Chapter 3

13 1 1
                                    

"Good Morning, Anak! Kamusta ka? Maayos ba ang university mo? Okay ka lang ba?" she asked.

I'm talking to her on the phone while walking. Papalabas na ako sa bago kong condo unit. Malapit lang siya sa university ko kaya maglalakad nalang ako.

"Yes, ma. Maganda po yung pinapasukan ko." I closed the door and locked my unit, kasabay nang pagbukas ng katabi kong unit.

Napatingin ako dun at halos mahulog ko ang phone ko sa gulat.
"What are you doing here?!" I almost shouted.

"Ano, anak?" my mom asked.
"Ah, ma. I'll call you later po. Sige na po, bye! Love and Miss you!" I ended the call after she answered.

I looked at Xavier na nakasandal sa pinto ng unit niya.
"So anong ginagawa mo dyan?" I asked again and even pointed at his door.
"Feel ko nandito ako kasi dito ako nakatira?" he smiled.

Masyadong maaga para makita ko ang mukha niya! Hindi ko alam pero naiinis ako.

I rolled my eyes at him and went straight sa elevator.
Sumunod siya habang nakapamulsa.
"Argh, so hot." bulong ko.

"Hot? Ako? Ay maliit na bagay." sagot niya.
"What? I mean the weather! Ew!" maarte kong sagot.

I hate this day! Hindi ko rin alam kung bakit.

Mas lalo akong nainis nang nakita ang sinag ng araw. What if I buy a car nalang here kaya? I can't walk everyday!

"Sabay ka na sakin." sabi sakin ni Xavier.
May car pa siya? Ang lapit na nga!
I can walk naman kahit mainit.

"No na. I can-"
Hinatak niya ako at pinasok sa kotse. Okay, whatever.

"Ang lamig!" I said to him habang pinapaandar niya ang sasakyan.
"Sabi mo kanina, ang init. Ngayon, malamig. Ano bang gusto mo?" he asked, mukhang hindi pa naman siya pissed.

"I want ice cream!" sabi ko at tinuro ang lahat nang makikita kong restaurant and fast food chains.
"Malamig pero ice cream." I heard him say at hinilot pa ang sentido niya.

"Ano? You're not going to bili?" I asked him, brows furrowed.
"Oo na, ito na." he answered.

"Meron nga to, sana okay lang ako." bulong niya pa.
"What?"
"Wala."

Sabay kaming naglalakad papasok sa university while eating ice cream.
Pinabili ko din siya ng kanya para may kasama ako. Duh! Ayoko ako lang mag-isa nakain.

When he saw that I'm struggling with my bag, he immediately took it. Hawak niya ito hanggang makaupo kami sa room.

"Thank you!" I smiled at him.
He smiled back.

"Basta kaibigan na kita ah!"
"Sure!"

"Pahiram ako ballpen."
"Pahingi ako paper."
"Ano sagot?"
"Sabay tayo kumain."

"Wait! Stop nga! Bakit ang kulit mo? Para kang girl na may menstruation!" inis na sabi ko.
"Oh, ngayon naramdaman mo na? Ganyan ka kanina!" he laughed.

Really ba? Bakit hindi siya naiinis sakin?

Tiningnan ko lang siya nang kunot-noo. He's so weird!
Bakit di siya naiinis?

"Gutom ka na?" tanong niya sakin pagdating ng lunch time.
"Yes. I'm gonna have lunch na. See you later!"
Nagbait na ko sakanya, kawawa naman eh.

"Bumait ka ata? Tara sumabay ka na samin." he smiled.

Why is he so nice? Tatanggi na sana ako pero hinila niya na ako. He ordered a lot pa! I'm on a diet! Anuba!

"I can't eat this! I want to eat salad-"
"Salad Salad. Hindi pwede!" sabi niya.

"Feeling dad ko." bulong ko.
"Grabe ka naman. I'm too young to be your dad. Feeling boyfriend nalang."

Now that he mentioned it, meron akong boyfriend. Pero there's nothing wrong naman, kaibigan ko lang si Xavier.

Tumahimik nalang ako habang naglulunch.

"Ayos ka lang? Masakit puson mo?" he asked while we're going back to our room.
"No. Tinatamad lang ako magsalita." sabi ko nalang.

After classes, dumiretso na agad ako palabas. Nagkataong may kausap si Xavier kaya hindi niya ako nakita.

Iiwas ako dahil nag-guilty ako. Feeling ko I'm cheating on him kahit hindi. Kahit simpleng may kasama lang akong iba.

Your Own StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon