ngayon,—"

"Kuyaaa...*huk* yung sinabi ng mga pulis... Hindi naman totoong magagawa yun ni dad diba?"

"Shhh...kahit nagkulang man siya ng oras at atensiyon satin,alam Kong mabuti siyang tao,..kaya Hindi ako maniniwala sa ibinibintang nila,di ko din alam kung anong gagawin ko sa gagong nobyo mo,"
Natigilan naman ako sa sinabi niya at saka unang kumalas sa yakap para tignan siya ng deretso sa mga mata

"Kuya.... Si Dee—nasaan siya??pupuntahan ko si Dee, sabihin mo sakin kung nasaan siya"
Malamig Kong tanong na ikinaseryuso ng mukha niya,nag aalangan ang hitsura nito kung sasagutin ba ang tanong ko o Hindi

"Magpahinga ka na muna"

"Nasaan si Dee???"
Giit Kong tanong ng akmang tatalikod siya

"At anong gagawin mo sa Sandaling magkaharap kayo??"

"Wala ka nang pakialam roon,"
Dahan dahan Kong inalis ang swero at kung anomang bagay na nakakabit sa katawan ko,napangiwi ako sa sakit ng kumirot ang sugat ko pero Hindi ko pinahalatang nasaktan ako

"Kung ang galit mo ang mag uudyok sayo para manakit—please lang wag mo nang ituloy,..alam nating pareho na mahal niyo ang isa't isa,wala kayong magagawang maganda sa sitwasyong ito"

Kahit nasa loob na ako ng cr para magbihis..dinig na dinig ko parin ang sinasabi niya

Bakas sa mukha niya ang pag aalala ng magtama ang mga mata namin pero di ko ito pinansin

"Ang salitang pagmamahal ay mawawalan ng puwang at halaga kung ang taong malapit sayo ang sinaktan mo,sarado na ang isip Kong unawain pa ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pag intindi...mula ngayon wala na akong kikilalanin pang iba bukod sayo,kaya wag kang ginawa ng dahilan para mawala pa iyon.....aalis na ako"

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon