"Sky." Habang nagqquiz ay narinig ko ang tawag na ito.
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat.I looked around. It was from a guy! I'm sure!
Habang lumilinga ay napatingin ako sa bintana, and there, I saw the sky.
I sighed. That's impossible.
Wala na nga eh, hindi ko alam bakit pa ako umaasa.Tumingin ako kay Kamilah at nakitang nakafocus lang siya sa pagsasagot.
I looked at Xavier and saw him looking at me."What?" tanong ko.
"Kanina pa kita tinatawag." sabi niya.
"Huh? Paano mo ko tatawagin eh hindi mo naman alam ang name ko? Wala akong natatandaang may sinabihan ako ng pangalan ko. Kahit si Kamilah." Nalilito kong tanong."Syempre, kilala ka na ng mga tao dito, bukod sa maganda ka, you're kind too." sagot niya.
Pinagsasabi nito? Sila nga lang ni Kamilah ang meron ako.Napatingin ako sa prof nang lumingon siya sa gawi namin.
Baka isipin pa niyang nagsasabihan kami ng sagot, kaya di ko na muna kinausap si Xavier."Argh! I'm tired!" Binaba ko ang ulo ko sa lamesa, iniisip ko palang yung reporting namin, napapagod na agad ako.
It's lunch time at kasama ko ngayon si Xavier at Kamilah.
Luckily, kagrupo ko ang isa, si Xavier.Bago maglunch ay binigyan kami ng task, reporting. About sa napakahabang topics na hindi ko naman alam.
Chill lang si Kamilah, kagrupo niya naman daw kasi si Khairo, ang kaibigan ni Xavier na matalino.
Ako lang ang namromroblema, puro lalaki ang kagrupo ko tapos lahat..haaays!
"Sky." narinig ko nanaman yung tawag na yun.
"Bakit parang gulat na gulat ka kapag tinatawag kita?" tanong ni Xavier.
Napaturo ako sa sarili ko."Wait lang, I need a drink." sabi ni Kamilah at umalis.
"Ako? Kailan mo ko tinawag?"
"Ngayon lang." sagot niya.
"Ikaw ang tumawag sakin ng sky?" tanong ko.I sighed, bakit nga naman kasi ako aasa na siya yun.
"Why? Is something wrong?" tanong niya."Why would you call me that? Kahit si Kamilah ay Lexa ang tawag sakin." sagot ko.
"Yeah. Pero maganda naman ang Sky ah, ayaw mo ba nun?" Kumunot pa ang noo niya, parang nag-iisip ng pwede pang itawag sakin."Bakit hindi nalang Lexa, ha? Close na close ba tayo at nag-iisip ka pa ng nickname dyan?" tanong ko. Napanganga pa siya.
Ay! Masyado bang harsh yun?
"Eh anong tawag mo sakin? Classmate? Fine. Ganyan ka pala magtrato ng kaklase, sasabayan kumain, gagala. Tapos si Kamilah, kaibigan mo."
Nilayo niya pa ang upuan niya sakin. Natawa ako. Parang bata!
"Oh sige na nga, close na close na kita." Niloloko ko lang naman eh, syempre tinuring ko na rin naman siyang bestfriend.
"Payag ka na tawagin kitang sky?" Natigilan ako at napaisip.
"Ayaw mo ng Lexa nalang?"
Ayokong may ibang tumatawag sakin nun, siya lang kasi ang tumatawag sakin nun. Tuwing naririnig ko yun, siya agad ang naiisip ko."Bakit hindi? Eh Alexa Skyler ka naman? Lagi pa kitang naabutan nakatingin sa sky." sabi niya at tumingin pa sa sky.
Really? Lagi akong nakatingin sa sky?
Nag-isip ako at pumayag din.
Wala namang masama diba?"Dahil diyan, pwede mo din akong tawaging iba." Nakangiti niyang sagot.
"Hmm..Xavi?" tanong ko.
Napawi ang ngiti niya."Why? Ayaw mo ba?" tanong ko agad.
"Wala. Sure, you can call me that." sabi niya at ngumiti.Something's off. I'm sure.
Parang bigla siyang nalungkot.
BINABASA MO ANG
Your Own Star
Teen FictionAlexa Skyler Aspen is very simple. Kapag may gusto siya? Go. Ipinanganak na mayaman at masunurin sa magulang. She is very contented with her life. She has a good family, kind friends, and a loving boyfriend. Not until something tragic happened that...