Chapter 6

13 1 27
                                    

Sunday.
Kanina pa ako nakatitig sa ceiling. Anong pwedeng gawin?

Nagbihis ako at lumabas.
Pumunta ako sa rooftop.

Nakita ko agad dun si Xavier.
"Bored?" tanong niya habang nakasandal sa railings.
Sumandal din ako sa tabi niya.
"Yup." I answered, looking at the sky.

Tumingin ako sa baba at nakita ang maraming buildings at sasakyan.
"Manila is a busy city.." bulong ko.
"Hmm? Hindi ka ba taga-dito?" he asked.

"Nope. Galing akong Palawan." I looked at him and answered.
"Really? Nakapunta na ko dun!" he smiled.

He asked me to make kwento so I did.
Nagkwento ako habang pareho naming pinagmamasdan ang mga sasakyan at mga tao sa baba.

"Namiss ko lang.. Yung mga beautiful beaches and tourist spots dun, lagi kong pinupuntahan. Gusto ko umuwi.. pero hindi pwede." I whispered the last three words.

"Bakit hindi pwede?"
Napatingin ulit ako sakanya.

"Huh? Pano mo narinig yun?"
Nalilito kong tanong.

"Syempre, I pay attention to every word you say." he said and looked away. Ganun din ang ginawa ko.

"Hmm.. Sabihin nalang natin na may gusto akong kalimutan, na kapag hindi ko kinalimutan, hindi na ako makakabangon." sagot ko habang inaalala siya.
"Nangyari na din sakin yan..hanggang ngayon, nakakalungkot parin." sabi niya.

It has been 2 months simula nung nawala siya. Nakakalungkot parin.

I looked up to stop my tears from falling.
Naramdaman ko ang haplos ni Xavier sa likod ko, comforting me.
Hindi siya nagsalita pero ramdam ko na andyan siya.

"Thank you. Kailangan ko lang talaga nang makakapitan." I smiled at him.
"Pwede mo ko kapitan. Palagi." he smiled.

"Gusto mo magshopping?" he asked after a minute of silence.
Tumingin ako sakanya at umiling, natatawa.

Pano niya nalaman na hobby ko ang magshopping?
I looked at my outfit na kahit sa rooftop lang ay bihis na bihis. Baka halata nga.

Sa mall ay paikot-ikot lang kami, ako lang ang bumibili.
I bought new dresses, skirts, and shorts.

Hindi na sana ako bibili ng sandals dahil marami pa ko pero dahil napadaan ay tumigil na ko para magtingin.

Nasa likod ko lang si Xavier, hawak niya ang mga pinamili ko.
Kanina ko pa siya tinatanong kung may gusto ba siyang bilhin at kainin, wala naman daw.

Binilisan ko nalang mamili para makakain na kami.
"Magsneakers nalang kaya ako? Para hindi mahirap?"
Lumingon ako sakanya pero sa iba siya nakatingin.

Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya at nakita ang isang babae.
Long, black hair, thick eyebrows, and red lips.

I looked at Xavier pero parang hindi niya ako nakikita.

"Dea." he whispered.

Your Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon