Prologue

21 3 3
                                    

"Lexa, he's gone."
I answered the call of my tita, panicking. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

But when I heard her cry, my shoulders fell.

He's gone.

I cried and cried until I fell asleep. Ganyan ako araw-araw for two weeks simula nung nalaman ko ang nangyari. I didn't know what to do until my mom approached me.

"Anak, gising na. Kumain ka na." I felt my mom's hand softly caressing my hair. Mas lalo lang tuloy akong naiiyak.

"Ano na gagawin ko, ma? Iniwan niya na ko. Hindi na siya babalik." Naiiyak kong tanong sakanya.
She smiled. Pero malungkot ang mga mata.

"Hindi dito natatapos ang buhay, anak. Pag nawalan ka ng mahal sa buhay, ang magagawa mo lang ay ang tanggapin ito. Acceptance is the key in moving on. Kailangan mong tanggapin na wala na siya. Sa tingin mo ba pababayaan ka nalang niya? Hindi ka niya iniwan, anak, andito lang siya palagi, binabantayan ka. Whenever you miss him, tumingin ka lang sa mga bituin."
She smiled at me again before leaving.

Matagal pa akong natulala bago ako bumangon. I want to lie in my bed all day pero hindi pwedeng ganun lang.

Like what my mom said, I need to accept what happened.

Lumapit agad sakin ang mga kasama namin sa bahay.
Umiling ako at sumenyas na kaya ko na.

I ate my breakfast and went straight to my bedroom para maligo. Sinuot ko ang bigay niya sakin na bracelet. A simple silver bracelet with his name on it.

Sumakay ako sa kotse at dumiretso sa paborito naming lugar.
I stayed there until lunch time, admiring the trees around me.

For lunch, I ate in our favorite restaurant.

Pasakay ako sa kotse nang tumawag ang kaibigan ko, si Arwen.

"Hello, Lexa? Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Kumain ka ha!" sunod-sunod niyang sinabi.
"I'm fine. I already ate my lunch."
sagot ko.

"Sige. Tawag ka lang kapag may kailangan ka ah? Andito lang ako."
I smiled and said my goodbye.

That's when I realized na ang dami ko palang kasama. I have a lot of people to talk to.

I went to his house para kamustahin si tita.
"Tita.." I smiled at her, getting emotional again.
She hugged me while crying.

"Kamusta na po kayo?" tanong ko sakanya.
"Ayos lang ako, anak. Ikaw, kamusta ka?"
Kumalas siya sa yakap at pinunasan ang luha niya.

"I'm doing good po..I'm going to Manila."
Tumango siya at ngumiti.

"Take care of yourself, iha. Thank you for loving my son and making him happy."

Hindi ko na napigilan, my tears started falling while hugging her.

Pagdating ng gabi, pumunta ako sa sementeryo kung nasaan siya.
"Hi love!"

Umupo ako sa lapag at nilagay ang bulaklak sa puntod niya.
I talked to him, thanking him for all the memories.

"Pupunta na ko sa Manila. Itutuloy ko ang pangarap natin, na mag-aral sa gusto nating university..Kahit ako nalang mag-isa."
I stopped my tears from falling.

I looked at the sky and saw the stars.
"I miss you." I whispered.

Your Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon