chapter 34

301 8 0
                                    

Cee's POV

Nanlaki ang mga mata ko matapos makilala ang mga lalaking nasa harapan ko...parepareho silang nakangiti NASA akin ang paningin —charottt...^_____^

"Vince??, Harry??Kyle?? At...."
Napangiwi ako ng Hindi makilala kung sino ang dalawang lalaking kasama nila
"Sino kayo??"

Nakataas kilay Kong tanong habang nakaturo sa dalawa..natatawa naman itong inilahad ang palad sa harap ko para makipagkamay
"I'm Dan Ashley,.. Kapatid ni Vince" Aniya nakablond hair na may piercing sa kanang tenga..

"Lai Hann,best friend nila Kyle, nice meeting you miss beautiful"
Aniya nakablue hair na chinitong mata at maputi ang kutis..
Isa isa ko na sana itong kakamayan ng hawiin ni Dee ang kamay ko patagilid

'Tsk, nakalimutan ko na palang seloso ang boyfriend ko!'

Kung itatanong niyo,kilala namin silang tatlo sa dating school na pinaggalingan namin ni Dee—ngayon alam niyo na kung bakit ganito kaming dalawa?? Maangas pagmay kalaban,parang tangang nagseselosan pag kaming dalawa lang..

Alam niyo kung bakit kami umalis sa dating naming school?? —dahil nahospital yung anak ng may ari ng school, nasuntok ko kasi sa ilong,..ayun nasira ang retoke...sinumpa na akong di makakatapak at makakapag aral doon...si Dee kasi sumama lang sakin para makapagtransfer dito sa university..

"Hanggang ngayon ang selfish mo parin bro,makikipaghand shake lang naman yung tao oh,Di naman hahalikan" pabirong ani harry

"Bakit ba kayo nandito?? Kung wala kayong matinong dahilan lumayas na kayo sa harapan ko..bago pa mandolin ang paningin KO mga putang***na"

"May nakita kasi kaming dalaginding sa  glass wall,.. Mag isa lang nakaupo habang kinakalikot tenga ni Micky mouse.. Nakakaawa lang kaya lumapit kami...at ang ganda—"

Bago niya pa matuloy ang sasabihin ay tinapunan na soya ng masamang tingin ni Dee kaya tahimik itong bumungisngis..

"Tsh"-dee

" Tol,kailangan mo ng pantalon??madami ako sa bahay bibigyan kita ng kahit ilan...donate ko na sayo yung iba Kong damit,..nakakaawa na talaga ang hitsura mo,..bakit di mo manlang sinabi saming naghihirap na pala kayo at pinagtiyatiyagaan mo pa ang damit pangbabae!"
Emosyonal na pahayag ni Kyle

"Oo nga pre,..alam mo kung Hindi lang kita kilala napagkamalan na kitang bakla.—.tol,nakakahabag yang hitsura mo"-Vince

" hayaan niyo na't nag enjoy sa pagiging dalaginding..."-Dan

"Ang cute kaya,tignan niyo't terno ang suot ng dalawa oh"

Habang nagsasalita sila di ko namalayan na mababali ko na pala ang tinidor na kanina ko pa hawak..
Gigil akong linigon silang isa isa
Napansin ko naman ang pagtagis bagang ni Dee pero Hindi nagawang tumingin ng deretso...

"Kayong dalawa"
Gigil Kong turo kila harry at Dan

"Bakit pard's?" Sabay sabay nitong tanong ng nakangiti

"Hubad!!!!"
O_____O
Namilog ang mga mata nito sa sinabi ko na animo'y di makapaniwala sa narinig.. Maramdaman ko naman ang pagngisi ni Dee sa tabi ko at hinapit ako sa bewang na nagsasabing suporta siya sakin

"Nagbibiro ka ka lang diba??"-sila
Umiling ako at pinakitang seryuso ako sa sinabi..
" Bakit naman kami maghuhubad aber??"

"Yang damit niyo ang isusuot namin..kung pagtatawanan niyo kami susubukan ko ring malaman kung anong pakiramdan ng inyo.. Tignan natin ang mangyayari"
Nakangisi Kong saad

Sunod sunod ang lunok na ginawa ng dalawa habang sinusubukang takpan ang sariling katawan

Di naman umimik yung tatlo dahil siguro ayaw madamay..
Dalawa lang ang kailangan ko kaya Di ko na sila aabalahin

"Hindi pa kayo maghuhubad??"-Dee
Umiling iling naman ang dalawa at akmang tatayo ng nagmadali naming hawakan ang pareho nitong braso kaya Napa tigil sila..
Ang ibang customers ay NASA amin na ang paningin at aliw na aliw sa pinanonood.

" gusto niyo bang ako mismo ang gumawa nun?? Di naman ako enteresado sa katawan niyo kaya walang problema sakin kung ano nang makikita ko—"

"Tsh,..don't you dare Cee,.. Wala kang ibang katawan ng  lalaking makikita kundi yung akin lang,..tigilan mo na ang pagiging manyak mo. .tandaan mong limitado ang pasensiya ko"
Banta niya saka inis na pinaupo sa silya si Dan,

"Sir,yes Sir" nakangisi Kong sagot at pabalibag na binitawan si harry sa upuan..

.
.

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon