chapter 21

311 7 0
                                    

Chapter 20

Napabangon ako ng gising matapos narinig ang sunod sunod na ingay sa paligid,inis aKong kumurap kurap at hinanap ang pinagmulan ng ingay
"Pusang gala!! Ano ba..may natutulog oh!!..Isturbo!"-reklamo ko

" heyy,Cee..kanina pa nagriring yang phone mo oh,kailan mo ba balak sagutin??"
Napamulat ako bigla sa Hindi pagtigil ng tunog at napansing nagmumula iyon sa cellphone Kong nakapatong sa mesa katabi ng kama,huli na bago ko masagot ang tawag dahil nag end call na ito

*107 missed call,23 message and 2 notification galing sa Facebook

'Tsk,sinong tarantadong tatawag ng ganito kaaga ng sunod sunod?? Parang di nauubusan ng load amputcha!'

At dahil kulang ang tulog ko kagabi kakaisip Kay Dee (dahil Di tumatawag)—oh? Akala niyo siguro Kay Rex noh?,di ako mag aaksaya ng oras kakaisip sa gwapo—este kulukoy na yun noh, .nakakaasar lang si Dee dahil di sumagot sa tawag ko kaya inuna Kong buksan yung notification sa FB,

*Leo Salazar tag you and 108 person on his post

'Tsk,.. Bakit ako pa tinag niya?,kateam mate ni Dee toh ah,PSH,matignan nga'

Pagbukas na pagbukas ko palang bumungad agad sa akin ang iilang litrato at video ng pamilyar na tao,
Naningkit ang mga mata ko matapos makilalang si Dee iyon habang kaharap ang isang mistesang babae na halatang nakabusangot,nakatalikod sa video si Dee kaya Di ko malaman kung anong reaksiyon niya..
"Oyy baby girl,ano ba yan??,tingin nga"
Sabay sulpot ni ate Mae at nakikiusisa,nasa baba na siguro yung iba kaya siya nalang din ang naiwan kasama ko
Halata din ang gulat sa mga mata nito at napatakip pa ng bibig matapos matignan kung ano yun

"OMG!!..si boyfie mo yan baby girl?? Bat may kausap na iba??,kaso di marinig ang pinag uusapan..ano ba yan..kukuha nalang ng video malayo pa"

Napaismid nalang ako at idinial ang number ni Dee, nakakaisang ring palang ito ng nasagot niya agad,
Ganun siya kabilis

"Babe/Babe!!"
Natawa pa si ate Mae at nagpaalam ng baba muna siya matapos narinig ang Sabay naming pagtaasan ng Bose's

"Bakit ka sumisigaw??/bakit ka sumisigaw??"
Sabay ulit naming sabi

"Video call tayo" mahinahon Kong saad na ikinatahimik ng kabilang linta dahilan para kumunot ang noo ko

"H-hindi pwede,magpapraktice pa kami—"

"Hmm,..Dee"

'Bakit?"halata sa boses niya ang kabang nararamdaman at pilit pinapatigas ang Bose's

"May kasama ka?ngayon?"

"Basketball team"
Maikli nitong sagot na ikinairap ko

"Tsh..sila lang??"

"Tsk..Oo nga .ano ka ba!"-inis nitong sabi.

" mm..naninigurado lang ako,baka mamaya biglang may mga ahas na pala diyan na Hindi niyo napapansing makapasok...tuklawin ka pa"
Nakangisi ngunit makahulugan Kong pahayag na ikinaubo niya

"Malayo kami sa bundok—ahmm..Babe??"

"Oh??"

"Nagfacebook ka ba??,Instagram??,ngayon?" Lalong naningkit ang mga mata ko at nadagdagan ang inis

"Hindi,..bakit??"
Pagsisinungaling ko pa na ikinahinga niya ng maluwag..
Siguro dahil sa post na picture and video.

"Buti naman..para—di ka na makapagchat sa ibang mga lalaki..geh bye na,magsisimula na kami e —basta wag ka munang bubukas ngayong araw"
Paalala nito na ikinairap ng mata ko
"Bye,..I love you!"-paalam nito pero di ko na sinagot at pinatayan siya ng tawag

" Ate!!! Labas kaluluwa ko dito!! Magsasando at short nalang ako!!"
Reklamo ko pa matapos akong piliting isuot ang two piece bikine na binili ni ate kara kanina,kulay pink ito na halatang bumagay sa kutis at balat ko pero nahihiya parin akong isuot
Baka mamaya pagpiyestahan pa ako ng lamang dagat pag lumangoy ako

"Ano ka ba girl..you look stunning kaya..para kang buhay na barbie doll..hehehe"-komento ni Alia,girlfriend ni kuya ren,

" Oo nga baby girl,..sayang lang at wala si boyfie mo rito. Di ka nakita,siguradong maglalaway yun sa harap mo. Hahaha.. "-ate Kara

Napaismid nalang ako at naghalukipkip ng brasong napaiwas ng tingin
" PSH...kaasar ang lalaking yun..nakuha pang magsinungaling...pwede namang magsabi ng to too kung kaibigan niya yun o kamag anak—"

"Baby girl .baka naman kabit,kaya ayaw sabihin sayo..guessed ko lang yun ah"-ate Mae

" Wala akong paki kung kabit niya man yun,..MA's maganda at sexy parin ang original —ako lang yun noh "
Natawa naman sila at napagdisesyunan na naming pumunta sa dalampasigan kung saan nagsisimula ng maglaro ang apat na lalaki..di na ako muling nag reklamo sa suot ko dahil gusto Kong maasar sakin si Dee kung may magsumbong man sa kanya.
Parepareho kaming nakabikini kaya naman lahat ng bakasyonistang maraanan namin ay napapalingon na para bang may rumarampang artista
Nagpakawala kami ng mahinang tawa matapos napansin ang bahagyang pagnganga ng mga bunganga nila rex,limo,Ten at Luke na ngayong ay nakatitig na sa amin

Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin ni Rex, di ko padin nakakalimutan ang Hindi magandang Biro niya,..sayang ngalang at nagwalk out ako kaya di ko nakain ang dinner kagabi

Nagsilapitan na sila sa kanya kanya. Nilang mga nobya samantalang umupo lang ako sa dalampasigan at tinatanaw ang asul na karagatan

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon