Chapter 11

2 0 0
                                    

"You look happy." puna ni Xavi habang pauwi kami.
"Syempre, masaya ako dahil sa mga kaibigan natin, at dahil sayo." sagot ko habang nakangiti.
"Me too." he glanced at me and smiled.

"Goodnight, Sky!"
"Goodnight, Xavi!"
Bati namin sa isa't-isa bago pumasok sa kanya-kanyang unit.

"Hello, Tita?" I called her early in the morning.
"Hi, Lexa." Ang boses niya ay mahina, parang kagagaling lang sa iyak.

"Kamusta na po?" tanong ko.
"I'm fine..Kinakaya parin." she cried kaya hindi ko napigilang umiyak na rin.

"Miss na miss ko na siya, anak." sabi niya sakin.
"I know, tita. Ako rin po. Pero we need to stay strong, yun po ang gusto niya. Gusto niya po masaya tayo diba?" I wanted to hug her pero hindi pwede.

"Salamat, anak. Later, bibisitahin ko siya. Mas masaya sana siya kung narito ka, pero I understand. Mag-aral nang mabuti, ha?" sabi niya.
"Yes, tita. Ingat po kayo diyan." sagot ko at binaba na ang tawag.

It's his birthday today. Gusto ko siyang puntahan, pero I can't.
Today is a Saturday so I'm free.

Nagbihis ako at lumabas para bumili ng flowers at candles.
Pagbukas ng elevator ay nagulat ako nang makita si Xavi dun.

"Aalis ka?" tanong niya.
Pumasok ako sa elevator.
"May bibilhin lang." sagot ko.
"Samahan na kita." sabi niya.

Bumili ako ng mga puting bulaklak and two candles.
Nanatiling tahimik si Xavi sa likod ko.

"Ikaw saan ka galing?" tanong ko sakanya habang papunta kami sa restaurant.

We decided to buy food sa resto and eat sa rooftop.
"May binili lang din." sagot niya.

"Wait lang ah, magpapalit lang ako." sabi ko at pinaupo siya sa living room.
Hindi na daw siya magpapalit ng damit dahil komportable na siya kaya pinaupo ko muna sa unit ko.

Pumasok ako ng kwarto para magpalit ng damit. I looked at the picture of him and smiled.
Nilagay ko ang flowers at candles sa tabi ng picture frame niya sa nightstand ko.

"Happy Birthday, Love." sabi ko bago ako lumabas.
"Let's go." I smiled at Xavi.

"Umagang-umaga, hindi ko makita ang araw." pansin ni xavi habang kumakain kami ng breakfast sa rooftop.
"Baka naman uulan?" sabi ko habang kumakain ng fries.

Tumitig siya sakin.
"What?" nagtataka kong tanong.
"Malungkot ka no?" sabi niya.

"Huh? Hindi ah!" tanggi ko agad.
"Tingnan mo tuloy yung araw, hindi sumisikat. Malungkot ka kasi eh." sabi niya pa.
"Di naman." sagot ko.

Dumikit siya sakin.
"May problema ka ba? Pwede ka magkwento." sabi niya.
"Miss mo pamilya mo? Yung boyfriend mo?" tanong niya pa.
Tumango ako.

"Tawagan natin! Pakilala mo ako!" maligaya niyang sinabi.
"Kilala ka na nila." sagot ko.

Nakwento ko na kila mommy at daddy na nagkaroon ako ng mga kaibigan dito.
Masaya sila dahil may mga makakasama na daw ako.

"Talaga? Eh sa boyfriend mo? Di naman siguro seloso yun ano?" tanong niya at tumingin pa sa taas na parang nag-iisip kung anong mga ginawa namin na ikakaselos ng boyfriend ko.

Your Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon