chapter 28

338 8 0
                                    


Dee's POV

Pagkarating namin sa hospital Di ako magkandaugaga sa pabalik balik maglakad sa pag aalala kung okay lang siya..
Lalo pa't namumutla na ito mula pa kanina habang nasa byahe kami

'Kung sinong putang*nang may gawa nun sa kAnya ay sisiguraduhin Kong tripling sakit ang ibabalik KO kung sino man siya,'
Tinawagan ko na si shan para pumunta na rito kaya anumang oras siguradong parating na yun

Kahit loko loko ang isang yun,alam Kong di niya gustong maymangyaring masama sa kapatid niya lalo pa't silang dalawa lang ang magkasama sa bahay,ang mga magulang nila'y nasa France..kung ako ang tatanungin,mas mahal nila ang negosyo kesa sa sariling kadugo,inuuna ang pera kesa pamilya,
At sa madaling salita—second priority lang silang dalawa'

Di ko alam kung anong nararamdaman ko sa ikinilos niya kanina,may lakas pa ng loob na mamilosopo kahit nag aagaw buhay na siya ,kung Hindi nga lang siya nasaksak kanina ko pa siya kinutusan,

'Hayyysst,ano ba kasing pumasok sa isip niya'y nakipagbuno pa,tapos imbes na dumeretso sa hospital para maagapan agad,ayon siya't naglalakad mag isa sa gilid ng kalsada habang namumutla sa kawalan ng dugo...Kung Hindi ba naman Siraulo?
Siya lang ang nag iisang taong nakilala Kong may pagkainutil at matigas ang ulo pagdating sa kaligtasan,naalala niyo pa yung nagkasakit ako dahil sa kanya?? Walang pakialam diBA??
Pero pagdating sa pakikipagkumpetensiya at pakikipag away,..di yan aatras sa laban'

Nang lumabas na ang doktor aligaga akong lumapit para kamustahin ang kalagayan niya(si cee)
"Hmm,she's now okay,natahi na namin ang sugat niya't natigilan narin ang pagdurugo,..buti nalang talaga maaga niyo siyang nadala rito sa hospital dahil kung Hindi ay maari niya itong ikamatay,,"

'Tsh,Anong maaga roon??Isang oras na nga ata ang lumipas bago kami makarating rito eh'
Di ako nagsalita at iniintay ang sunod niyang sasabihin

"Nasalinan na siya ng panibagong dugo at Kailangan niya nalang munang magpahinga dahil baka bumukas ang tahi ng sugat niya"

"Thank you doc,pwede na po bang pumasok?"
Tumango tango lang ito at tinapik ako sa balikat saka umalis
Pumasok na ako sa kwarto at nadatnan ko pa siyang totok sa cellphone habang nakahigang panlalaki
Ng mapansin nitong presensiya ko nag angat siya ng tingin at enosenting ngumiti

"Baby!? Hehehe, akala ko umalis ka na pagkatapos mokong ihatid eh,hehehe"

=_____=
'Yun ba ang kailangan ng pahinga?parang MA's malakas pa siya sa kalabaw ah,Bakit parang wala man lang nangyaring masama sa kaniya??kung makaakto'y parang Hindi nag aagaw buhay kanina sa sasakyan ah?halos magkatumba tumba na na ako sa pagmamadali maitakbo lang siya sa loob ng hospital tapos makikita ko siya ngayon nagcecellphone?
Ibang klase,mukhang nagkakamali ata ako ng isiping tulog siya ngayon at nagpapahinga'

"Kumusta na ang sugat mo??masakit ba?"

"Tanungin mo yung sugat ko baka sakaling sumagot sa tanong mo"

"Tsk" yun lang ang nasabi ko at inis na naupo sa sofa kaharap ng kama niya
NASA private room kami kaya parang kwarto na ang desenyo nito
Dito din akonnagstay nung araw na nagkasakit ako remember??

"What are you doing??"
Tanong KO ng Hindi nito maalis ang mga mata sa hawak hawak na phone

Sumulyap siya sakin bago itinago ang cellphone sa likuran at ngumiti
"Wala"

Di na ako nagsalita at inabala ang sarili sa pagbabalat ng prutas para ipakain sa kanya
"Dee" tawag nito sakin,

Lumingon ako saglit at napansin ang seryuso nitong mukha
"Why?"

"I'm sorry"
Natigilan ako at Hindi makapagsalita,
Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Chapter 28

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon