chapter 39

293 9 0
                                    


Chapter 39

Third person's POV

Mula sa maliit na siwang ng nakasaradong pinto,...malungkot na pinagmamasdan ni Dee ang dalagitang hanggang ngayon ay walang Malay,nakakulong na ang ama ng kanyang nobya pero tila Hindi niya parin nakakamit ang hustisyang nais niya,

Binabalot ang kalooban niya ng matinding pangamba at pag aalala sa oras na magkamalay na si RaCee,.. Di niya natanggap na siya mismo ang nanakit at nagdala rito sa kapahamakan..

'Kung alam niya sanang ginawa ng magaling niyang ama'y di niya magagawang ipagtanggol ito sa kanya,kung sakaling naniwala lang siya sakin di hahantong sa ganito ang lahat,'

Di niya kayang pumasok sa loob dahil alam niyang magagalit at magagalit ang kapatid nitong walang tulog sa kababantay sa nahihimbing na dalaga...kung may Sandaling oras man ay dadalaw pa ito sa ama para kumustahin ang kalagayan, sa ganuong paraan umiikot ang buong araw ni shan,ni Hindi sila magkita ni isang beses ni Lee dahil sa di inaasahang nangyari,wala din itong balak pang gawin iyon dahil sa kapatid

"Excuse me Sir, makikiraan.."
Bigla ay napapahiyang tumabi si Dee para mabigyang daan ang dalawang nakauniporming pulis papasok,di niya naman maiwasang magtaka dahil sa biglaang pagpunta nito rito

"Magandang araw po,"

"Walang maganda sa araw na ito—Anong ginagawa niyo rito??"
Malamig nitong tanong ng Hindi nag aabalang lumingon sa gawi ng dalawa,samantalang maingat na nakikinig naman sa usapan si Dee sa nakaawang na pinto

"Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyong....naheart attack po si Mr Fernando kaninang umaga—"

"Ano kamo??"
Sa ikalawang pagkakataon ay parang nawalang bigla ang lakas nito na animo'y kinakain ng kalungkutan sa narinig,..sa araw araw na pananatili niya sa tabi ng walang Malay na kapatid ay naghihina na siya—ano pa kaya kung pati ang amang binibisita nitoy nawala?
Ang pag iisa sa isang lugar na Wang kahit sino y napakalungkot isipin,wala kang mapagsasandalan,walang mandadamay sayo,walang kausap,wala lahat—ang kabilang mga kamag anak ay pabalik palang mula sa america,bukas ay siguradong parating na ang mga ito dahil sa balitang nakarating sa kanila

"Dinala na po siya sa morge kanina—"

"At ngayon niyo lang naisip na ibalita at ipaalam ang bagay na yan samin??kung kaninang umaga pala iyon 'naganap'..anong karapatan niyong ilihim sa amin ng ganito katagal???Ano??naghihintay pa ba kayong ilibing siya bago niyo ipaalam sa aming wala na siya??Anong klasing tao ba kayo't hinayaan niyong mangyari iyon!!"
Pigil galit ang mga salitang binibigkas niya dahil sa kapatid..sa isip niya'y ito ang lubos na masasaktan sa lahat,..
Una'y isinakripisyo nito ang sariling buhay para iligtas ang ama,kahit pa wala siyang alam sa totoong nangyari,tapos gigising nalamang at sa burol na mismo dadalo o kung Hindi nama'y sa puntod nalang dadalaw pagnagkataong Hindi pa ito gumising.

Sa kabilang banda,natigilan naman si Dee at napatulala sa kawalan..di malaman kung anong nararamdaman,
Oo nga't nakuha niya ang hustisya para sa ama pero parang nasasaktan siya ng lubos dahil tripling paghihirap ang ibinalik niya sa kanila
Ang kaninang galit,puot at hinanakit ay napalitan ng awa,lungkot,pait at pagsisisi

Oo nga't hinangad niyang pagbayarin ito sa kasalanan pero Hindi niya inaasahang sa ganitong paraan pa—ang buhay ng ama ng kanyang pinakamamahal na nobya

Ngayon ay tuloy tuloy ang pagpatak ng luha sa mga mata nito dahil sa kasiguraduhang mas duduble ang pagkamuhi ng dalaga para sa kanya—kailan man ay ayaw niyang dumating ang araw na Hindi na siya kayang tignan nito ng deretso sa mga mata,Hindi na magkakaroon pa ng away ng magkarelasyon at pagmamahal na gustong iparamdam niya oras na magkamalay ito..

"Sorry...sorry...sorry"
Walang lamang ang isip niya kundi ang pag hingi ng tawad,ang salitang binabanggit niya ng nakatulala hanggang sa makarating sa kwarto ng ama..
Nadatnan niya ang kapatid na NASA malalim na pag iisip..pero ng napansin nito ang kanyang paulit ulit na paghingi ng sorry at walang humpay na pagluha ay agad niya itong dinaluhan,kahit pa alam niyang may kasalanan din ito y kapatid parin ang Turing niya Kay Dee.

Sabay sabay na problema ang dumating,na kahit kailan ay di niya hiniling..tanging 'Sorry nalang ang kaya niyang sambitin'
Nalulungkot siyang napatitig sa nakababatang kapatid at nakaramdam ng matinding awa..
Nais niya sanang sabihin ang magandang balita pero Hindi kayang bumukas ng bibig niya..
'Nagkamalay na si dady'

Imbes na matuwa'y labis lamang siyang nalungkot at Hindi naitago ang pamumula ng mga mata senyales na malapit narin niyang sabayan ang pagluha at paghikbi ng kapatid anumang oras.
..
Someone's POV

"Mabuti naman at wala na tayong problema pa..namatay na pala  ang matandang iyon..hmm..magaling..napakahusay ng mga tauhan mo PO1 gonzaga,..Hindi ako nagkamaling pagkatiwalaan ka"

"Ahmm..boss,may problema pa po"
Nag aalangan nitong saad

"Hmm..Ano iyon?sabihin mo na't may pupuntahan pa ako"

"May sulat daw na iniwan ang matanda para sa isa sa mga anak niya"

"Kunin niyo kung ganun"

"N-naibigay na po eh, ngayon kolang rin po malaman kaya di ko napigilan kanina ang nagdalang pulis—"

"Mga inutillll!!! Kuhanin niyo na ngayon din bago pa may makabasa nun,dahil sa oras na may kinalaman yun sa atin at mabasa nila—kayo ang unang una Kong sisinglin!!"

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon