chapter 32

326 10 0
                                    

Cee's POV

"Deeeee!!?baby help me,huhuhu"
Nag iinarte Kong sigaw ng makitang patakbong lumapit sa kinaroroonan namin ang boyfriend ko.

Nang tuluyan nang nakalapit ay mahigpit ako nitong inakap bago isa isang binigyan ng nakakapasong tingin ang mga istyudante sa paligid .Di naman magkandaugaga sa pag I was ng tingin ang iba ng Hindi makayanan ang masamang titig nito

Nagtiim bagang siya ng mapansin ang kamay kong nakaposas at kaliwa ring kamay ng junior student
"Where's the fucking key??give it to me right Now!!"
Natataranta ang lahat sa galit nitong sigaw at dalidaling iniabot sa kamay niya ang di mabilang na susi

"Which one??"
Ng Hindi makasagot ang lalaki sa tanong niya'y kinunutan niya ito ng noo,

"Y-yung maliit—"

"Damn,..pinaglololoko mo ba ako??puro maliit ang mga ito kaya paanong Kong makasisiguro kung alin sa kanila??Stupid"

"Yung silver na katabi ng gold"
Ng mahanap ay maagap nitong iniunlock ang posas na ikinangiwi ko dahil mamula mula na ang parting iyon

Nang napansing di pa umalis ang lalaki sa tabi ko'y tinaasan niya ito ng kilay na animo'y naghahamon ng away

"Tsk, sa susunod na makasalubong pa kita, di ako magdadalawang isip na itali ka sa pinakamataas na puno at nang magtanda ka,tutal ay yun naman ang gusto mo Hindi ba?"

Nanlaki ang mga mata nitong kumaripas ng takbo palayo hanggang sa Hindi ko na matanawan ng tingin..
Napapailing nalang akong lumingon Kay Dee..

Nakasuot ito ng t-shirt na itim na may logo ng dragon sa gilid,itim na jeans at itim na sapatos, napangiwi nalang ako at umirap

'Akala ko ba Valentines day ngayon?? Bakit parang pupunta ata siyang lamay ng patay?? Magdedate kami ng ganyan??Ang bitter naman ng lalaking ito,tsk tsk tsk,  masyadong niyang kinikimkim ang pagiging badass bad guy'

"Hoyy,Dee, wag ka nang KJ diyan,tigil tigilan mo na ang pagdadamot sa girlfriend mo dahil baka magkasawaan kayo't mahantong pa sa hiwalayan,...hayaan mo siya sa amin dahil magbeenjoy siya rito,.. Para kang buntot na Hindi kayang mahiwalay ng matagal sa pwet niya..dumistansiya ka nam—"

"Kung Hindi ka pa tatahimik,..malilintikan ka na talaga sa akin..makikita mo"
Mataray na banta ko bago niya pa matuloy ang sasabihin,..
Hinila ko na si Dee paalis sa booth ng magtangka itong mananapak ng binabae(bakla)

Nakarating kami sa mall gamit ang kotse niya,—malamang alangan namang kotse ko??eh sa wala ako nun eh

"Nasaan na??"-magiliw Kong tanong habang nakakapit sa braso niyang Sabay kaming naglalakad papasok

" Alin??"

"Yung regalo ko??"-nakanguso Kong sabi ng Hindi niya pa nakuha ang ibig Kong sabihin

" Anong regalo?di pa naman pasko ah? At isa pa malayo pa monthsary natin diba??"
Naguguluhan nitong pahayag ng nasa daan lang ang tingin

"Valentines ngayon babe"

"I know"

"Yung gift ko?"

"Wala"

"Anong wala??"

"Di ko alam na kailangan pala nun pag Valentines?? Wala naman kasi akong pakialam sa mga ganito—"

"So wala kang pakialam sakin??"
Masungit Kong sabi na ikinahinto niya sa paglalakad,tinignan niya ako at sinuri ang kabuuan ng mukha ko,
Nasa gitna kami kaya ang mga nagdadaang mga tao'y napapalingon nalang at nakikinuud sa kung ano kang mangyayari.

"Of course not,..syempre may pakialam ako sayo dahil mahal kita,..you're my only one —"

"Eh bakit wala ka manlang regalo kung ganun??"
Napapataas na ang boses ko na ikinaagaw ng atensiyon ng iba..pero wala akong pakialam sa kanila noh..gagawin ko kung anong gusto ko
Bumuntong hininga muna ito bago ngumiti

"Do you really want me to buy you a gift?"
Nagtagis bagang naman ako at kumuyom ang palad sa halo halong emosyon

"Huwag na lang..Wala din naman akong pakialam sa Valentine na yan,..walang forever sa mundong ito,..maghihiwalay din ang mga yan makikita mo"
Tunog sarkastimo Kong tugon saka tumalikod at naunang maglakad papuntang escalator

Ramdam ko ang pagsunod nito sa likuran ko pero di ko nagawang lumingon
"Are you mad??"
Di ko siya sinagot at itinuun ang atensyon sa unahan kung saan kapansin pansin ang magkakapares na kabataan,at matatandang sweet na sweet sa isat isa na parang ayaw maghiwalay..ang iba pa'y terno ang suot,..halos magkakaparehong pula ang kulay ng mga eto dahil nga araw ng mga puso ngayon..
Pero ako??—walang puso-puso na yan sakin,..dahil yung boyfriend ko!!—matagal nang walang puso!!Di man lang nakiramdam..PSH

"Okay...I'll buy you flowers, chocolate, text bears, balloon at kahit ano pa..just don't be mad at me please?, babe"

"Ang sabi ko'y huwag na..ayuko din namang mag celebrate  ng pesting Valentine na yan,..lilipas din naman"
Masungit Kong tugon na ikinatingin ng iba at nagsisibulungan pa sa kanya kanyang mga kasama

"Ayy..diyosmiyo,,.. Sa araw pa talaga ng mga puso nakuhang mag away Oo"-Lola

" hayaan mo na't ganyan talaga pag kabataan..di maiiwasan ang pagkagalitan.."-tita
.
"Ipanalangin nalang nating Hindi maghiwalay ang dalawang yan ngayon"-lolo

" bakit ba kasi nagpapakipot pa yung isa? Samantalang di naman maipaliwanag ang hitsura nung lalaking di alam ang gagawin,, "-ale

" nakakatuwa silang panoorin,Hindi ba?"

Napairap nalang ako sa kawalan
'Anong nakakatuwa roon?mga baliktad utak ng mga ito,kung wala lang akong respeto ay kanina ko pa sila tinarayan'

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon