chapter 42

311 6 0
                                    

"IJA?? Mabuti napadalaw ka, kamusta ka na?"
Tila wala sa hulog niyang pahayag na ikinalingon ko pero Hindi nagpakita ng kahit anong reaksiyon

Sa tono ng pananalita nito parang wala siyang kaalam alam sa tunay na nangyayari,.. At nakakatwang naalala pa nila akong kamustahin sa ganitong lagay

"Cee"

"Magsisinungaling ako kung sasabihin Kong okay lang ako, kaya Hindi —sa tingin niyo ba'y magiging okay ako pagkatapos niyong patayin ang tatay ko??sa palagay niyo ba'y maayos ako pagkatapos ng ginawa ng anak niyo??—Hindi !!!—"

"Cee—"

"What??"

"Sorry, I'm really sorry —"

"Sorry isn't enough para matakpan ang ginawa mo,..Hindi yang salita mo ang kailangan ko!!Gusto Kong pagbayaran mo ang ginawa mo!!"

"Cee,..I'm so sorry —"

Di niya na natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto.. Naunang pumasok rito si Lee kasabay ng tatlong pulis na namumukhaan Kong humarang sa amin ng gabing iyon..

'PSH...wala na ba akong ibang makakaharap na matino???puros kampon ni satanas ang NASA paligid—delikado kung gayun'

"Kuya?? Cee?? Anong ibig sabihin nito??"

"Anak..bakit ka may kasamang mga pulis??" Naguguluhang tanong nila Tito at Dee

"Sorry brother,.. But I need to do this"
Nagsipagkilusan ang mga pulis ng Sandaling sumenyas si Lee para hulihin ang kapatid na ikinakunot noo ko

'Bakit siya pa mismo ang magpapahamak sa sarili niyang kadugo?? Parepareho silang mga walang puso't halang ang kaluluwa,..kahit sino sinasakripisyo—pero ang Hindi ko maintindihan ay kung anong dahilan niya para gawin ito— iniisip Kong siya pa mismo ang magtatanggol at dadamay sa kapatid pero tila bumaliktad ang takbo ng mundo'

"Sumama nalang po kayo samin Sir"
Mahinahong Aniya ng isang pulis habang pinupusasahan ang kamay nito

"Leeeee!!! Damnt it..let me go!"

Napalingon ako Kay Lee ng Hindi makapaniwala sa nangyayari,.. Walang emosyon ang makikita sa mukha nito habang pinagmamasdan ang pigil galit na pagpupumiglas ni Dee
Di ko nagawang makapagsalita sa lalim ng iniisip

Rinig na rinig ko rin ang malulutong na murang pinapakawalan ni Dee habang napahilamos namang lumuluha ang ama nitong di maipaliwanag ang hitsura

Pabalik balik ang tingin KO sa kanilang tatlo hanggang sa magsalita si Lee sa tabi ko "you need to rest,di ka pa lubusang magaling"

Aniya habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng mga pulis tangay si Dee,

Nasasaktan ako sa nakikita ko pero pilit Kong pinipigilan dahil ayaw Kong mag mukhang mahina ..ni minsan di ko iniisip na magkakaganito kami,di ko inakalang magiging ganoong tao ang lalaking minahal ko—gusto ko sana siyang kausapin para marinig ang paliwanag niya kaso baka Hindi ko mapigilan at bigla nalang akong bumigay anomang oras.... Di ko maiwasang makaramdam ng galit at pagsisisi sa sarili ko dahil di ko man lang nagawang iligtas ang dalawang taong importante sa buhay ko

"IJA"
Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko,..pinunasan ko agad ito bago ko hinarap si Tito na ngayon ay malungkot na ang mga mata na parang ilang sandali na lang ay iiyak na sa harap ko

"Walang ginawang kasalanan ang anak ko,...ano't inaakusahan niyo siya ng kasalanan?? Hindi ba't mahal niyo ang isa't isa??"

"Hindi niyo alam kung anong Tao ang tinatangol niyo,At OO mahal ko siya —higit pa sa sarili ko pero ang pagmamahal rin nayon ang nagpapahina sa pagkatao't katawan KO..."

Ngumiti ako ng mapait
"Kung naguguluhan kayo,mabuti pang tanungin niyo malamang ang anak niyo,alin man sa dalawang iyon ay makakapagbigay sa inyo ng paliwanag na hinahanap niyo... Mauuna na po ako"

******

Dalawang linggo na ang lumipas ng ilibing namin si dady sa sementeryo katabi Nina momy at ate
At sa mga dumaang araw ring yun ang walang humpay Kong pag iyak habang nakakulong sa sariling kwarto..

Di ko na narinig pa si kuyang banggitin ang pangalang 'Niya' habang nag uusap kami tuwing kakain
Tahimik lang kaming dalawa at tanging ihip ng hangin lang ang naririnig sa buong bahay bukod sa mga kasambahay na nag uusap usap sa isang tabi

Ang to too humahanga nga ako Kay kuya kasi nakakapasok parin siya sa sitwasyon namin habang ako nagmumukmok sa kwarto habang iniisip kung ayos lang ba si Dee, at kung ano na ang ginagawa niya ngayon..di ko na alam kung saan siya nadala ni Lee matapos siyang hulihin dahil ang totoo'y Hindi naman ako nagpakulong sa kanya kung tutuusin...

Yung galit at puot na nararamdaman ko sa kanya ay biglang nawala't napalitan ng matinding pangungulila at pag aasam na sana ay kasama ko nalang siya ngayon

Gusto ko nang magpahinga—gusto ko ng mawala sa  mundong ito..ang kaso lang iniisip ko si kuya—wala ng ibang matitirang kasama niya,..pero siguro sa oras na makahanap na siya ng babaeng mapapangasawa pwede ko na siyang iwan mag isa..

Wala sa sariling naglakad ang mga paa ko patungong veranda..tinatanaw ang malawak na kalangitan na napapalibutan ng mga nagkikislapang bituin,..

'Siguro'y isa na doon ang ate ko, o alin man sa kanila..'

Mapait akong ngumiti habang binabalikan ang alaala ng nakaraan

Papaluha na ako nang makarinig ng kakaibang tunog

*brrkkksghh

'Aray ko,putang*na!!'

Napahilot ako sa noo ko ng tamaan ako ng ligaw na bato sa kung saan

Sinong walangyang gumawa niyon habang nagmomoment ako??

Inis kong iginala ang paningin at nang mapadapo sa baba'y nanlaki ang mga mata ng makita ng bulto ng tao na nakatayo sa harap ng veranda kung nasaan ako

"Sabihin mo,Sino ka???"

O_______O

'Oh my Goshhh'

To be continue......
.

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon