Chapter 12

5 0 1
                                    

Kung nandito siya, I know hindi siya magseselos. Sobrang bait niya, hinahayaan niya ako sa mga gusto ko.

We have a healthy relationship.
Kung hindi lang dahil sa sakit niya, siya yung katabi ko ngayon dito.

I stopped thinking about him nung napatingin ako kay Xavi. Si Xavi yung nandito pero siya parin iniisip ko.

I appreciate Xavi a lot. Isa siya sa mga dahilan kung bakit nakakangiti na ako ngayon.
Gumaan ang pakiramdam ko, thanks to Xavi.

I sighed and looked at the sky.
"Kilala ka niya." sagot ko at ngumiti.

Hindi mo na siya makikilala Xavi. Pero I know na alam niyang ikaw ang tumutulong sakin, nag-aalaga. Kung nandito lang siya, siguradong magkakasundo kayo.

"Talaga? Anong sabi niya? Okay lang ba?" sunod-sunod na tanong niya.
"Yeah, syempre. He's thankful na andito ka para sakin." sagot ko at ngumiti.

"Uy! Parang di na uulan!" sabi niya at tumayo pa.
Tinitigan niya ang araw.

"Hindi ka ba nasisilaw?" tanong ko at lumapit sakanya.
"Hindi." sagot niya at tumingin sakin.
"Malungkot ka parin ba?" tanong niya.
"Hindi na." sabi ko at ngumiti.
He nodded and smiled back.

Alam ko namang walang magagawa ang lungkot ko. Kapag malungkot ako, hindi naman siya babalik.

Nagpalipas kami ng oras dun sa taas.

"I'm hungry na." sabi ko sakanya.
"Wait lang, nagpadeliver na ko ng pizza." sagot niya.
"Really? Yay!" sabi ko at pumalkpak pa. Natawa nalang siya.

Sabay kaming kumain pagdating ng pizza.
Nagkkwentuhan lang kami habang kumakain.

"Gusto mo punta tayo?" tanong niya sakin.
BGC daw ang paborito nilang puntahan magkakaibigan.
"Sure!" excited kong sinabi.

"Kailan?" tanong ko pa.
"Pwede ka bukas?" tanong niya.
"Yeees!" sagot ko.

Tinawagan ko na agad si Kamilah at Jill para yayain silang sumama.
"Sure! Omg!" sabi ni Kamilah.
"Sama mo si Khairo ah!" nanunukso kong sinabi.
"Argh, fine!" pabebe niya pang sinabi.

Ang alam ko ay nililigawan na siya ni Khairo, kaya ang sarap nilang tuksuhin eh.

"Sama ka BGC bukas!" sabi ko kay Jill.
"Ah, BGC. Okay! Kailan?" tanong niya kahit kakasabi ko lang.
"Bukas." natatawa kong sagot at pumayag naman siya.

"Tawagan mo sila Dea at Gyuu!" sabi ko kay Xavi pagkababa ng tawag.
"Okay." sagot niya at tinawagan si Dea.

"Gusto ko ng korean food!" sabi ni Andrea at dumiretso sa bilihan ng tteokboki, ramen, at kung anu-ano pa.
Kumain kaming apat habang ang mga lalaki naman ay gumala para bumili ng sapatos.

Pagkatapos kumain ay pinuntahan namin ang tatlo.
"I like this one!" turo ko kaagad sa isang sapatos.

Nagkaniya-kaniyang tingin narin sila Kamilah, Dea, at Jill.
Sa huli ay lahat kami ay may bitbit paglabas.

"Mygod! Napagastos ako dun, ah!" maarteng sabi ni Kamilah.
Sa dinner ay nilibre kaming lahat ni Khairo, para daw hindi na gumastos si Kamilah.
Puno kami ng asaran at kwentuhan habang kumakain.

Pauwi ay wala na kaming energy. Sobrang ingay kasi namin kanina.
"Ugh, I don't wanna pasok bukas!" ignit ni Kamilah habang papasakay sa kotse ni Khairo.

"Una na kami." paalam ni Dea at Gyuu.

Kami ang nahuli ni Xavi.
Si Jill ay sinabay na nila Dea.

"I'm tired." sabi ko at sumandal sa upuan habang pauwi kami.
"Tulog ka muna." sabi ni Xavi.

"Xavi!" sigaw ko at napahawak sa bintana. I can feel blood running down my head.
Tiningnan ko si Xavi at mas lalong natakot nang nakitang wala siyang malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon