chapter 45

391 8 0
                                    

Kinaumagahan matamlay akong bumangon mula sa pagkakahiga at pinagmamasdan ang maamong mukha ng katabi ko,..puno man ng galos ang mukha niya'y di parin maitatago ang taglay nitong kagwapuhan kaya mapait akong napangiti at hinaplos ang mamula mula niyang pisngi
Nakauwi na ang mga kaibigan niya kaninang mag aalas tress ng umaga bago pa maabutan ni kuya

"Please forgive me if I'll hurt nor kill him,I'm only doing this for you—tornerò il mio amore"

Translated in Italian:
(I'll be back my love)

Bago pa tumulo ang luha sa mga mata ko kinuha ko na ang dalawang baril at boots na may daggers na nakasuksok bago lumabas ng kwarto ko kung saan nakahiga siya

'Kailangan KO nang tapusin ang paghihirap naming ito,..kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pang makulong nang walang problema at ibang taong iniisip..I want to end up this mess..wala nang makakapigil sakin—kahit na ang taong malapit at importante sakin,..OO may maiiwan ako pero dahil yun sa kagustuhan Kong pagbayarin ang mga may kasalanan sakin at sa mga mahal ko'

Naabutan kong sumisimsim ng kape si kuya ng makababa ako sa hagdan,napatigil ito saglit ng mapansin ako bago ngumiti
"Good morning Racee"
Bati nito na tinugunan ko ng isang tango

Dumapo ang mga paningin ko sa pagkaing nakahanda sa mesa at nagbaba ng tingin

'Ito na ang huling pagkaing matitikman ko kasama ang kapatid ko,gusto Ko mang sulitin ang Sandaling ito pero Hindi maari dahil nagmamadali ako —ayukong abutan ni Dee at baka magbago pa ang isip ko pag nakita siya'

"Kuya"

"Hmm??"
Mahigimigan ang pagkalito at pagtataka sa tinig nito habang nakaangat ng tingin sakin
Ngumiti ako pero Hindi iyon umabot sa mga mata ko

Mahirap saking gawin ang bagay na ito —ang maging plastic sa harap mismo ng kapatid Kong lalaki

" Ti voglio bene fratello, per favore stammi bene"
Makahulugan Kong saad habang pilit na ngumungiti..

Kumunot naman ang noo nito at binitawan ang hawak na kubyertos—nagtatanong ang mga tingin

"Tsh,..bakit parang namamaalam ka na sa lagay na yan..tsaka —"

Pinagmasdan nito ang kabuuan ng suot ko at bahagyang ngumiwi

"Saan lakad mo?? Himala yata Hindi ka magkukulong sa kwarto mo ngayon"
Medyo pabiro nitong pahayag pero mukhang nabali sa lungkot ng Tono niya

Mapakla akong ngumiti at isinubo ng buo ang bread bago nilagok ang gatas kahit mainit pa
"Hindi na ako muling magkukulong sa kwarto ko Kuya —hindi na"

Tila natigilan ito sa sinabi ko na may dobling kahulugan
"RaCee"

"Hmm.mauuna na ako kuya..take care"
Bago pa siya muling magtanong mabilis pa sa alas kwatrong umalis na ako sa harap niya
Agad akong sumakay sa pinakamabilis Kong sasakyan at pinaharorot ito paalis

Nakarating ako sa malaking bahay niya ng mamataan KO ang mga nakahilirang pulis sa loob at labas ng gate
"Papasukin niyo ako"
Malamig Kong utos sa dalawang pulis...

Nagkatinginan ang mga ito bago muling ibinalik ang tingin sakin
"Sabihin mo kung sino ka at anong pakay mo"

"Ako si RaCee at nandito ako pa—"

"Sige na makakapasok ka na"
Na bigla ako sa mabilis nitong pagtugon matapos Kong sabihin ang pangalan ko,
Tila inaasahan na nila akong pumarito,..di ko maiwasang kabahan sa Sandaling tumapak ako sa loob at nilagpasan ang mga pulis na may kyuryusidad ang mga matang nakatitig sakin

Napahawak nalang ako sa nakatagong baril sa ilalim ng jacket ko ng bumaba mula sa hagdan si Lee na ngayon ay nakangiti

Kung normal na sitwasyon sana ito'y kikiligin pa ako't ngingiti pabalik pero Hindi —sa sitwasyon namin 'y kataka takang nagagawa niya pang maging masaya,walang dudang kampon siya ni satanas

Ang Masungit kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon